Google Super Xander
(Up! Up... and See you soon...!")
                                           Back to Homepage              

       "Huhuhu....Tito Eric asan ka na ba...ba't mo ako iniwan...sabi mo paggising natin sasakay tayo ng train papuntang Maynila...tapos ngayon asan ka na ba..." iyak ng isang nakakaawa ngunit poging-poging pitong-taong gulang na batang lalake. Nagpatuloy sa pag-iyak at paghahanap ang bata, subalit kahit saan niya ibaling ang kanyang mga mata ay hindi niya matagpuan ang hinahanap niyang tito.  Dumami nang dumami ang mga taong dumarating para sumakay sana sa train papuntang Maynila.  Sa pagod ng bata sa kakaiyak at kalalakad ay napaupo siya sa isang upuan at nagpatuloy  
ng kakaiyak.  Maya-maya ay may lumapit sa kanyang isang batang babae , tiningnan siya sandali at naupo sa kanyang tabi. Napansin ng batang lalake ang magandang batang babaeng tumabi sa kanya.  Kaya tinanong niya ito kung nakita ba niya ang Tito Eric niya, "Hoy bata nakita mo ba ang Tito Eric ko ha?" 
          "Hindi saka hindi ko naman kilala tito mo ah, kaya ka pala iyak nang iyak ay dahil hinahanap mo tito mo, naiwan ka siguro niya ano?  tanong nito.  "Sandali ano pala pangalan mo ha, ako si Althea ikaw?" tanong pa ulit nito. "Sandali masakit ba tiyan mo ha, nagugutom ka ano, sigi sa iyo na itong isang hamburger ko tutal dalawa naman to eh."
    
       "Talaga akin na lang yan, nagugutom na rin talaga ako eh hindi pa kasi ako nakakapag-almusal mula kanina pagkagising ko.  Masarap ba 'yan ha, ngayon lang kasi ako makakakain niyan eh," nahihiyang pag-amin nito.
            "Talaga ngayon ka pa lang makakakain nito, eh di sigi kain ka o sabay na tayong dalawa, " alok ng batang babae habang sinimulang kainin ang isa pang hamburger. "Hindi ka siguro inaalagaan ng tito mo kaya hindi ka pa nakakakain ng hamburger ano?"
             "Hindi mabait 'yon, inaalagaan ako noon kaya lang ang palaging ibinibigay sa akin noon ay poro ensaymada, puto, bibingka, biko, mangga at sorbetes sa kalye.  Salamat ha, naku ang sarap pala nito, pangmayaman siguro to no?" pansin ng batang lalake.
             "Parang hindi naman, maski naman mahihirap nakakain din niyan nakikita ko sa may palengke sa may amin."
             "Oy kanina ko pa napapansin bakit may mga batang nagtitinda ng mga pulang bulaklak at mukhang marami ang 

gustong bumili ng mga ito ha?" tanong ng batang lalake habang patuloy sa pag-nguya.
             "Kwan kasi ngayon Valentines Day," sagot ng natatawang batang babae.  "Siguro hindi mo na naman alam 'yon no. "
              "Ha naririnig ko na rin 'yan dati, pero hindi ko lang alam masyado kong ano ang ginagawa tuwing Valentines Day." 
              "Naku naman sigi na nga kwan kasi 'yan araw ng mga puso, ng mga taong nagmamahalan, ganon." paliwanag nito."  Gaya ng mga magulang ko dati, pag ganitong araw binibigyan ni papa ang mama ng mga mapupulang rosas kasi mahal niya mama ko." 
               "Ah ganon pala 'yon, baket naman mahal ng papa mo ang mama mo ha?" tanong pa ulit nito.
               "Eywan kasi siguro dahil mabait ang mama saka maganda pero wala na rin silang dalawa ngayon kinuha na ni Lord kaya sasama na ako kina lolo at lola papuntang America, ayon nga sila o bumibili ng ticket ng train, pupunta kasi kaming Maynila eh."
                "Eh di marami ka ring matatanggap na rosas ngayon no," sabi ng batang lalake.
                "Ha baket mo naman nasabi 'yan ha?" 
                "Sabi mo kasi pag maganda at mabait binibigyan ng rosas, kaya malamang makatanggap ka rin ng marami niyan ngayon." 
                "Ha ako maganda?" medyo nagulat na tanong ng batang babae.
                "Oo naman, kaya kung may pambili nga lang ako eh bibigyan kita ng marami niyan, " dagdag pa ng bata habang tinitingnan ang kausap.
                Maya-maya ay may biglang lumapit na isang malaking mama at tinanong ang batang babae.  "Ikaw ba ang apo ng mga bumibili ng ticket ng train ha?" tanong nito sa batang babae.
                "Opo baket?" 
                "Kung ganon ikaw si Althea." biglang kinaladkad ng mama ang batang babae papalayo.  Napasigaw ang batang babae subalit agad tinakpan ng isang kamay ng mama ang kanyang bibig habang ito ay papalayo.
                Nagulat ang batang lalake sa nangyari pero agad niya itong hinabol ng hinabol at nang maabutan niya ito ay agad niya itong sinipa mula sa likuran.  Natumba agad ng ganon-ganon lang ang mama tapos hinatak agad ng batang lalake ang bagong kakilala papalayo sa masamang lalake.  Takot na takot pa rin ang batang babae  sa nangyari sa kanya.  "Salamat ha mabuti na lang niligtas mo ako, saka ang galing mo naman isang sipa mo lang tumba agad ang masamang taong 'yon, nakakabilib ka naman, karatista ka siguro ano?" 
              "Hindi naman... nachambahan ko lang siguro kaya bumagsak agad nang masipa ko kanina," nahihiyang pag-amin ng batang lalake.  
              "Sino ba iyang kausap mo Althea ha, saka baket parang umiiyak ka ng kunti ha ano bang nangyari?" tanong ng kadarating na lola ng batang babae na tila walang alam sa nangyari dahil sa bilis ng pagkakaligtas na ginawa ng batang lalake.
              "May nagtangkang kumidnap sa akin kanina lola mabuti na lang at sinipa agad niya at nakatakas ako."
              "Halika na Althea sumakay ka na sa train baka bumalik pa 'yon, siguro kasama 'yon sa mga gumawa ng masama sa mommy at daddy mo," sabi ng matandang babae na nahintakutan sa mga narinig.
             "Halina kayo sakay, aalis na ang train papuntang Maynila," yaya ng kadarating na lolo ng batang si Althea.
             "Salamat ulit ha, sasakay na kami sa train maiwan na kita rito ha," sabi ng batang babae sa batang lalake. "Pagbalik ko galing America hahanapin kita rito ha,  sana andito ka para magkita ulit tayo ha," pahayag ng bata habang naglalakad pasakay ng papaalis na train.
           "Sigi hihintayin din kita rito pagbalik mo."
           Pagkasakay ng train, mula sa may bintana, dumungaw ang batang babae at tinanong ang batang lalake.  "Hoy ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong nito habang paingay ng paingay ang train at unti-unting bumibilis ang takbo nito.
           "Ako, ako si Xandro, Xandro!" sigaw ng batang lalake habang dahan-dahang hinahabol ang papaalis na train. 
           "Xando,  Xando pala pangalan mo!" sigaw ulit ng batang babae.
           "Oo Xandro pangalan ko!" sigaw nito pabalik sa batang babae.
           "Okey Xando, hintayin mo pagbalik ko!"
           "Sigi hintayin kita pangako!"
           Nang makaalis na ang train ay nanatiling nakaupo ang batang lalake at hinintay nang hinintay ang nawawalang tito.

II

            Makalipas ang labing-apat na taon.

            "Hoy gising!" sigaw ng isang babae. "Tanghaling tapat na natutulog ka pa rin, gumising ka nga't magbayad ka na ng renta!"
            "Manang Lucy naman natutulog ang tao, istorbo ka naman,"  sabi ng kakagising pa lang na si Xandro.
            "Hoy bago ka matulog akin ng bayad mo sa renta dito sa boarding house ko," utos ni Manang Lucy kay Xandro.
            "Saka na lang muna Manang Lucy kulang pa 'tong pera ko," pakiusap nito.
         "Hindi ngayon ka na magbayad sinabi."
         "Nakakainis ka na manang ha sigi pag-nainis na talaga ako ng tuluyan, lilipat na ako sa ibang boarding house."
         "Saan ka ba lilipat Xandro?" sabat ni Joanna na kanina pa pala nakikinig sa dalawa habang panay ang nguya ng paborito nitong Chippy.
         "At ba't mo naman tinatanong kung saan 'to lilipat ha Joanna?"  nagtatakang tanong ni Aling Lucy sa babaeng boarder.
         "Kasi lilipat rin kami doon, kung saan si Xandro doon din kami," patawa-tawang tugon ni Joanna na nag-Pantene kaninang umaga.
         "Hoy Xandro saan ka nga ulit lilipat ha?"  tanong ng dalagang anak ni Lucy na si Angelica habang kumakagat ng Shakey's Pizza.
          "Ba't mo tinatanong si Xandro kung saan siya lilipat anak, baket lilipat ka rin ba doon, ha?"  tanong ulit ni Manang Lucy na palaging naglalagay ng Johnson's Baby Oil sa buhok niya.
          "Hindi naman, magsasama lang ako ng architect papa-renovate ko,  para maging komportable naman si Xandro paglipat niya doon," natatawang biro nito sa ina.
          "O paano Manang Lucy aalis na ako at lilipat na sa kabila," pabirong pananakot ni Xandro sa babae.
          "Kayo talaga pinagkaisahan niyo na naman ako, o sigi na nga bukas ka na magbayad, pag hindi naku lagot ka na talaga sa akin," pagbabanta uli ni Manang Lucy  habang umaalis ng bahay para mamalengke para sa kanyang tindahan na punong-puno ng mga paninda gaya ng Aji Ginisa, Ajinomoto, Knorr Cubes at Sinigang,Datu Puti Suka at Toyo, Pantene, Sunsilk, Guard, Rejoice, Hansel Sandwich, Rebisco Sandwich, Fibisco Biscuits., Tide, Surf, Ariel, Gatsby,  at marami pang iba.  Palaging ubos ang mga paninda nito kaya maaga itong mag-grocery para hindi lumipat sa iba ang mga suki niya sa tindahan.
            "Salamat naman at tinulungan niyo akong mapakiusapan si Manang Lucy Joanna, Angelica," pasasalamat ni Xandro sa mga kaibigan.
            "Naku wala yon, malakas ka sa amin, pag-umalis ka kasi baka tumahimik ang bahay dahil wala nang mabubungangaan si Manang Lucy at mawawalan na kami ng kaibigang pagkapogi-pogi dito sa bahay," biro ni Angelica sa kaibigan. "O ito kumuha ka nitong Shakey's Pizza.   Kumusta na nga pala, nakita mo na ba ang hinahanap mo ha?" tanong ni Joanna.
             "Hindi pa nga rin eh, pero makikita ko ulit 'yon balang araw," sagot ni Xandro habang nginunguya ang ibinigay ni Shakey's Pizza ni Joanna.  "Aalis na muna ako at maghahanap ng pambayad kay Manang Lucy bukas."
            "Sigi ingat ka Xandro," paalala ni Angelica sa binata.

            III
             Saan naman kaya ako maghahagilap ng pambayad ng renta nito tanong ni Xandro sa sarili habang nakatayo sa tapat ng Guani Rent A Car. Ang hirap talaga nitong walang permanenteng trabaho oo.  Ano kayang gagawin ko ngayon, alam ko na...  pupunta na lang muna akong palengke malapit sa Rose Pharmacy baka makahanap ako ng raket doon.  Sumakay si Xandro ng Jeep na pininturahan ng Boysen Paint at papuntang palengke,  pagkababa pa lang niya ay may nakita siyang isang lalakeng mabilis na tumatakbo papalapit sa kanya at may dala-dalang isang mamahaling bag.  Tapos narinig niya ang sigaw ng isang babae humihingi ng tulong.  "Tulungan niyo ako hinablot ng lalakeng 'yan ang bag ko! Snatcher!  Snatcher!" 
             Pagkalapit ng snatcher kay Xandro ay agad niyang inagaw mula sa tumatakbong snatcher ang mamahaling leather  bag.  Pagkarating ng humahabol na babaeng naka-Rolex Watch sa kinatatayuan ni Xandro ay agad itong nagpasalamat sa kanya.  "Naku salamat naman at nabawi mo ang bag ko, nakatakas nga lang ang gagong 'yon!" pasasalamat ng babae sa binata. "Mahalaga kasi ito sa akin nasa loob nito ang kinita ng Appliance Center ko sa malapit, idedeposito ko sana bangko, paano ba kita mapapasalamatan ha, ano nga palang pangalan mo ha?"
             "Xandro, Xandro pangalan ko, saka wala yon, hindi mo na kailangang magpasalamat pa."
             "Hindi baka may kailangan ka, sandali ano bang trabaho mo, naghahanap rin kasi ako ng Driver/Delivery boy para sa Appliance Center ko," pagtatapat ng babaeng uminom ng Alaska kaninang almusal.
             "Talaga, tamang-tama pala kasi naghahanap talaga ako ngayon ng mapagkakakitaan, saka marunong akong magneho kaya pwede ako sa inaalok mo," sagot naman agad ng binata.
             "Sandali, ako pala si Veronica, ito calling card andiyan ang pangalan at address ng tindahan ko andiyan lang 'yan sa may unahan puntahan mo na lang ako para makapagsimula ka agad."
             "Naku maraming salamat po talaga, pupunta agad ako mamayang hapon, uuwi lang ako sandali ng bahay at kukunin  ko ang Driver's License ko.
             "O sigi, aasahan kita mamaya sa tindahan ko Xandro, paalam," pamamaalam ng babae habang papaalis.
             "Sigi po salamat uli." pasasalamat ni Xandro sa babae.

                                                 IV
              Pagkabalik ni Xandro sa boarding house nila ay agad itong naligo at nagpalit ng damit.  Alin kaya dito ang isusuot ko, ito na lang munang jeans saka itong light blue na polo.  Matapos niya itong isuot ay tiningnan niya ang sarili niya sa salamin.  Natuwa siya  sa nakita niya, bumagay kasi sa mestizo niyang hitsura ang suot niya.  Siguro pwede na to, hindi na nakakahiyang humarap pagkana-interview ako mamaya.  Matapos niyang isuot ang kanyang rubber shoes ay umalis na agad siya ng bahay at nagpunta sa hintayan ng jeep.  Pagkasakay niya sa front seat ay tiningnan niyang mabuti ang buhok niya kung hindi ba nagulo ng hangin.  Aba ayos din tong gel ko ah, hindi man lang nagalaw ang buhok ko kahit ang lakas-lakas pa ng hangin. Maya-maya ay narating na niya ang itinurong lugar ni Veronica, binasa niya ang malaking signage nito.
"Veron Appliance Center," basa ni Xandro habang nakangiting nakatingala rito. Sana matanggap ako para dito na ako makapagtrabaho.
         Binuksan niya nang dahan-dahan ang malaking glass na pintuan.  Pagkapasok niya sa loob ay nakita niya si Veronica na may kinakausap na nakaunipormeng lalake at nang mapansin siya nito ay agad siyang nginitian at senenyasang umupo muna. Naupo naman agad si Xandro at pinagmasdan niyang mabuti ang palibot ng tindahan, nakita niya ang napakaraming mga branded na appliances gaya ng Tv, refrigerator, aircon,DVD, washing machine, microwave oven at marami pang iba.  Tapos sa isang sulok ay may nakita siyang isang babaeng nagko-computer.  Pinagmasdan niya itong mabuti, napansin niyang hanggang balikat ang makintab na buhok nito, hindi niya masyadong makita ng hitsura nito dahil medyo nakatagilid ito ng kunti, pero sa tantya niya maganda ito.
         "Pasensya ka na pinaghintay kita, may iniuutos pa kasi ako sa isang empleyado ko, este makakasama mo rito sa tindahan ko," salubong agad ni Veronica sa nagligtas sa kanya.
         "Ha makakasama ibig mong sabihin tanggap na agad ako wala nang interview-interview pa ha?" medyo nahihiyang tanong nito.
          "Wala na, saka sa ginawa mong tulong sa akin kanina at nakausap na rin naman kita kahit papano kaninang umaga hindi na kailangan, may tiwala na agad ako sa iyo," sagot nito.
          "Ito nga po pala ang Resume ko saka driver's license," sabi ni Xandro habang inaabot ang isang envelope kay Veronica.
          Tiningnan niya ang mga laman nito sandali at agad na senensyasang palapit ang babaeng kanina pa pinagmamasdan ni Xandro.  Nang mapansin ito ng babae ay dali-dali itong tumayo at lumapit sa kinatatayuan nila.  Nang makalapit na ito ay agad itong ngumiti kay Veronica at tiningnan sandali si Xandro.  "May kasama ka pala Vero, ano bagong empleyado ba siya, ha?" tanong naman agad nito.
          "Oo siya yong kinukwento ko sa iyong bumawi  sa bag ko  mula sa snatcher," pagtatapat ni Veronica sa kaibigan. "Ito ang resume niya, pakitabi na lang sa mga records mo ha.  Saka ito pala si Lynette, kaibigan ko saka magiging supervisor mo Xandro."
          "Good afternoon ho m'am," bati naman agad ni Xandro sa magandang babae.
          "Good afternoon din sa 'yo," bati din ng babae.  Tiningnan siya ng mabuti ng babae tapos ay tumalikod na para i-file ang mga records ni Xandro.
           "Huwag kang mag-alala mabait iyang magiging supervisor mo, matagal ko ng kaibigan 'yan at kababalik lang ng Pilipinas," pagtatapat ni Veronica.
           "Ganon po ba, sana magkasundo kaming dalawa," sagot ni Xandro.
           "Sigi maupo ka lang diyan at pag may dumating na cliente paupuin mo na lang o kahit ngitian mo na lang at ang mga ibang empleyado na ang mag-aasikaso kung ano man ang gusto nilang bilhin," bilin nito habang papalayo at papunta sa kinauupuan ni Lynette.  Napansin ni Xandro na parang binibiro ni Veronica si Lynette pero hindi niya matantya kung ano ito basta mukha lang tuwang-tuwa si Veronica sa kung ano.
           Maya-maya lang ay nag-umpisa nang pumasok ang mga mamimili at agad naman itong inasikaso ng kanilang mga saleslady.
Wala pang bumibili poro tanong lang ng tanong ang pumapasok kaya walang magawa si Xandro kundi maupo nang maupo at hindi niya mapigilan ang sariling tingnan si Lynette habang nagko-computer at kapag tumitingin ito sa kanya ay umiiwas siya nang tingin at medyo nangigiti ng kunti na parang bata.  Sa pakiramdam ni Xandro ay magaan na magaan agad ang loob niya kay Lynette kahit hindi pa naman niya ito masyadong nakakausap.
          Ilang sandali lang ay tinawag agad si Xandro ng Saleslady at may ipinagbilin. "Ikaw bagong driver dito di ba, pakikarga nga itong  
Tv sa Delivery van kasi nabayaran na ito ng customer, kausapin mo na lang kung saang address mo siya ihahatid, okey," bilin ng saleslady kay Xandro.
          Matapos ituro kung alin ang kakargahing tv ay agad itong binuhat ni Xandro palabas ng tindahan, subalit bago siya makalabas ng pintuan ay sinulyapan niya ulit si Lynette, napansin siya nito at nginitian siya ng kunti.  Kaya lalong pinagbuti ni Xandro ang pagbuhat sa tv at agad na ikinarga sa van.  
          "Dahan-dahan ha baka magasgas 'yan," bilin ng lalakeng customer kay Xandro.  "Ihatid mo na lang iyan sa address na ito okey."
          "Opo malapit lang pala ang sa inyo, alam na alam ko ang lugar na ito kaya huwag kayong mag-alala at maihahatid ko agad ito."
          Nang makaalis na ang customer ay umakyat agad sa sasakyan si Xandro para magmaneho.  Tuwang-tuwa siya na may trabaho na agad siya kahit hindi pa naman niya alam kung magkano ang sahod.
Bago siya makaalis ay napansin niyang tinitingnan siya ni Veronica at parang kinukurot si Lynette sa may tagiliran at parang tinutukso sa kung ano.  Nahawa na rin si Xandro sa ngiti ni Veronica kahit hindi naman niya alam ang dahilan.  Maingat siyang nagmaneho sa may kalsada, sinadya niyang sundin lahat ng mga traffic signs dahil ayaw niyang mapahiya kung saka-sakali sa bagong boss niya. Patuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa marating niya ang address ng customer.
          Matapos ay nag-doorbell siya at agad na lumabas ang isang bata. "Ma andito na bagong tv natin, labas ka na riyan. Sigi pasok mo na sa loob ng bahay mama ng makapanood na ako agad," sabi ng tuwang-tuwang bata kay Xandro.
          "Tabi ka ng kunti para maipasok ko na to, sandali saan ko ba to ilalagay ha?"
          "Dito lang sa lumang tv rack namin, sigi ilapag mo diyan," bilin ng bata.  "Marunong ka bang magkabit ng antenna, wala pa kasi ang mga kuya."
           "Oo naman sandali at ikakabit ko lang sa may likuran."
           "Ang ganda naman ng reception, ang linaw-linaw, hindi ba ma?" tanong nito sa kadarating pa lang na ina.
           "Oo nga ano mabuti at ito ang napiling bilhin ng papa niyo, ang linaw-linaw saka buhay na buhay ang mga kulay," pansin ng ina ng bata.
           "Oo ang linaw talaga saka ang ganda rin ng sounds, hindi tunog lata katulad ng lumang tv natin noon."
            "Uy mukhang napagod ka yata, anak kumuha ka nga muna ng orange juice sa ref at ibigay mo sa binatang ito."
            "Naku salamat ho nauuhaw na po akong talaga."
            "O ito inom ka, masarap to," alok ng tuwang-tuwang bata.
             "Masarap nga salamat ha."
             "Delivery boy ka bang talaga ha?" tanong ng nanay ng bata.
              "Opo."
             "Talaga kasi sa hitsura mo at sa tindig mo, mukha kang artista sa sini, baka naman may hidden camera ka dyan ha?" biro nito.
             "Naku hindi, ganito lang talaga hitsura ko mana raw kasi ako sa tatay kong Amerikano."
              "Kaya naman pala.."
              "Pakipirmahan na lang po ito sandali m'am," sabi ni Xandro  .             "O sigi akin na at nang mapirmahan ko na dito ba ha?"
              "Opo diyan nga po."
              Matapos mapirmahan ang delivery receipt ay nagpaalam na si Xandro sa mag-ina. "Pa'no po, aalis na po ako at ng makabalik na ako sa tindahan."
               "Sigi salamat sa paghatid sa tv," sabi ng nanay at ng anak nito.

                                                         V

              Pagkalabas ng bahay ay agad namang nagmaneho si Xandro pabalik.  Tuwang-tuwa siya na nagawa niya nang maayos ang trabaho niya at mukhang natuwa pa nga sa kanya ang mag-ina kanina.  Sa tuwa niya ay hindi niya agad napansin ang papatawid na mama.  Mabuti na lang at agad naman siyang nakapagpreno at hindi niya nasagasaan ito.  Dali-dali siyang bumaba matapos maitabi ang sasakyan.  Nilapitan agad niya ang nahintakutang lalake na nakatalikod sa kanya.  Dahan-dahan itong humarap sa kanya at nagulat si Xandro sa nakita, kamukhang-kamukha ito ng Tito Eric niya.  "Tito Eric, ikaw ba 'yan ha?"
           "Xandro ikaw na ba yan?"  tanong agad ng mama.
          "Opo ako po ito, muntik pa kitang masagasaan pasensya na," sabi ni Xandro habang inaakay sa may sidewalk ang nawawalang tito.
          "Ikaw na ba talaga to Xandro, ang laki-laki mo na," sabi nito habang niyayakap ang pamangkin. "Pasensya ka na talaga iho hindi ko talaga sinasadyang iwanan ka noon."
           "Alam ko naman po iyan, dati pa inisip ko na baka may masamang nangyari sa inyo kaya hindi na kayo nakabalik."
           "Parang ganon nga ang nangyari halika muna at magmerienda sandali at nang maipaliwanag ko sa iyo ang lahat."
           "Naku h'wag po muna ngayon kailangan ko pa kasing ibalik ang sasakyan unang araw ko po ito sa trabaho nakakahiya naman.  Mabuti pay sumama ka na lang po sa akin at sa sasakyan na lang po tayo mag-usap."
           "Mas mabuti pa nga, baka mapagalitan ka pa ng dahil sa akin." 
            Sa sasakyan ay pinagmasdang mabuti ni Xandro ang mukha ng tito niya, tumanda na ito ng kunti at may mga puti na ring buhok.  
Masaya siya na nakita niya itong muli kahit hindi pa niya naririnig ang dahilan ng kanilang pagkakalayo.
            "Alam mo anak higit sa dahilan nang pagkakaiwan ko sa 'yo noon, may mahalaga tayong dapat pag-usapan tungkol sa tunay mong pagkatao," pahayag agad ng tito ni Xandro.
            "Ha ganon po ba, Tito Eric?" nagulat na tanong ni Xandro. "Tungkol sa tunay kung pagkatao, baket may hindi ba ako alam sa pagkatao ko.  Di ba't ikinuwento mo na sa akin ng maliit pa ako na isang piloto ang tatay kong Amerikano at ang nanay ko naman ay isang magandang probinsiyana.  May hindi pa po ba kayo nasasabi sa akin ha?"
            "Mayroon nga anak, mayroon."
            "Sigi po, sabihin niyo na po sa akin ngayon, makikinig po ako."
            "O ito." sabay abot sa isang maliit na lata sa binata.
             "Aanhin ko po ito?"
             "Inumin mo, softdrinks iyan 'di ba, mag-softdrinks na muna tayo at parang nag-aalangan akong sabihin sa iyo ang buong katotohanan, baka kasi may muntik ka na namang masagasaan pag narinig mo ang sasabihin ko sa 'yo."
              "Kayo pong bahala, iinumin ko ito kahit kakainom ko lang ng juice kanina, parang nauhaw kasi ako bigla sa sinabi mo, ganon po ba talaga to kaseryoso?"
              "Baka hindi mo kayanin to anak kaya mas mabuti pa ibalik mo na muna itong sasakyan sa pinagtratrabahuan mo at pagkatapos ay sumama ka sa akin pauwi sa bahay at nang makilala mo na rin ang mga anak ko at aking asawa."
              "Nagkapamilya na po pala kayo tito, ilan po ba anak niyo ha?"
              "Dalawang makukulit na pitong-taong gulang na mga batang lalake, kambal."
              "Aba may mga pinsan na pala ako ngayon at kambal pa, nakakatuwa naman."
              Ang totoo kinakabahan pa rin si Xandro sa nabanggit ng tito niya kanina, kaya tumahimik na lang muna siya at nagpatuloy ng pagmamaneho at paminsan-minsang tinitingnan ang matagal na niyang nawawalang tito.
             Maya-maya ay narating na ng dalawa ang Appliance Center ni Veronica.  "Tito dito na lang po muna kayo sa van, hintayin niyo na lang po ako pagbalik ko, hindi ko pa po kasi alam kung pwede akong tumanggap ng bisita sa loob ng tindahan, bago pa lang kasi ako."
            "Sigi pumasok ka na sa tindahan at hihintayin kita rito hanggang makalabas ka."
            Pagkatapos ay dali-dali namang bumaba si Xandro at pumasok sa loob ng tindahan.  Hinanap niya ang kausap niyang saleslady kanina at inabot ang pirmadong delivery receipt. "O ito na ang resibo pirmado na 'yan."
            "O sigi ako nang bahala rito," sabi ng Saleslady tapos ay agad naman itong bumalik sa pwesto niya.  Naiwan si Xandrong nakaupo  sa malaking sofa.  Tiningnan niya ang mesa ni Lynette, pero wala ito,  kaya tumingin-tingin siya sa palibot ng tindahan.  Napansin niyang may isang maliit na kwarto at medyo nakabukas ang pintuan.  Naisip niya na baka ito ang opisina ni Veronica kaya dahan-dahan niya itong nilapitan para ipaalam sana na nakabalik na siya.  Pagkalapit niya sa pintuan ay narinig niya si Veronica na kinakausap si Lynette.  Nag-alangan siyang kumatok o pumasok dahil baka makaistorbo pa siya. 
            "Babalik ka na naman ng train station at magbabakasakaling andoon si Xando mo, ha Althea?"
            "Oo susubukan ko uli baka andoon na si Xando at hinihintay ang pagbabalik ko, nangako kasi siyang hihintayin ako pagbalik ko galing America,"  sagot ni Lynette.
            Hindi makapaniwala sa mga narinig si Xandro.
            "Hoy Lynette Althea Jones, mga bata pa kayo noon, baka nga nakalimutan ka na noon eh."
             "Hindi,  naniniwala akong tutuparin ni Xando ang pangako niya sa akin habang hinahabol ang sinasakyan naming train, kaya pupunta ako uli at magbabakasakali."
             Tama hindi niya siguro ako masyadong narinig dahil sa sobrang ingay noon ng papaalis na train, kaya Xando ang dinig niya nang isigaw ko ang pangalan kong Xandro.  Tuwang-tuwa si Xandro sa nalaman niya, hindi niya maubos-maisip na nakita na pala niyang muli ang babaeng matagal na niyang pinapangarap makita.  
            "Ang mabuti pa samahan na lang kita roon at baka madisgrasya ka pa," payo ni Veronica sa kaibigan. "Saka ba't gabi, hindi ba't umaga noon nang magkita kayo."
            "Wala nasubukan ko na kasing magpunta roon ng umaga pero hindi siya dumating, kaya naisip ko na baka may trabaho na rin siya at sa gabi lang siya libri, kaya susubukan ko mamaya."
            "Sandali Lynette Birthday pala ngayon ng mommy at inaasahan ka rin niyang dumalo  kaya bukas ka na lang ng gabi makipagkita kay Xando.  Pero bukas pangako, ihahatid kita sa train station at hihintayin  sa loob ng sasasakyan ko, pero hanggang alas-dyes lang tayo maghihintay, tandaan mo may trabaho ka pa, tayo bukas."
            "Sigi dumalo muna tayo sa Birthday party ni tita at bukas na lang tayo magpunta sa may train station para makilala mo na rin siya kung saka-sakali."
            Gusto sanang pumasok na lang at magpakilala ni Xandro kay Althea, pero naisip niya rin ang mga ipinagtapat  ng Tito Eric niya kaya nagpasya na lang siya na magpaalam na muna kay Veronica at Lynette.  Kumatok siya at bumati sa dalawang babae.
            "Pasok."
            "Good evening po M'am Veronica, magpapaalam na po sana ako."
            "O sigi pwede ka nang umuwi at may pupuntahan rin naman kami ni Lynette."
            Tiningnang mabuti ni Xandro ang mukha ni Lynette.  Tiningnan rin siya nito ng mabuti. "Hoy, magtitigan na lang ba kayong dalawa, ha Xandro, akala ko ba magpapaalam ka na ha, mukhang ayaw mo pa yatang umuwi ah," biro nito sa dalawa.
            "Sigi po M'am Veronica, M'am Lynette aalis na po ako, paalam."
            "Good bye Xandro, ingat ka," pamamaalam ni Lynette habang patuloy na nakatitig sa mukha ni Xandro.
            Matapos ay tumalikod na rin si Xandro at lumabas ng kwarto.  Halos wala nang mapaglagyan si Xandro sa sobrang kaligayahan niya.  Nakita na nga niya ang nawawala niyang tito, tapos maging si Althea na matagal na niyang inaabangan sa may train station ay nakita niya na ring muli sa wakas.
            Pero bigla rin niyang naisip ang ipagtatapat sana ng tito niya tungkol sa tunay niyang pagkatao kaya kinabahan siyang muli, at tinungo agad ang naghihintay na tito. 
           Pagkalabas niya nang tindahan ay agad niya itong tinawag pababa ng van. "Tito baba na ho kayo riyan at nang mapuntahan na natin ang tinitirhan niyo."
         Pagkababa ng tito niya ay dali-dali itong tumawag ng taxi para masakyan nila pauwi ng bahay niya. 
         Sa loob ng taxi ay nanatiling tahimik ang tito ni Xandro, kaya naramdaman niya na talagang napakahalaga ng sasabihin nito sa kanya.  
          "Tamang-tama at nanonood ngayon ng sini ang mag-iina ko, matatagalan pa ang mga 'yon bago makauwi ng bahay, magkakaroon tayo ng sapat na panahon na makapag-usap ng tayong dalawa lang, Xandro."
          "Malapit lang po ba ang sa inyo Tito Eric, ha?"
          "Mga twenty minutes lang siguro at nandoon na agad tayo."
          Nanatiling tahimik ang dalawa habang nagbibiyahe.


                                                    VI

          "Medyo malaki din po pala ang bahay niyo Tito Eric," pansin ni Xandro pagkababa ng taxi.
          "Tama lang hindi masyadong malaki at hindi rin maliit, kung hindi ka nga lang nawala sana matagal ka na ring nakatira dito anak."
          "Pero wala na tayong magagawa tito nangyari na ang mga nangyari at masaya na rin ako at maayos rin pala ang kalagayan mo ngayon."
          "Halika na pasok ka sa loob ng gate," sabi ni Eric habang nakasunod sa kanya si Xandro. "Sandali sususian ko lang ang pintuan ng bahay namin at mukhang hindi pa nga nakakauwi ang mag-iina ko."
           Pagkabukas ng pinto ay agad namang pumasok ang dalawa sa loob ng madilim na bahay.  "Sandali lang Xandro at bubuksan ko lang ang ilaw." Matapos ay nagliwanag agad ang buong kabahayan.
          Nakita ni Xandro ang loob ng bahay ng tito niya, medyo kumpleto rin ito sa gamit. Pinaupo muna ni Eric si Xandro.  "Upo ka muna riyan, sandali at may kukunin lang ako sa loob ng kwarto naming mag-asawa.  Naghintay sandali si Xandro at minabuti niyang pagmasdan muli nang mabuti ang buong kabahayan.  Napansin niya ang isang malaking letrato ng Tito Eric niya kasama ang dalawang batang magkamukha at isang babae. Marahil ay ito ang asawa at mga anak ng tito, naisip niya.  Binuksan ni Xandro ang tv at sinubukang manood ng news sa alas sayes ng gabi.  Nanood siya ng sandali at maya-maya ay lumabas na galing kwarto ang tito niya na may dalang parang papel.  Pagkalapit ni Eric sa kinauupuan ni Xandro ay agad niyang iniabot kay Xandro ang dala niyang lumang letrato.  Pagkatanggap ay agad naman itong tiningnang mabuti ni Xandro.  Napaluha siya ng kunti sa kanyang nakita, hawak-hawak niya ang  kanyang lumang letrato kasama ang mommy at daddy niya. Nang magkahiwalay sila noon sa may train station ng tito niya ay poro damit lang ang laman ng bag niya.  Matapos ang mga labing-apat  na taon ay ngayon lang niya muling nasilayan ang mga mukha ng kanyang mga magulang.  Napansin niyang medyo kahawig siya ng daddy niya at sa tantya niya ay mukhang magkasingtangkad rin sila.
          "Siguro naman ay natatandaan mo pa ang letratong ito Xandro, kinunan  kayo ng letrato, ikaw at ang mommy at daddy mo matapos kang pabinyagan sa simbahan noon. Ibinigay ito sa akin ng daddy mo nang minsang bumisita siya sa bahay ko."
           "Mabuti po't naitabi niyo ito tito, naipakita niyo na ito sa akin dati nang maliit pa ako at natatandaan ko rin na sinabi mo na mga isang-taong gulang pa lang ako noon nang kinunan ang letratong ito, pwede po bang akin na lang 'to tito, wala na po kasi akong letrato ng mommy at daddy," pakiusap nito sa tito niya.
           "Para sa 'yo talaga 'yan, saka mayroon pa akong ibang copy niyan sa may album naming mag-anak," sagot nito habang umuupo sa harapan ni Xandro matapos patayin na muna ang tv.
            Seryosong-seryoso itong nakatingin sa pamangkin. 
            "Tito ano po ba talaga ang kailangan kong malaman sa mga nangyari noon at sa sinasabi mong tungkol sa  tunay kong pagkatao?"
            "Sigi makinig kang mabuti at sasabihin ko sa 'yo ang lahat," sabi ni Eric habang nakatingin sa pamangkin niya.  "At ganoon nga ang buong pangyayari, Xandro."
            "Hindi ako makapaniwala  ganon pala ang mga nangyari noon tito!  Tito naman eh...wala pa ho kayong kinu-kwento, binibiro n'yo naman ako eh... hindi ka pa rin talaga nagbabago palabiro ka pa rin."
            "Hindi bigla kasi akong naduwag, hindi ko kasi alam kung paano ko ito uumpisahang sabihin at lalong hindi ko alam kung ano ang magiging reaction mo pag narinig mo ang buong katotohanan," paliwanag pa nito.
            "Sigi po tito basta sabihin niyo na lang ang lahat at bahala na kung anong mangyayari pagkatapos." 
            "Sigi sasabihin ko na, nagpapalipad ng-"
            "Papa andito na po pala kayo sa bahay!" bulalas ng isang pitong-taong gulang na batang lalake. "Ang pasalubong ko po sabi mo dadalhan mo kami ni kambal ng dried mangoes galing Cebu, asan na po ba at nang matikman ko na,  aba may bisita po pala kayo 
papa, magandang gabi po."
             "Bata ka, basta ka na lang tumakbo papasok ng bahay hindi mo man lang tinulungan ang kakambal mong buhatin ang mga pinamili natin sa mall,"  saway ng asawa ni Eric na kapapasok pa lang ng bahay.
              "Oo nga ang daya-daya talaga nito, ako na lang lagi ang pinagbubuhat ng mga pinamimili natin," sabi naman ng isa pang batang lalake.  "Magandang gabi po papa, saka sa inyo din po manong."
              "Magandang gabi rin," sagot ni Xandro sa bati ng dalawang bata.
              "Eric may bisita ka pala."
              "Oo, sandali di ba sabi n'yo matatagalan pa kayong umuwing mag-iina dahil manonood pa kayo ng sini sa mall, ba't parang ang dali namang natapos ng sining 'yon at nakauwi agad kayo," pansin ni Eric.
              "Hindi kasi na reschedule ang showing ng papanuurin sana naming sini ng mga anak mo, tapos niyaya ko silang manood na lang ng iba pero ayaw naman kaya pumasok  na lang kami sa isang Fastfood Branch at kumain ng hamburger, spaghetti at halo-halo pagkatapos ay namili na rin kami ng mga gamit sa school ng mga bata saka ilang grocery items," paglalahad nang asawa ni Eric na si Cristina.
            "Siyanga pala kasama ko si Xandro," pagpapakilala ni Eric sa pamangkin.
            "Xandro? Xandro na Xandro? Ang ibig mo bang sabihin ay siya 'yong naiwan mo dati train station at matagal mo nang hinahanap?"
            "Oo siya nga ito Cristina."
            Natigilan ang babae at pinagmasdang mabuti ang kanilang bisita, matagal bago siya nakakilos.  Matapos ay umupo ito sa isa pang upuan sa may gilid.  Hinarap nito si Xandro at agad itong kinausap. "Patawarin mo ako iho, ang laki-laki nang naging kasalanan ko at ng aking mga kapatid sa 'yo."
            "May kasalanan po kayo sa akin?" nagtatakang tanong ni Xandro.
            "Talagang malaki ang kasalanan nang mga iyan sa atin Xandro," sabat ni Eric.
            "Ako na lang ang magpapaliwanag sa kanya Eric," sabi ni Cristina. "Ganito kasi iyon, parang ako at ang mga kapatid ko  ang naging dahilan ng pagkakaiwan sa 'yong mag-isa ng tito mo sa train station."
           "Kayo po ang may kasalanan, papano nangyari 'yon?"
           "Ganito kasi 'yon naisip ko na nabuntis  ako ng Tito Eric mo,  tapos nang makarating ang balitang ito sa mga magulang at kapatid ko,   ay agad sinundan ng dalawang kapatid kong lalake ang tito mo sa may estasyon ng train para panagutin ito sa pagdadalang-tao ko. Kaya nang makita nila itong bumibili ng ticket ng umagang 'yon ay agad nila itong sinunggaban at kinaladkad papunta sa tinitirhan naming buong mag-anak.  Doon ay tinakot at pinilit nilang pakasalan agad ako ni Eric para hindi raw mapahiya ang buong pamilya namin sa probinsya. Kaya binantayan at ikinulong nila ang Tito Eric mo sa loob ng aming bahay, nakiusap nang nakiusap si Eric na kung maari ay bumalik muna siya ng train station dahil naiwan daw niya roon ang kanyang pamangking nagngangalang Xandro, pero nagmatigas ang mga magulang ko't kapatid, hindi nila pinayagan pang makalabas pa ng bahay si Eric sa takot na baka makatakas pa itong muli.  At matapos nga ang isang linggo ay nakasal naman agad kami doon lang sa loob ng bahay namin," mahabang salaysay ni Cristina.
           "Pero ang nangyari ay hindi naman pala buntis ang babaeng ito, false alarm lang pala. At sa katotohan ay nagka-anak kami matapos pa ang napakahabang pitong taon," nanunuyang sabat ni Eric sa asawa.
            "Kaya...  iho,  Xandro sana ay mapatawad mo ako at ng buong pamilya ko sa mga nangyari noon," pagsusumamo nito habang hinahawakan ang dalawang mga kamay ni Xandro.
           "Kalimutan na ho natin 'yon Tita Cristina at sa halip na magalit ay parang natatawa pa nga ako sa mga nangyari, mas kawawa pa pala ang tito ko kaysa sa akin noon," patawa-tawang biro ni Xandro.
            "Oo nga talagang kaawa-awa nga ako noon, pero ang totoo  kaya lang naman tayo paalis noon papuntang Maynila ay para makahanap ako ng mas maganda-gandang trabaho at hindi dahil sa gusto kong takasan si Cristina, saka mahal ko din naman ito kahit papano."
            "Ito naman mahal kahit papano lang?" nagmamaktol na biro ni Cristina sa asawa.
            "Oo pero ngayon ay mahal na mahal ko na talaga ito, lalo na't nabigyan niya ako ng dalawang makukulit na kambal na ito," bawi naman agad ni Eric.
            "Basta iho Xandro napatawad mo na ako ha?" tanong ulit ni Cristina kay Xandro.
            "Oho wala na ho talaga sa 'kin yon, saka masaya ako na may dalawa na pala akong pinsang ang popogi," sagot ni Xandro habang tinitingnan ang dalawang kambal na kanina pa nakikinig sa usapan nilang tatlo.
            "Aba pinsan ka pala namin, buti naman at may iba na akong makakalaro, nakakasawa na kasi itong isang 'to," biro ni Ton-ton sa kakambal.
            "Kung nagsasawa ka na sa akin, eh di nagsasawa ka na rin sa pagmumukha mo, kamukha kaya tayo," ganting biro ni Ron-ron sa kapatid.  
           Natawa na lang si Xandro sa kakulitan ng dalawang cute na cute na mga bata.
           "Siyanga pala malapit ng mag ala-siete mas mabuti pa'y maghain na muna ako ng pagkain, bago kami umalis kanina ay nagluto muna ako para may makain si Eric sa pag-uwi galing trabaho," sabi ni Cristina habang tumatayo mula sa kinauupuan. "Paano maiwan ko muna kayong mag-tiyo Xandro at iinitin ko lang sandali ang pagkain."
           "Sigi Cristina bumalik ka agad rito't nagugutom na rin talaga ako," sagot ni Eric sa asawa. "Alam mo Xandro matapos ang isang linggo ay binalikan agad kita sa may estasyon ng train, pero wala ka   na, nagtanong-tanong ako sa mga batang nagbebenta roon ng kung anu-ano sabi nila may napansin silang kahawig ng deskripyon ko sa 'yo pero bigla ka na lang raw nawala at hindi alam kung saan ka na napunta."
           "Kwan siguro ang mga 'yon, kasi habang hinihintay ko ang pagbabalik mo ginaya ko ang ibang mga bata roon nagbebenta rin ako ng dyaryo para may pangkain ako.  Tapos isang araw pumasok ako sa loob ng train para magbenta nga ng dyaryo, tapos sa pagod ay parang inantok ako at paggising ko nasa Maynila na ako. Naisip ko rin na baka andito ka na, kasi dito rin naman ang tungo natin noon.  Nagbakasakali ako na baka dito mo na rin ako hanapin, kaya dito na rin ako nanirahan," mahabang salaysay nito sa Tiyo Eric niya.
          "Sandali ilalapag ko lang itong pagkain diyan sa may lamesa, at nang makakain na kayong dalawa," sabi ni Cristina. 
          "Nang nandito ka na sa Maynila Xandro, hindi ka ba nahirapan, mahirap dito sa Maynila kailangang magsipag kang talaga para mabuhay," dagdag pa ni Eric.
           "Nahirapan din sa umpisa pero nasanay na rin sa kinalaunan.  
Noong una ay sinubukan ko ulit magbenta ng mga dyaryo, tapos nagbenta rin ako ng mga candy gaya ng Stork, Candy Mint, Snow Bear. Kinalaunan naglalako na rin ako Jack 'N Jill Pretzel at Potato Chips at marami pang iba. Nang lumaki-laki na ako, nasubukan ko ring magkargador sa palengke, gasoline boy, hangang sa mag-waiter din ako sa iba't ibang Fast Food Chain gaya ng Jollibee, McDonalds, saka sa Mang Inasal. Dinaan ko lang talaga lahat sa sipag gaya nang pangaral mo sa akin noong maliit pa ako sa probinsya."
          "Mabuti naman pala at nakaya mong itaguyod ang sarili mo, alalang-alala pa naman ako sa 'yo baka nagugutom ka at walang maayos na tuluyan.  Sandali nakapag-aral ka naman ba anak, ha?" 
          "Opo, libri lang naman po ang tuition sa public school, pero hanggang high school lang po ang tinapos ko dahil hindi ko rin kasi alam kung anong kurso ang pipiliin ko noon.  Pakiramdam ko may ibang nakalaan para sa akin maliban sa magtapos ng kolehiyo saka parang hindi rin naman ako ganon ka galing sa eskwela."
         "Hayaan mo anak kung gusto mo nang bumalik sa pag-aaral ay ako na ang bahala sa 'yo."
         "Salamat po tito, pero sa ngayon mas gusto ko po talagang magtrabaho na muna."
          "Kung maari sana anak ay dito ka na rin tumira sa amin tutal aapat lang naman kami, pwede kang tumuloy muna sa may attic maluwag din naman ito at pag nalinis na ang isang kwarto sa second floor ay maari ka agad lumipat dito," alok ni Eric sa pamangkin.
          "Kayo po ang bahala tito saka gusto ko rin naman kayong makasama ng mas matagal at makilala na rin nang mas mabuti ang buong pamilya mo.  Matagal-tagal na rin kasi akong nag-iisa sa buhay, marami rin naman akong mga kaibigan pero iba pa rin po kayo tito, kayo na kasi ang tumayong tatay ko magmula pa noong bata ako."
          "Mahalaga ka rin sa akin anak saka gusto ko ring makabawi sa mga pagkukulang ko sa 'yo, o siya kumain na tayo."
           "Mukhang masarap 'to ah, paborito ko talaga ang fried chicken saka pancit canton," sabi ni Xandro habang naglalagay ng Sprite sa kanyang baso.
          "Paborito mo naman talaga ang mga 'yan mula nang maliit ka pa, saktong-sakto at iyan talaga ang naisipang iluto ni Cristina kanina."
          "Mabuti naman at paborito mo pala 'to Xandro, Magnolia chicken to kaya siguradong fresh na fresh," sabat ni Cristina. Papano maiwan na namin kayo ng mga bata Eric at mukhang marami talaga kayong pag-uusapan ni Xandro.  Mga bata akyat na sa taas, maghilamos muna kayo at magsipilyo ng ngipin bago matulog okey," utos ni Cristina habang tumatayo papuntang hagdanan.
         "Good night po papa, kuya," paalam ng kambal sa mag-tito.
         "Good night din Ton, Ron-ron," sagot ni Xandro sa mga bagong pinsan.
         Pagkaalis na pagkaalis ng tatlo at nang maramdaman ni Eric na nakapasok na ang mga ito sa kani-kanilang kwarto ay niyaya agad niya si Eric sa itaas sa may attic.  "Halika na sa pansamantalang kwarto mo Xandro at doon na rin natin ituloy ang naputol nating usapan kanina bago dumating si Cristina at mga bata."
        "Mauna na po kayong umakyat tito at susunod na lang po ako sa inyo agad."
        Umakyat agad ang dalawa papuntang second floor tapos ay umakyat muli sila patungong attic para mag-usap. 
         
VII  

        Binuksan ni Eric ang pintuan ng attic at agad niyang niyayang  
pumasok si Xandro sa loob.  "Halika Xandro pasok ka sa loob." habang binubuksan ang Phillips Lights. 
        Pumasok naman agad si Xandro at napansin niyang may pintuan ito patungong likod ng bahay at may dalawang maliliit na bintana at may isang Salem bed sa gitna. Pinaupo muna ni Eric si Xandro.  "Opo ka muna riyan Xandro." at lumakad ito patungong bintana.  Nanatili siya rito at pinagmasdan ang maraming punong-kahoy na nakapaligid sa buong kabahayan. Matapos ay kinuha ang isang upuan at inilagay sa malapit sa kinauupuan ni Xandro.  Pinagmamasdang mabuti ni Xandro ang kanyang tito at napansin niyang medyo balisa ito at hindi mapakali habang nakaupo sa harapan niya.  Matapos ay tumayo ulit ito at dumungaw sa isa pang bintana. "Xandro, siguro ito na ang tamang panahon para malaman mo ang buong katotohan sa pagkatao mo at ang mga nangyari noon sa mga magulang mo."
              Nakikinig lang si Xandro hindi siya nagsasalita habang pinagmamasdan ang kanyang tito.
              "Siguro ay mas magandang umpisahan ko ito noong unang magkita ang mama at papa mo, makinig ka lang at huwag ka na munang magsasalita hanggat hindi ako natatapos mag-kwento."
              "Opo tito makikinig lang po ako."
              At nagsimulang isalaysay ni Eric ang mga pangyayari nang unang magkita ng mga magulang ni Xandro.
               Mabuti naman at nakuha ko na ang aking lisensya sa pagpapalipad ng eroplano at ngayon ay pwedeng-pwede na akong  magpalipad ng eroplano nang  mag-isa, sa wakas ay makakalipad na ako sa kahit saan ko gustong puntahan.  Masayang-masaya si Henry  
habang nagpapalipad ng eroplano sa itaas nang naglalakihang bundok.  Nauhaw siya kaya binuksan at ininom niya ang dala niyang C2.  Maya-maya ay may napansin siyang isang napakalaking puting bahay sa isang bundok na punong-punon ng mga puno.  Napakagandang pagmasdan ng bahay na 'to mula sa eroplanong pinapalipad ni Henry, kaya nagpasya siyang paliparin ang kanyang eroplano malapit dito.  Pagkalapit niya ay bigla na lang nagliparan ang napakaraming ibon at hindi na niya malaman ang gagawin dahil nagliparan ito patungo sa harapan ng kanyang eroplano.  Pilit niyang iniwas ang eroplano sa mga ibon subalit naramdaman niyang  may kung anong sumabit sa harapan ng eroplano niya at bigla na siyang nahirapang i-control ito. Bumulusok paibaba ang eroplano at nagpaikot-ikot. Nahulog si Henry mula sa minamanehong eroplano pababa malapit sa napakalaking bahay. Naramdaman ni Henry ang malakas na hangin habang patuloy ang pagbagsak niya sa lupa, takot na takot siya at sa pakiramdam niya ay ito ang kanyang katapusan.  Nasa may himpapawid pa rin siya pero naramdaman niyang tumigil siya sa pagbagsak. Paglingon niya sa may kanan ay nakita niya ang pinakamagandang babaeng nakita niya sa buong buhay niya.  Maya-maya ay napansin niyang may mga puting pakpak ang napakagandang babaeng ito. Mahaba ang buhok nito at nakasuot ng mahabang puting damit hangang talampakan. Kahit takot na takot siya para sa kanyang buhay ay hindi niya mapigilang ngumiti sa animo'y tila anghel na babaeng lumilipad. Nakatitig lang si Henry sa magandang mukha ng babae habang hawak-hawak siya nito at lumilipad pababa malapit sa napakalaking bahay.  Nabighani si Henry sa angking kagandahan ng babaeng lumilipad.  Maya-maya ay naramdaman na niyang unti-unting sumasayad ang mga paa niya sa lupa.  Matapos ay dahan-dahan siyang binitawan ng babae, ngumiti ito sa kanya.  Hindi pa rin makapagsalita si Henry, titig na titig pa rin siya sa magandang mukha ng kanyang tagapagligtas.  Napakaganda at napakabango ng babae.  Ano kaya ang gamit nitong perfume, tanong ni Henry sa sarili niya.  Maya-maya ay bahagyang umaangat uli ang babae, umaangat ng umangat at ilang sandali lang ay marahan itong lumipad ng patayo at paatras, umatras pa ito nang umatras at nagitla si Henry sa nakita sa malapit sa harapan niya.  Unti-unting lumipad ang napakagandang babae pababa sa isang kalahating putol na katawan.   
Matapos muling magkadugtong ang dalawang putol na bahagi ng katawan ng babae ay unti-unting naglaho ang dalawang pakpak nito. Nanlaki ang mga mata ni Henry nang maunawaang ang babaeng nagligtas sa kanya ay isang manananggal. 
          "Isa kang mananggal!" napasigaw si Henry sa sobrang gulat nito.  Maya-maya ay dahan-dahang lumapit sa kanya ang babae.
          "Huwag kang lumapit sa akin, huwag!" napaatras si Henry nang napaatras at pagkatapos ay biglang kumaripas nang takbo palayo sa napakagandang manananggal.  Tumakbo siya nang tumakbo nang hindi lumilingon, hindi niya alam kung saan siya tutungo.  Malayo-layo na ang natatakbo niya gamit ang kanyang Adidas Shoes.  Takot na takot siya sa kanyang nasaksihan. Tumakbo pa siya nang tumakbo hanggang sa dahan-dahan na siyang napagod, natumba  at napaluhod.  Sa di-kalayuan ng kinaluluhuran niya ay nakita niya ang umaapoy, nagkalasug-lasog at nagkahiwa-hiwalay na mga bahagi ng kanyang maliit na eroplano.  Hingal na hingal pa rin siya sa kakatakbo kanina habang pinagmamasdan ang natira sa kanyang eroplano.  Maya-maya nang unti-unti nang mawala ang kanyang nararamdang pagod ay napaisip siya ng malalim.  Kung hindi ako iniligtas ng babaeng iyon ay marahil naging katulad na rin ako ng umaapoy at nagkaputol-putol kong eroplano. 
           Baka naman hindi talaga siya masama, baka may dahilan kung baket ako napadpad sa lugar na 'to. Tumayo siya at nilingon ang kanyang pinagmulan.  Dapat kong balikan ang babaeng 'yon para man lang mapasalamatan ito sa pagkakaligtas niya sa akin sa tiyak na kapahamakan.  Naglakad siya pabalik, binilisan niya ang paglalakad kahit medyo natatakot pa rin siya sa kung anong pwedeng mangyari sa oras na magkaharap silang muli. Nang malapit na siya sa malaking bahay ay nakita niya ang babae, nakaupo sa harap ng pabilog na mesa at umiiyak habang nakatungo ang ulo nito. Pinagmasdan muna niya ang babae at ang buong kapaligiran tapos ay dahan-dahan niya itong nilapitan.  Napansin agad siya ng babae, pilit nitong itinigil ang kanyang pagtangis at pinagmasdan siyang mabuti, hindi nagsasalita.  Tumayo si Henry sa kabilang bahagi ng bilog na mesa. 
          "Bumalik ka, hindi ka na ba natatakot sa 'kin?" tanong ng magandang babae kay Henry.
           "Hindi na, kunti na lang siguro," nag-aalangang sagot ni Henry.
           "Ayaw mo bang maupo, natatakot ka bang kainin kita, ha?"
           "Kung hindi mo ako iniligtas kanina ay marahil wala na rin ako, kaya kung kakainin mo man ako ngayon ay wala  akong karapatang magalit, magtatampo lang siguro nang kunti," nag-aatubiling biro nito.
           Napangiti nang bahagya ang magandang babae sa narinig kay Henry.
           "Maupo ka, siguro naman napapansin mo na hindi bagay sa hitsura ko ang kumain ng tao."
            "Oo naman, talagang hindi bagay," mabilis na sagot ni Henry habang umuupo sa harap ng babae.
            "Hindi naman talaga ako kumakain ng tao, poro prutas lang at mga alaga kong manok at baboy ang kinakain ko araw-araw," paglalahad ng magandang babae.
            "Talaga... kumakain ka ng manok at baboy?" tanong ng naka-Jag Jeans na si Henry.
             "Oo, pero bago ko ito kainin ay sinisiguro kong lutong-luto na ang mga ito at masarap ang pagkakatimpla. Nilalagyan ko pa nga ng Ajinomoto, Maggi Magic Sarap at Ajiginisa para siguradong masarap na masarap," nag-aalangang biro ng babae habang nakatingin sa mukha ni Henry.
             "Ah... mabuti naman pala kung ganon at ligtas na ako."
             "At huwag kang matakot dahil hindi rin napuputol ang katawan ko tuwing kabilugan ng buwan, nangyayari ito kung wala na akong ibang mapagpilian at kung talagang kailangan lang tulad nang kanina, nang makita kitang nalaglag mula sa sinasakyan mong eroplano," paliwanag pa muli nito.
             "Ganon ba, ang ibig mo bang sabihin  ay ganyan... ganyan ka na lang kaganda palagi, buo ka at hindi na muling mapuputol sa harapan ko?" nagmamadaling tanong ni Henry.
             "Baket, mahuhulog ka pa bang muli, mula sa iyong  eroplano?" sagot agad nito.
              "Ah hindi, last na talaga 'yon, basta pangako mo hindi ka na ulit mahahati ha."
               "Oo."
               "Peksman?" 
               "Oo sabi eh, ang kulit mo naman."
               "Baket ayaw mo ba sa makulit, ha?" 
               Tiningnan at nginitian lang siya ng magandang babae.
               "Sandali, ano nga palang pangalan mo, ha?"
               "Aryanna, ako si Aryanna," pagpapakilala nito.
               "Ang ganda-ganda pala ng pangalan mo, parang ikaw maganda rin. Siyanga nga pala, may ibang mga kasama ka pa ba rito?" tanong muli ni Henry habang inaalam kung anong oras na sa kanyang Rolex Watch.
              "Hindi, ako lang mag-isa dito, matagal na."
              "Ibig mong sabihin tayong dalawa lang ang nandito?"
              "Oo," sagot naman agad ni Aryanna.
              "Nakakatakot naman..." pabulong na biro ni Henry.
              "Halika, pasok tayo sa bahay mo," anyaya ni Henry sa may-ari ng malaking bahay na puti na pininturahan gamit ang Boysen Paint.
              "Baket ano bang gusto mong gawin sa loob ng bahay ko, ha?" nagtatakang tanong ni Aryanna na gumagamit ng Knorr tuwing 
nagluluto ng sinigang.
              "Maglalaro tayo, takutan..." biro ni Henry. "Hindi, 'di ba sabi mo nagluluto ka ng manok at baboy, baka pwede mo akong pakainin muna, nagutom at  nauhaw kasi ako sa kakatakbo ko kanina," paliwanag pa nito.
              "O sigi halika sa loob at ipaghahain kita."
          Matapos nilang kumain at mga ilang araw na usapan, kwentuhan at kulitan, si Henry at si Aryanna ay hindi na masyadong naglalabas ng bahay.  Sa madaling salita, makalipas ang mga sampung buwan, nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang napakalusog at napaka-guapong batang lalake.
          Makalipas pa ang isa at kalahating-taon lalong lumusog at gumuapo ang batang lalakeng pinangalanan nina Henry at Aryanna ng Xander.  "Xander aalis muna ang daddy ha at bababa lang muna ako sa bayan para ibili ka ng Johnson's Baby Oil, Johnson's Baby Powder, Bona at mga Baby Clothes, gusto mo nang mga 'yon no..." sabi ni Henry.
         "Bumalik ka agad Henry, baka mamaya hanapin ka agad ni Xander alam mo namang hindi mapakali ang anak natin pag hindi ka niya nakikita," paalala ni Aryanna na gumagamit ng Tide tuwing lalabhan niya ang mga damit ni Xander.
          "Baka ang ibig mong sabihin ay ikaw ang hindi mapakali pag nawawala ako nang matagal sa tabi mo, ha," biro ni Henry sa babaeng mahal niya. "Huwag kang mag-alala at babalik agad ako kinahapunan at saka isasama ko rin sa pagbabalik dito ang nakababata kong kapatid na lalake.  Mahilig sa Knorr Sinigang 'yon kaya tiyak magugustuhan din no'n ang luto mo Aryanna."
          "Sigi ingat ka sa pagbaba mo sa bundok, basta sa hapon ay aasahan kong nandito ka na, maghihintay kami sa pagbabalik mo," paalala ni Aryanna.
           "Ba-bye na anak, aalis na si daddy..." paalam nito sa anak sabay halik sa pisngi nito.
           Mga ilang oras pagka-alis ni Henry ay may mga nararamdamang mga kaluskos si Aryanna sa paligid ng bahay nila.  Sumilip siya at nabatid niya na malapit nang dumating ang araw na kinatatakutan niya.  
           "Kuya ang ganda pala nitong bahay niyo ah ang laki kahit nasa itaas ng bundok nakatayo," pansin ng nakababatang kapatid ni Henry.
            "Buti't nagustuhan mo ang lugar namin, maganda rito malawak ang lugar at presko ang hangin," sagot nito sa kapatid. "Aryanna! Andito na ako, asan ka ba ba't hindi mo ako sinasalubong gaya nang ginagawa mo palagi tuwing dumarating ako mula sa bayan?"
             "Pasensya na may ginagawa kasi ako sa loob ng bahay," sagot ni Aryanna habang panay ang tingin sa palibot ng kanilang bahay.  "Dali, pumasok na agad kayo sa loob ng bahay Henry."
            "Ito nga pala ang nakababatang kapatid ko Aryanna."
            "Kumusta..." bati ng kapatid ni Henry na naka-Levi's Jeans.
            "Dalian niyo na pasok na kayo sa loob ng bahay," nagmamadaling utos ni Aryanna sa dalawa.
            Pagkapasok ng tatlo sa loob ng bahay, "May problema ba, ba't mukhang alalang-alala ka Anabelle, ha?" mabilis na tanong ni Henry. "At ba't ka ba lingon ng lingon sa paligid na parang may kinatatakutan ka?"
            "Nahanap na nila ako Henry, alam na nila kung saan ako nagtatago at nag-aalala ako na baka madamay ka pa kaya mas mabuti pang dalhin mo na si Xander pababa  ng bundok at iwan niyo na akong mag-isa rito.  Dahil tiyak ko na mamayang gabi ay darating na sila para tapusin na ang buhay ko.
          "Hindi kita iiwan dito Althea kahit anong mangyari ay magsasama tayong tatlo nina Xander, hindi ako papayag na magkahiwa-hiwalay tayo."
           "Ano bang pinag-uusapan ninyong dalawa kuya, at parang natatakot na tuloy ako?" sabat ng kapatid ni Henry.
           "Di ba sabi ko sa iyo dati pa, hindi pangkaraniwang babae si Althea." 
           "Oo nabanggit mo nga sa akin, pero hindi mo naman naipaliwanag kung baket." sagot ng kapatid.
           "Si Anabelle ay isang manananggal, pero isa siyang mabuting nilalang, hindi siya nanakit ng tao," paniniguro nito sa kapatid.
           "Linoloko mo yata ako kuya, papaanong ang ganitong kagandang babae ay magiging isang manananggal, ha?"
           Ipinaliwanag ni Henry at Aryanna ang lahat sa kapatid ni Henry. Subalit matapos nitong marinig ang lahat ay parang hindi pa rin ito makapaniwala.
           "Totoo ang lahat nang sinasabi namin sa 'yo, maniwala ka," sabi ni Henry.
           "Bumaba na kayo ng bundok hanggat may oras pa Henry, iwan niyo na ako rito, iligtas mo ang anak natin, pakiusap," pagsusumamo ni Althea.
           Pero nagmatigas si Henry at nanatili ito sa loob ng kanilang bahay hanggang sumapit ang gabi.
           "Wala nang oras Henry hindi na tayo makakalabas ng bahay, nararamdaman ko nang andito na silang lahat, nagmamatyag sa labas ng bahay natin."
           "Magtago na kayo sa itaas ng bahay may mapagtataguan kayo doon, maiwan na ako rito sa baba, sigi na umakyat na kayo, pakiusap," pagsusumamo ni Althea kay Henry.
           "Hindi, hindi kita iiwan, dito lang ako sa baba at sasamahan kita kahit na anong mangyari.  Kapatid, kayo na lang ni Xander ang magtago sa itaas ng bahay, kargahin mo si Xander at magtago kayong mabuti," utos nito sa kapatid.
            "Sigi kuya ako nang bahala sa pamangkin ko, magtatago kaming mabuti."
            Umakyat agad sa itaas ng bahay ang kapatid ni Henry, at mula sa pinagtataguan nila ni Xander ay natatanaw niya ang kapatid  
na si Henry at si Althea. Maya-maya ay nakarinig sila ng mga kaluskos sa bubungan at kalabugan sa kung saan-saang bahagi ng bahay. At bigla na lang nagpasukan ang mga nakakatakot at masasamang aswang at manananggal.
            "Maawa kayo, ako na lang ang patayin niyo, huwag niyo nang idamay ang asawa ko..." pakiusap ni Anabelle sa napakaraming mga manananggal.  Subalit hindi siya pinakinggan at agad na nilusob ng isang mananggal. Mabilis namang sumaklolo si Henry para ipagtanggol ang asawa subalit agad siyang sinakmal sa leeg ng isang mananggal, natumba agad si Henry habang pilit na inaabot ang mga kamay ni Anabelle.  Hanggang sa malagutan na ito ng hininga. Tapos si Anabelle naman ang pinagtulungang kagatin ng mga manananggal, ilang sandali lang at nawalan na rin ito ng buhay. Kitang-kita ng kapatid ni Henry ang lahat ng kahindik-hindik na mga pangyayari.  Takot na takot siya at hindi malaman kung anong gagawin.  Hawak-hawak pa rin niya ang batang si Xander.  Napansin niyang umiiyak ito habang pinagmamasdan ang mga nangyari sa kanyang mga magulang. Ilang sandali lang ay napansin ng isang manananggal ang pinagtataguan nina Xander at dali-dali itong lumipad patungo sa kinalalagyan nila. 
         Nabitawan ng kapatid ni Henry si Xander sa sobrang takot nito sa papalapit na manananggal.
         Patuloy na umiiyak ng tahimik ang batang si Xander habang pinagmamasdan ang papalapit na manananggal, handa nang lapain silang dalawa.
         Biglang sumigaw ang batang si Xander, "Xander!"
         Nagulat ang kapatid ni Henry sa nasaksihan kay Xander, mula sa kanyang kinalalagyan.  Biglang naging kalahati ang katawan ng bata habang bahagyang nakaangat ito sa sahig. Umangat pa ito ng umangat nakita niyang may kung anong asul na liwanag na lumabas mula sa harapan ng bata. Gumalaw at tumama sa papalapit na manananggal. Nasunog at nalusaw kaagad ito. Matapos ay sabay-sabay na nagdatingan  ang napakarami pang mga aswang at manananggal.  Subalit agad na lumabas muli ang asul na liwanag mula sa harapan ni Xander.  Isa-isang tinamaan ang mga aswang at manananggal at isa-isa rin itong nasunog at nalusaw.  Maya-maya lang ay naubos agad ang mga aswang at manananggal, napatay silang lahat ng nag-iisang si Xander.  Maya-maya ay nagliyab na ang buong bahay na naging saksi sa kahindik-hindik na mga pangyayari.
           Takot na takot pa rin ang kapatid ni Henry, hindi pa rin siya makakilos.  Nakita niyang agad na lumipad ang kalahating katawan ng batang si Xander patungo sa kanyang direksyon.  Natakot siya dito.  At naramdaman na lang niya na may kumapit sa kanyang dalawang balikat. May naramdaman siyang dumampi at humawak sa kanyang dalawang balikat pero hindi niya ito makita. Dinagit ng batang si Xander at inilipad papalabas ng nagliliyab na bahay ang kapatid ni Henry. Habang nasa himpapawid nakikita ng kapatid ni Henry ang kalahating katawan ng bata.  Subalit papanong nadagit siya nito, gayong wala naman itong mga paa habang lumilipad.  Ramdam na ramdam niyang may mahigpit na nakakapit sa dalawa niyang balikat pero hindi niya ito makita. Pilit niyang inalam kung ano ang nakakapit na iyon, pero wala talaga siyang makita.
          Maya-maya lang sa di-kalayuan ng nagliliyab na bahay, dahan-dahang inilapag ng batang si Xander ang kapatid ni Henry.
         Nang tuluyan nang sumayad ang mga paa ng kapatid ni Henry sa lupa ay agad siyang napaupo.  Subalit buong tapang siyang tumayo at hinawakan ang itaas na bahagi ng katawan ni Xander.  Papanong nakalipad ang batang ito gayong wala naman itong mga pakpak.  Takot na takot pa rin siya at dahan-dahan siyang kumapa sa ibaba ng katawan nito.  Naramdaman niyang may dalawang binti ang mga ito, maging ang dalawang mga paa ay naramdaman din niya. Unti-unti ay napagtanto niyang ang ibabang bahagi na katawan ni Xander ay hindi nakikita, hindi ito putol gaya ng ibang masasamang manananggal. 
         "Xander!" sigaw ng bata habang hawak-hawak ng kapatid ni Henry.
          At biglang lumitaw ang mga paa at binti nito. Nabigla ang kapatid ni Henry sa biglang paglitaw ng mga paa ng bata. Nabitawan niya ito, at agad na naglaglag ang bata patungong lupa.
          Umiyak ito ng umiyak habang patuloy na nakatingin sa nakababatang kapatid ni Henry.  Lalo pang nagliyab ang malaking bahay at sa takot ng kapatid ni Henry dali-dali niyang kinarga si Xander at tumakbo nang pagkabilis-bilis palayo sa lumiliyab na bahay.  Tumakbo siya nang tumakbo, palayo nang palayo hanggang sa hindi na niya matanaw ang kanyang pinanggalingan.  Huminto siya sa sobrang pagod, at pinagmasdan ang karga-kargang bata at niyakap niya ito nang mahigpit. "Mula sa araw na ito, ako na ang mag-aalaga at magpapalaki sa 'yo, hindi kita pababayaan pangako," at muli nitong niyakap ang bata nang mahigpit na mahigpit. 
                     
                                             VIII

           Matapos mag-kwento ni Eric ay lumapit ito kay Xandro. "Iyon ang buong pangyayari sa malagim na araw na iyon Xandro, at   
maiintindihan ko kung mahirapan kang paniwalaan ang lahat ng ito dahil ako mismo ay hindi rin makapaniwala hanggang sa masaksihan ko na ang lahat," pahayag ni Eric habang umuupo sa harapan ni Xandro. 
           "Ang totoo ko palang pangalan ay Xander at hindi Xandro, tito."
           "Tama, at kaya ko lang pinalitan ang iyong pangalan ay upang pangalagaan ka.  Nag-aalala kasi ako na baka magkamali kang isigaw ang pangalan mong Xander ay bigla ka na lang lumutang at maging kalahati sa harapan ng maraming tao. Pinili ko ang pangalang Xandro dahil malapit din naman ang tunog nito sa totoo mong pangalan. Saka napag-isip-isip ko na ilihim na muna sa 'yo ang tungkol sa totoo mong pagkatao noon dahil hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito sa iyong buhay."       
          "Kung ganon ako ay isa ring manananggal, ganon ba Tito Eric?" mabilis na tanong nito.
           "Hindi rin, dahil ayon sa kwento ng mga magulang mo bago sila tuluyang mapaslang ng mga aswang at manananggal ikaw ay isang tao.  Kaya pilit na pinapaslang ng masasamang manananggal na may itim na mga pakpak at may mahahabang dila ang lahi ng mga manananggal na may puting pakpak at may mahabang asul na lubid sa itaas at gitna ng kanilang mga dibdib ay dahil sa
isang hula. Ginagamit nila ang manipis na lubid na ito sa pagkuha ng mga prutas sa mga puno at pagpitas ng mga bulaklak sa kagubatan.  Ang punong kanilang kinukuhanan ng mga prutas ay lalong namumunga at ang halamang kanilang pinipitasan ng mga bulaklak ay lalong namumulaklak.   Naniniwala sila na sa lahi ng mga manananggal na may puting pakpak ay isisilang ang isang makapangyarihang tao na magiging tagapagtanggol ng sangkatauhan at lilipol sa maraming masasamang aswang at manananggal. At ang makapangyarihang taong ito ay isisilang ng kanilang prinsesa.  At ang prinsisang iyon ay ang iyong inang si Aryanna na kahuli-hulihang natirang lahi sa angkan nila.  Nagtago siya nang nagtago, habang hinihintay ang pagdating ng lalakeng iibig sa kanya at magbibigay katuparan sa hula.  At dumating nga ang iyong amang si Henry na nagmahal sa kanya nang lubusan sa kabila nang tunay na pagkatao nito. Minahal niya ang mommy mo nang higit pa sa kanyang buhay, patunay ang pag-alay niya nang kanyang buhay para masamahan lang ito hanggang sa huli."
           Nanahimik si Xandro at nanatiling nakaupo at nakatungo. Ramdam niya ang hapdi ng pinagdaanan ng kanyang mga magulang sa kamay ng mga masasamang nilalang.
           "Alam kong magiging masakit ito para sa iyo anak, dahil ako mismo hanggang sa ngayon ay naalala  pa rin ang lahat ng mga nangyari.  Ang mahalaga ay nabigyan mo agad ng katarungan ang kanilang malagim na pagwawakas."
           Nanatili pa ring tahimik si Xandro kaya minabuti na ni Eric na iwanan na muna ito para makapag-isip ng mabuti sa kung ano ang mga dapat niyang gawin matapos marinig ang buong katotohanan. "Ang mabuti pa siguro'y maiwan na muna kita rito para makapag-isip-isip ka at makapagpahinga, andiyan lang ako sa baba kung gusto mo na uling makipag-usap." Tinapik ng marahan ni Eric ang balikat ng pamangkin at dahan-dahang naglakad palabas ng kwarto ni Xandro.
           Pagkaalis ni Eric ay tumayo si Xandro at lumakad patungo sa maliit na bintana. Hindi niya napigilang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Matapos ay nagpasya siyang lumabas na muna ng bahay para maglakad-lakad at makapag-isip. Pagkababa ni Xandro nakita niyang nakaupo ang kanyang tito.
           "Maglalakad-lakad lang ho muna ako tito, babalik na lang po ako mamaya," paalam ni Xandro kay Eric.
           "Mas mabuti pa nga para mapag-isipan mong mabuti kung ano ang mga dapat mong gawin magmula ngayon," sagot nito sa pamangkin habang iniinom ang mainit na Nescafe.
            Naglalakad nang naglakad si Xandro suot-suot ang kanyang bagong Converse Shoes.  Malayo-layo na rin ang nalakad niya ng makakita siya ng isang mahabang upuan malapit sa LBC, napansin niyang walang sinumang tao sa paligid, naupo siya sandali. Napag-isip-isip niya na ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan ay sadyang kaloob ng Diyos, siguro may mabigat na dahilan kung baket niya hinayaang mangyari ang lahat ng iyon.
           Ang mahalaga'y magpakatatag siya at gampanan kung ano man ang tungkuling iniatang sa kanyang mga balikat. Huminga siya ng malalim at dahan-dahang tumayo at sumigaw ng, "Xander!"
           Lumutang agad si Xandro, gumaan at gumanda agad ang pakiramdam niya. Naramdaman niyang humaba ng bahagya ang kanyang maiksing buhok, napansin niyang naglaho ang kanyang maiksing balbas. Sinubukan niyang umangat ng mas mataas pa, lalong gumanda ang pakiramdam niya. Nakatayo siya sa himpapawid, tumagilid siya ng kunti paharap matapos ay iniangat ang isa niyang braso at sabay na lumipad ng pagkabilis-bilis. Lumipad siya ng lumipad, ramdam niya ang malakas at malamig na ihip ng hangin sa kanyang mga pisngi. Tanaw niya ang naggagandahang mga gusali at mga ilaw sa paligid. Nakita rin niya ang malaking Billboard ng Revicon Forte.  Sinubukan niyang lumiko pabalik sa pinanggalingan niya.  Lumipad ulit siya ng lumipad. Lumipad siya ng pagkabilis-bilis at biglang huminto sa himpapawid, tumayo ng nakatuwid at inilagay ang mga kamay sa kanyang mga beywang. Ganito pala kasarap ang lumipad. Maya-maya ay lumipad ulit siya nang pagkabilis-bilis hanggang marating niya ang ibabaw ng malawak na karagatan. Tanaw niya ang napakalaki at napakagandang barko ng Aboitiz Super Ferry at makukulay na mga ilaw nito, nakakita rin siya ng iilang grupo ng mga mangingisda sakay ng kanilang maliliit na bangka na naglalayag gamit ang kanilang mga lampara na binili sa loob ng SM Mall.  Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kalayaan at kaligayahan. Lumipad ulit siya ng pagkabilis-bilis at maya-maya'y nagpaikot-ikot         
            Malayo na ang nararating niya kaya nagpasya na siyang bumalik sa syudad, upang muling makita ang mga nanggandahang gusali at kalsada ng Maynila. Natuwa siya sa hili-hilirang kotse ng Toyota, Daewoo, Mazda, Nissan at marami pang iba.  Tumigil siya sa itaas at pinagmasdan ang kagandahan ng buong Luneta, nakita niya ang maraming taong namamasyal kasama ang kani-kanilang pamilya, masayang-masaya habang kumakain ng Greenwich Pizza, Mang Inasal Lechon Manok at umiinom ng Nestea, Sprite, Kool Aid, Tang, at Coca-Cola. Napansin niyang mas maganda pala ang fountain sa gitna kapag pinagmamasdan ito mula sa himpapawid. Marami sa mga namamasyal ay nakasuot ng Bench T-Shirt at Jag Jeans.  Lumipad ulit siya nang lumipad nang pagkabilis-bilis, narating niya ang ibabaw ng kanyang pinagtratrabahuang appliance center at naisip na bukas... bukas ay makikita kong muli ang babaeng aking pinakamamahal na si Althea.
       Maya-maya habang nakatayo sa himpapawid at nakalaylay ang dalawang mga braso sa kanyang tagiliran, tila may nag-udyok sa kanya na ibuka nang mabilis at malakas ang kanyang dalawang mga kamay, may naramdaman siyang pwersa mula sa itaas at gitna ng kanyang dibdib.  Mula rito ay biglang lumabas ang isang kulay gintong manipis na manipis na lubid, para itong apat na sinulid na pinagbuhol-buhol sa isa't isa.  Tiningnan itong maigi ni Xander, umabot hanggang mga sampung talampakan ang haba nito, habang parang may sariling buhay na kumikilos sa himpapawid.  Maya-maya tiningnan ni Xandro ang kanyang isang paa, pero imbis na makita ito ay ang loob lamang ng kanyang sapatos ang kanyang nakita, nangiti lang siya, huminga siya nang malalim  at mabilis na pumasok paloob ang manipis na lubid.  Nagpasyang bumalik na sa bahay ng Tito Eric niya si Xander.  Kaya muli siyang lumipad nang pagkabilis-bilis patungo sa magiging bago niyang tahanan.  Pagkatapat ni Xander sa may bintana ng kwarto nina Eric, napansin niyang nakangiting pinagmamasdan siya nito, kaya tumigil siya sa paglipad at tumayo paharap sa Tito Eric, binati niya ito sa pamamagitan ng pagngiti at pagyuko ng bahagya ng ulo niya.  Tapos ay lumipad muli paitaas papuntang attic at dahan-dahang lumipad papasok sa nakabukas na pintuan nito.  Pagkalapag na pagkalapag niya sa sahig ay napansin niyang muling lumitaw ang dalawang mga paa niya mula sa laylayan ng kanyang suot na pantalon. Sumigaw siya nang marahan, "Xander!" Bumalik agad sa dating gupit niyang crew cut ang kanyang buhok at lumitaw uli ang kanyang maiksing balbas.

                                                     IX

             Kinaumagahan pagbaba ni Xander nadatnan niyang nakaupo na sa hapag-kainan ang kanyang Tito Eric at ang dalawang kambal.  Nang mapansin siya ni Eric ay agad siyang niyayang umupo sa tabi niya, "Xander buti't gising ka na, halika umupo ka sa tabi ko at ng makapag-almusal ka na."
            "Salamat po tito," sagot ni Xandro habang hinahatak ng bahagya ang upuan.
             "Sandali lang at maya-maya lang ay lalabas na si Cristina para maghain ng almusal natin."
             "Kuya Xander ang gara ng porma natin ngayon ah.  May pinopormahan ka yata sa pinagtratrabahuan mo ano," pansin ni Rap-rap sa bagong pinsan.
             "Ba't mo alam, siguro may pinopormahan ka rin sa school n'yo ano," sagot naman agad ni Xandro.
              "Oo si Jean," sagot naman agad ni Rap-rap na pinakintab ang sapatos kagabi gamit ang Kiwi Liquid Wax.
              "Anong pinopormahan mo si Jean, 'di ba't alam mo namang pinopormahan ko na 'yon matagal na?" tanong ni Ron-ron.
              "Alam ko, kaya nga pinopormahan ko rin, para... hating-kapatid," natatawang biro ni Rap-rap. "Hindi, loko lang iba ang gusto ko no pero mukhang ayaw yata sa 'kin.  Kuripot daw kasi ako, ayaw ko daw manlibri."
               "Sigi na tama na muna 'yang kulitan niyong dalawa, kumain na kayo't nang makapasok na kayo sa school pagkatapos," sabi ng kadarating na si Cristina dala-dala ang Purefoods Hotdog,  piniritong Bounty Fresh Chicken, Gardenia, at Eden Cheese para sa almusal ng buong mag-anak. "O Xandro kumain kang mabuti, unang almusal niyo itong magkasama ni Eric matapos ang mahabang panahon."
              "Oo nga ano, hindi ko naisip niyan," sabi agad ni Eric.  Tapos ay ikinuha agad ni Eric si Xander ng tatlong hotdog, ham saka piniritong bangus. 
               "Mawiwili pala ako dito dahil parating masarap ang almusal," sabi ni Xandro habang naglalagay ng Nescafe sa kanyang baso.
              "Paabot nga ng Nido Rap-rap," utos nito sa kakambal.
              "O ayan ubusin natin ng sabay ang gatas natin, para sabay ding dagdagan ni papa ang mga baon natin.
               "Good mood ako ngayon kaya talagang dadagdagan ko ang mga baon niyo mga bata," sabi ni Eric habang kinukuha ang kanyang Seiko Wallet sa bulsa ng kanyang Freego Jeans.
               "Ma, ano bang inilagay mo sa lunch box namin ni Ron-ron?" tanong ni Rap-rap.
              "Ano pa eh di 'yong dati, Gardenia na nilagyan ko ng Swift Bacon at Eden Cheese, Rebisco Sandwich, saka Zest-o.  Bumili na lang kayo sa canteen ng pang-lunch niyo, dapat may gulay din hindi poro karne na lang ha."
             "Opo," sagot ni Rap-rap at Ron-ron na parehong naka-Swatch.
             Naiwan si Cristina sa bahay na pinaganda ng Boysen Paint.  Inihatid ni Eric gamit ang kanyang Mazda ang dalawang kambal sa kanilang eskwelahan. Hindi na pumayag magpahatid si Xandro sa tito niya dahil baka ma-late pa ang kambal, magka-iba kasing direction ang pupuntahan nila.  Sumakay sa jeep si Xandro.  Marami sa mga pasahero ay nakasuot ng Hanes T-Shirt at may Seiko Wallet. Pagdating niya sa Veron Appliance Center, wala pa rin si Veronica at Lynette.  Naupo na   muna siya sandali.  Maya-maya ay dumating na si Veronica.  "Xandro mabuti't nandito ka na pala," sabi ni Veronica.
           "Good morning po M'am Veronica," bati agad ni Xandro.
            "Good morning din, siyanga pala, itong Nokia Cellphone sa 'yo na 'to, para matawagan kita kung may kailangan akong ipagawa sa 'yo."
            "Salamat ho luma na rin kasi itong cellphone ko."
            "Andyan naka-save ang company number natin, para makatawag ka agad kung saka-sakaling magkaproblema ka sa mga deliveries mo, okey."
            Tingin nang tingin si Xandro sa may pintuan.
             "Sino bang hinahanap mo't kanina ka pa tingin nang tingin sa sa may pintuan, si Lynette?"
              "Hindi ho napatingin lang."
              "Talaga... mamayang hapon pa darating 'yon, may ipinapaasikaso kasi, malamang nakakipag-usap na ngayon 'yon sa mga suppliers natin."
              "Ganon po ba."
               "Maiwan  ka na muna rito't marami pa akong tatawagan sa office ko."
             "Sigi po M'am Veronica."
              Naupong muli si Xandro sa malaking sofa at nanunood sa nakabukas na  Samsung Tv.  Nanghihinayang siya na hindi niya agad makikita si Althea.  Di bale darating din naman iyon mamaya. Ilang sandali lang, pumasok agad ang isang customer na naka RayBan at Adidas Shirt .  Binati agad ito ni Xandro, "Good morning po sir."  Tinawag naman agad ni Xandro ang isang Saleslady para asikasuhin ang bagong dating na customer.  Umupong muli si Xandro at tiningnan ang bagong cellphone niya habang inaasikaso naman ng Saleslady ang bagong dating na customer.  Tumingin-tingin ang customer sa mga appliances, tapos nilapitan niyang isang malaking GE Refrigerator.  Binuksan naman agad ito ng Saleslady para makita ang loob nito.  Tapos nilapitan din nito ang isang GE Washing Machine.  Ipinaliwanag agad ng Saleslady ang mga special features nito.  Maya-maya lang nakita ni Xandro na binabayaran na ng customer ang mga pinamili.  Tapos ay lumabas na agad ito.  Tinawag naman agad si Xandro ng Saleslady para ikarga na sa Delivery van ang refrigerator at washing machine.  Matapos maikarga ang mga ito sa likuran ng van, sumakay agad si Xandro sa front seat.  Tapos binuksan niya ang baon niyang Zest-o at uminom.  Nasarapan siya at agad nawala ang pagkauhaw nito.  Napansin niyang pinabaunan din pala siya sa kanyang maliit na bag ng Gardenia na may palamang Swift bacon at Eden Cheese.  Nagmaneho agad si Xandro, binasa niyang muli ang address ng delivery, naka-address ito sa isang bahay sa may Camella Homes.  Alam ko to.  Habang nagmamaneho si Xandro nadaanan niya ang Jollibee.  Aba punuan pa rin sa Jollibee, ang dami talagang kumakain rito tuwing mapapadaan ako.  Nang marating niya ang Petron, nagpasya siyang magpagasolina dito.  Maganda at mabilis ang serbisyo kaya nakaalis agad si Xandro.  Nang marating na ni Xandro ang address ay agad siyang nag-doorbell.  Nagustuhan ni Xandro ang kulay ng pintura ng bahay na Camella.  Maya-maya lang ay lumabas ang isang magandang babae.  "Magandang umaga ho, delivery lang po."
           "Iyan na ba 'yong refrigerator saka washing machine na binili ni papa?" tanong ng magandang babae.  Pinapasok naman agad ng babae si Xandro. "Dito mo ilagay ang refrigerator." sabay turo sa gilid ng kusina.  
           Inilagay naman agad ni Xandro ang buhat-buhat na refrigerator.  Matapos ay lumabas para kunin ang Washing machine.  Pagkabalik niya itinuro naman agad ng magandang babae ang isang pintuan palabas ng bahay sa likuran.  Kinarga agad ni Xandro ang Washing Machine at inilagay sa sahig.  Maganda pala talaga ang Camella Homes, maski ang likuran ng bahay maganda rin ang pagkakagawa at pagkakapintura.
          Tapos niyaya na siya muli ng babae sa loob ng bahay.  "Ang lakas-lakas mo naman pala, parang ang gaan-gaan  lang ng binubuhat  mo ah, naggi-gym ka ba palagi, ha?" tanong ng magandang babae habang pinapaupo si Xandro sa may salas.
          "Hindi naman push-up push-up lang sa umaga, ganon lang," sagot ni Xandro.
          "Ah kaya pala malaki katawan mo."
          "Siguro... oo baka nga," sagot naman agad ni Xandro
          "Nagba-basketball ka ba?" tanong ulit ng magandang babae.
          "Baket?  Oo paminsan-minsan."
          "Matangkad ka kasi saka guapo, bagay kang maglaro sa isang kilalang Basketball League.  Tiyak sa guapo mong 'yan marami ka agad magiging fans."
          "Talaga, saka hindi naman ako ganon katangkad 6'2" lang ako."
         "Pwedeng-pwedeng na 'yan ang iba nga riyan 5'7" lang pasok na agad.  Nasa galing mo 'yan wala sa height. Saka pwede ka ring artista, mag-punta ka kaya sa isang television studio malay mo ma-discover ka at kunin kang action star.  Bagay na bagay sa tindig mo ang maging isang action star tiyak pagkakaguluhan ka agad."
         "Talaga...pwede akong artista."
         "Oo naman, subukan mo lang alam mo naman dito sa Pilipinas ang mga may halong dugong banyaga ang kadalasang kinukuhang artista.  Saka mas malaki bayad noon."
         "Oo nga dinig ko."
         "Sandali ilang taon ka nga pala, ha?" tanong ng magandang babae.
         "Ako,  kaka-twenty-one ko lang noong nakaraang dalawang linggo."
         "Ito uminom ka muna ng Sprite, para mawala ang pagkauhaw mo." 
         "Sigi salamat." matapos uminom ni Xandro ay agad itong nagpaalam sa babae. "Paano magpapaalam na ako baka kailangan na ako sa Appliance Center.
         "Sigi, kapag bibili uli kami ng bagong appliances sa inyo uli kami bibili.  Saka itong calling card ko tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng makakausap, o kaibigan na mapaghihingahan mo ng sama ng loob alam mo na..."
        Pagkatanggap ni Xandro sa calling card ay agad na itong nagpaalam at lumabas ng bahay.  Habang nagmamaneho si Xandro pabalik, napadaan naman siya sa may Chowking.  Gusto sana niyang bumili ng Pancit canton at lumpia, pero kailangan niya nang makabalik agad sa Veron Appliance Center.  Kaya nagpatuloy siya sa pagmamaneho.  Nadaanan naman niya ang naglalaking Billboards ng Hanes, Levi's, at Penshoppe.  Napadaan din siya sa Mercury Drugstore.  Nagpatuloy si Xandro sa pagmamaneho.  Yumuko siya nang bahagya at tiningnan  sandali ang kanyang Seiko Watch, nag-aalala kasi siya baka masyado siyang natagalan sa kanyang delivery kanina.  Hindi naman pala... maaga pa naman.  Pag-angat niya ng ulo niya para tingnan ang dinaraanan, nakita niyang may isang humaharurot na malaking bus sa di-kalayuan.  Maya-may ay gumiwang-giwang ito at bumangga at sumagi sa ibang  maliliit na sasakyan.  Mukhang nawalan na ng control ang driver nito.  Naririnig na rin ni Xandro ang mga sigawan ng maraming tao.  Agad itinabi ni Xandro ang menamanehong Delivery van.  Palinga-linga siya, tiningnan niya kung walang nakakapansin sa kanya, matapos ay agad na sumigaw ng, "Xander!"  Naglaho agad ang kanyang maiksing balbas at humaba nang bahagya ang maiksi niyang buhok.  Lumipad siya palabas ng Delivery van. Lumipad nang mabilis si Xander at hinabol ang humaharurot at gumigiwang-giwang na ma malaking bus sa ibabaw at pinakamataas na bahagi ng skyway.  Hinabol niya ito ng hinabol hanggang sa tuluyan na itong bumangga nang malakas sa bakod ng skykway.  Tumilapon  agad  at nahulog palabas ng skyway ang malaking bus.  Sigawan ang mga pasahero, takot na takot sila para sa kanilang buhay. Binilisan pa ni Xander ang paglipad at ng maabutan niya na ito sa wakas ay agad niya itong sinalo at binuhat mula sa ilalim at gitnang bahagi ng bus sa pamamagian ng kanyang dalawang mga kamay.  Kasalukuyang buhat-buhat ni Xander ang malaking bus at dahan-dahan niya na itong inililipad pababa ng kalsada nang biglang may narinig siyang sumisigaw at umiiyak nang,  "Mama! Mama! Mama!" 
         Lumingon si Xander sa pinanggagalingan ng malakas na iyak at nakita niya ang isang batang pilit na kumakapit sa railings ng skyway.  Takot na takot itong malaglag mula sa kanyang kinakapitan.  Maya-maya ay tuluyan na itong nahulog mula sa sa kanyang pagkakabitin.  Tuloy-tuloy na nalaglag ang bata pababa.  Habang nasa ere, biglang binitawan ni Xander ang buhat-buhat niyang malaking bus at lumipad  para habulin at saluhin ang ngayo'y pabagsak ng bata; ibinuka nang mabilis at malakas ni Xander ang kanyang mga palad at lumabas ang manipis na lubid, agad nitong pinuluputan ang malaking bus. Binilisan niya ang paglipad at sa isang iglap lang ay nasalo niya ang mangiyak-ngiyak na bata, kinarga niya itong mabuti sa kanyang kanang balikat.  Napansin ni Xander na unti-unti nang dumarami ang mga nagkukumpulang  tao sa ibaba at kinukuhanan sila ng video gamit ang kani-kanilang mga camera.  Gulat na gulat ang mga tao sa kanilang nasasaksihan, hindi sila makapaniwala na sa panahong ito ay makakita sila ng taong napakalas at lumilipad, nagpapalakpakan sila habang patuloy na pinapanood ang kabayanihan ni Xander. Nakatitig lang ang bata kay Xander habang karga-karga niya ito pababa. "Maraming salamat po sa pagsagip ninyo sa akin, manong," pasasalamat ng batang lalake kay Xander. 
           "Walang ano man, kasiyahan ko ang makatulong sa kahit sinong nangangailangan," sagot naman agad nito.
           "Siyanga po pala, ano po ba ang pangalan niyo?" tanong ng bata.
           "Xander, ako si Xander." 
           Patayo, dahan-dahan niyang inilipad pababa ng kalsada ang bata habang buhat-buhat at binabalanse naman nang nakapulupot na manipis na lubid ang napakalaking bus.  Unti-unting namang inilipad pababa ni Xander ang malaking bus hanggang sa tuluyan nang sumayad ang mga gulong nito sa may kalsada.  Huminga nang malalim si Xander at agad namang umiksi at bumalik paloob ang manipis na lubid.  Labasan naman agad ang kanina'y takot na takot na mga pasahero.  Tumakbo silang lahat para salubungin ang ngayo'y pababa nang si Xander at ang karga-karga nitong batang lalake.  "Andito si mama mo anak!" sigaw ng isang babae.
          "Mama! Mama!" sigaw pabalik ng bata
          Agad na iniabot ni Xander ang batang lalake sa kanyang ina.
          "Maraming salamat sa pagliligtas mo sa aking anak."
          "Wala pong ano man, paalam," sagot ni Xander at mabilis na lumipad palayo nang mapansing may papalapit na isang reporter, hawak-hawak ang isang microphone at may kasunod na isang cameraman.  
           Nang masiguro  ni Xander na walang nakakapansin sa kanya ay agad siyang lumipad papasok sa menamaneho niyang Delivery van.  Tapos ay agad na sumigaw ng, "Xander!"
         Muling tumubo ang kanyang maiksing balbas at bumalik sa gupit niyang crew cut ang kanyang buhok.


                                                      X

          Pagkabalik ni Xandro sa Veron Appliance Center ng tanghali, wala pa rin si Lynette.  Hinayang na hinayang si Xandro na hindi pa rin niya ito nakikita.  Pagpasok niya sa loob, napansin niyang wala pa masyadong customer.  Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina.  Maya-maya ay lumabas agad si Veronica.  "Xandro, kumusta naman iyong delivery mo, nagustuhan ba nila?" tanong agad nito. 
          "Opo, nagustuhan naman agad ito noong babae."
          "Iyong appliance lang ang nagustuhan, wala na bang iba, ha Xandro?" biro nito.
           "Ha, eywan ko po, basta 'yong appliances gustong-gusto noong babae," sagot naman agad ni Xandro.
           "Okey sabi mo eh," biro nito.
           "Alas dose na nang tanghali, pwede ka nang mag-lunch, kami na munang bahala rito.   Sa labas maraming Fastfood diyan,
ikaw nang bahala kung saan ka kakain."
            "Sigi po M'am Veronica lalabas na po ako para mananghalian, babalik na lang po ako mamayang Ala-una."
            Tiningnan uli ni Xandro ang mesa ni Lynette.  Napansin niyang natatawa si Veronica habang pinagmamasdan siyang sumusulyap sa mesa ni Lynette.  "Sigi po M'am Veronica lalabas na ako."
             "Oo nga sinabi mo na iyan kanina," biro nito kay Xandro.
             Pagkalabas ni Xandro, pumasok siya sa isang Carenderia sa malapit, mas sanay kasi siyang kumain sa mga ganitong lugar.  
Pagkatapos bumili agad siya ng Fried chicken, Pancit canton, lumpia saka Coke.  Matapos niyang makuha ang pagkain ay agad siyang pumuwesto sa isang bakanteng mesa.  Inilapag niya ang pagkain sa mesa, inilagay naman niya sa kanan ang Coke.  Pagka-upo niya ay uminom muna siya ng kunting tubig, saka nag-umpisang kumain.  Nabasa niya mula sa dingding na Magnolia Chicken ang ginamit ng may-ari ng carenderia at ipirinirito ito sa Claro cooking oil saka binalutan ng Crispy Fry.  Tinikman niya agad ito at nagustuhan niya talaga ang lasa.  Nangangalahati na siya sa kanyang pagkain.  Uminom muna siya ng Coke. 

                                                      XI

            Maya-maya binuksan ng isang customer  ang Phillips Tv sa isang sulok ng Carenderia.  Pagkatapos ng commercial ng Vaseline 2 in 1 Soap ay sumingit bigla ang isang News Update mula sa isang kilalang Tv Station.
           "Nandito ako ngayon para kapanayamin ang isang maswerteng batang iniligtas ng isang bagong bayani, isang taong napakalakas at nakakalipad, kaninang-kanina lamang," umpisa ng isang babaeng reporter.
           Tapos ay ipinakita kaagad ang isang video na hinahabol at sinasalo ni Xander ang maliit na batang lalake habang nahuhulog ito mula sa itaas ng skyway.  Kitang-kita sa video ang mabilis niyang paglipad at kung paano niya ibinaba ang malaking bus sa pamamagitan ng manipis na lubid.
          Tumigil lahat ng mga customer sa kani-kanilang pagkain at tumutok na bigla sa bagong-bagong balita.  Manghang, mangha sila sa videong kanilang pinapanood sa Phillips Tv.  Hindi sila makapaniwalang may taong napakalakas at nakalilipad at dito pa talaga nangyari sa Pilipinas.  Ang iba sa kanila sa kanila ay nagpalakpakan sa kanilang mga nasaksihan.
          Tapos itinuloy na ang interview ng babaeng reporter sa batang sinagipip ni Xander.  "Maari bang ikwento mo sa ating mga tagapanuod ang lahat ng mga pangyayari?" tanong nito sa bata.
          "Opo, nakasakay ako at ng aking mama kasama ng maraming pasahero sa isang malaking bus at bigla itong gumewang-gewang sa ibabaw ng skyway.  Tapos bumangga ito ng malakas sa gilid ng skyway, tapos tumilapon ako mula sa aking kinauupuan palabas ng bus.  Hindi ko alam kung paano pero nakakapit ako sa bakod nito.  At pilit akong kumapit nang mahigpit na mahigpit para hindi ako mahulog.  Pero napagod ako, sumakit ang mga kamay ko sa mahigpit kong pagkakakapit sa bakod ng skyway.  At nang hindi ko na matagalan ay hindi ko sinasadyang mabitiwan ang aking kinakapitan.  Tapos naramdaman kong nahuhulog ako nang mabilis pababa sa kalsada.  Takot na takot ako, kaya pumikit na lang ako.  Ilang sandali lang ay naramdaman kong may biglang sumalo sa akin, tumigil ako sa pagbagsak.  Tapos ng idinilat ko ang aking mga mata, nakakita ako ng isang tao sa aking tabi.  At laking-gulat ko nang mapansin kong lumilipad ito.  Iniligtas ako ng isang taong nakakalipad.  Hindi ako makapagsalita, tinitingnan ko lang siya habang ibinababa niya ako.  At mas nagulat pa ako nang makita kong buhat-buhat din ng kanyang kulay gintong lubid ang malaking bus na sinasakyan namin kanina.  Kaya naisip ko na ligtas din ang mama ko, tuwang-tuwa talaga ako.  Kaya nagpasalamat agad ako sa aking tagapagligtas," mahabang salaysay ng batang lalake.
             "Ano naman ang sagot ng taong nakakalipad matapos mo siyang pasalamatan?" tanong ng babaeng reporter.
             "Ang sabi niya, kasiyahan raw niyang makatulong sa lahat ng mga nangangailangan.  Tapos narinig ko ang mama na tinatawag ako.  Kaya iniabot agad ako nito sa aking mama."
             "Naitanong mo ba sa kanya kung ano ang pangalan nito?"
             "Opo."
             "Maari mo bang sabihin sa lahat ng ating mga tagapanuod kung ano ang pangalan nito?"
             "Opo, ang sabi niya siya raw si Xander."
             "Ha Super Xander ang pangalan niya?" mabilis na tanong ng babaeng reporter.
              Natigilan bigla ang batang lalake at napakamot sa ulo nito.
              "Opo Super Xander ang pangalan niya..."
              Maya-maya ay hinatak na ang bata ng kanyang ina palayo sa reporter kay naputol na ang interview ng reporter.
              Hangang-hanga ang mga kumakain sa Carenderia sa kanilang napapanood.
              Tapos muling nagpatuloy sa pagbabalita ang babaeng reporter.  "Narinig po ninyo ang pangalan daw ng pambihirang taong lumilipad ay Super Xander.  At ayon sa iba ko pang nakapanayam kanina.  Matapos daw maiabot ng guapo este ng taong lumilipad ang bata sa kanyang ina ay agad itong nagpaalam at nagbitaw ng linyang, 'Up! Up and see you soon...!  Ito po si Jessica Mara nag-ulat para sa NewsFlash,"  pagtatapos ng babaeng reporter.
              Tapos ipinalit agad ang commercial ng Vaseline 2 in 1 Soap.
                                           
                                                      XII


           Natatawang napakamot sa ulo niya si Xandro.  Ang sabi ko Xander ang pangalan ko hindi Super Xander, saka ang sabi ko paalam, hindi 'Up! Up and see you soon...!'. Napailing na lang ito nang napailing.
           Tapos nagkanya-kanya nang kwentuhan at reaction  ang mga customer ng Carenderia.
           Tinapos naman agad ni Xandro ang kanyang pagkain.  Inubos naman agad niya ang natitirang Coke saka dahan-dahang tumayo at nag-umpisang bumalik sa Veron Appliance Center.
           Pagkabalik niya sa Veron Appliance Center.  Narinig niyang nagkwekwentuhan rin ang lima nilang Saleslady tungkol sa bagong-bagong balita.  Nanghihinayang sila na wala sila sa pinangyarihan ng lahat dahil gusto rin nila sanang napanood ito sa malapitan.  "Naku kung nalaman ko lang na may nakitang taong lumilipad kanina lalabas talaga ako at manonood, maski sisantihin pa ako ni M'am Veronica," sabi ng isang Saleslady.
          "Ganon, pag nakita ulit si Super Xander na lumilipad sa himpapawid, subukan niyong mauna sa akin sa labas at sisante kayong lahat," mabilis na biro ni Veronica sa limang Saleslady tapos ay nilapitan si Xandro. 
          "Napanood mo ba ang balita ha Xandro?  May tao raw na nakakalipad  ang nakita dito sa Pilipinas, napakalakas daw nito at nakayang buhatin ang isang malaking bus habang lumilipad." 
           "Opo napanood ko nga sa Carenderia kangina habang kumakain ako, hindi nga ako makapaniwala eh," atubiling sagot nito.
           "Totoo talaga 'yon kasi marami ring naka-upload na video nito sa internet at talaga namang ang taas-taas ng hits at mga views nito.  At maging sa iba't ibang bansa ay sinisimulan na rin itong ibalita sa mga oras na ito," dagdag pa ni Veronica. "Si Lynette kaya nakita rin kaya ito... Sigi maiwan na kita at tatawagan ko si Lynette at tatanungin kong napanood niya rin ito.
           Nang mabanggit ang pangalan ni Lynette ay hindi mapigilan ni Xandro na mapangiti.  Mga ilang oras na ang nakalilipas ngunit patuloy pa rin ang maya't mayang pagbabalita,  sa lahat ng mga Tv Channels, sa ginawang paglipad ni Xander sa mga nakabukas na Tv sa Veron Appliance Center.  Nanatiling nakaupo si Xander habang pinapanuod ang maya't mayang pagbabalita balita tungkol sa kanya.   
May mag-asawang pumasok at bumili ng Sharp Washing Machine.  Kinarga naman agad ito ni Xandro at dinala papasok sa malaking truck ng mag-asawa.  Pagkatapos makapagpaalam ay agad namang bumalik ni Xander sa loob ng Veron Appliance Center.  Mag-aala-singko na, pero wala pa rin si Lynette.  Hindi na naman nakita ni Xandro si Lynette kaya hinayang na hinayang siya.  Maya-maya ay lumabas si Veronica at may kausap sa kanyang Nokia Cellphone. 
           "Oo Lynette papunta na ako riyan, hintayin mo lang ako't susunduin kita," sabi ni Veronica sa kausap nito sa kanyang Cellphone. "Bye..."
           "Oy kayo na munang bahala rito at pupuntahan ko lang si Lynette malapit sa LBC," paalam ni Veronica sa kanyang mga Saleslady.  "Xandro, maiwan ko na muna kayo pupuntahan ko na muna si Lynette, sasamahan ko kasi siyang magpunta sa lumang Train Station may hihintayin  kasi siyang dating kakilala roon."
                  "Sigi po M'am Veronica, kami na po muna ang bahala rito," sagot naman agad ng tuwang-tuwang si Xandro.  


                                                   XIII
                 Mabilis na nabayaran ni Xandro ang pagkakautang niya sa Boarding House at ngayo'y kasalukuyan siyang naghahanda para sa pagkikita nila ni Althea sa lumang train station.
                "May lakad ka ba Xandro?" tanong ng kapapasok lang na si Eric habang pinagmamasdang naglalagay ng Gatsby Wax si Xandro sa kanyang maiksing buhok.
            "Opo Tito Eric, magkikita ho kami ngayong gabi ng nai-kwento ko sa iyong si Althea, iyong naging kaibigan ko noong nagkahiwalay tayo sa train station dati," nakangiting sagot ni Xandro.
             "Aba magkikita pala kayo ng maganda at pinakakamamahal mong babae. "
            "Opo sana swertehin ako ngayon at magkita na kaming talaga,"
             Nagpaalam naman agad si Eric sa pamangkin matapos niyang maibigay kay Xandro ang pasalubong niyang malaking lata ng Fibisco Biscuits.          "Xander!" marahang sigaw ni  Xander.  Agad na naglaho ang kanyang balbas at humaba nang bahagya ang kanyang buhok.  Mabilis siyang lumipad palabas ng attic.  Lumipad siya ng mabilis, tuwid at derecho papuntang lumang Train Station.  Nais niyang makarating sa lumang train station sa pinakamabilis na paraan nang paglipad.  Gusto niyang siya ang maunang makarating sa lumang train station na  pinangangalagaan at pinaiilawan pa rin ito kahit matagal nang naisara.  Nang marating ni Xander ang ibabaw  ng lumang train station, agad siyang lumipad pababa.  Sisigaw na sana siya ng Xander nang biglang may tumawag  sa kanya ng, "Xando!" mula sa loob ng lumang train.  Lumingon si Xander sa pinanggalingan ng boses.  Nakita niya si Althea, nakadungaw sa bintana ng lumang train.
           "Althea!"  
            Agad na tumayo si Althea at lumakad nang mabilis patungo sa labasan ng train.  Tumakbo naman agad si Xander para salubungin si Althea sa pagbaba.
            "Xando, dumating ka!" sabi ng tuwang-tuwang si Althea.
            "Ikaw rin nakarating ka!"  Hinawakan agad ni Xander ang isang kamay ni Althea para alalayan ito sa pagbaba.  Pinagmasdang mabuti ni Althea ang mukha ni Xander habang inaalalayan siya nitong bumaba.  "Kumusta ka na?"
             "Mabuti at masayang-masaya dahil nakabalik ka na," sagot naman agad ni Xander. 
             Nangiti si Althea sa narinig niya kay Xander.  Kitang-kita ni  
Althea ang kasiyahan sa mukha ni Xander habang tinititigan siya nito.  Hinawakan naman agad ni Xander ang isa pang kamay ni Althea nang makababa na ito.  Hindi mapigilan ni Xander na titigan ang napakagandang mukha ni Althea habang hawa-hawak niya ang dalawang kamay nito.  Tumingala si Althea sandali at nginitian si Xander tapos ay tumingin ito sa mga kamay ni Xander na patuloy na nakahawak sa mga kamay niya.
             Nangiti si Xander sa ginawa ni Althea pero imbis na bitawan ang mga kamay nito, pinisil pa niya ang mga ito nang bahagya na parang nagmamalaki.  "Sa wakas ay nakabalik ka na Althea ang tagal-tagal ko nang hinihintay na magkita uli tayo."
             "Bitiwan mo muna sandali ang mga kamay ko Xando..." natatawang saway ni Althea kay Xander.  Pagkabitiw na pagkabitiw ni Xander sa dalawang mga kamay ni Althea ay agad itong yumakap kay Xander.  "Talaga bang hinintay mo ang pagbabalik ko Xando?" mahinang tanong ni Althea.
              "Oo! Oo! Hinintay kita nang hinintay!" sagot naman agad ni Xander habang yumayakap na rin kay Althea.  "At ngayong nakabalik ka na hinding-hindi na kita pakakawalang muli, dito ka na lang sa tabi ko!"
              "Natatandaan mo pa ba ang upuang iyan Xando?" tanong ni Althea.
               "Oo, natatandaan ko pa Althea, halika upo tayo roon," sagot naman agad ni Xander habang inaakay si Althea papunta doon.  Agad silang umupo sa mahabang upuan.  Nanahimik sila sandali habang hawak-hawak ang kamay ng isa't isa.
               Ilang sandali lang ay may kinuha si Xander.  "Ito Althea natatandaan mo pa ba ang mga ito ha?" tanong ni Xander habang may iniaabot kay Althea.
               "Oo naman, nagdala ka pa talaga niyan ha," natatawang sagot ni Althea.
               "Naisip ko kasi nagsimula tayo sa dalawang hamburger kay minabuti ko na magsimula uli tayo sa pamamagitan nito," nakangiting tugon ni Xander kay Althea.
                Kinuha agad ni Althea ang dala-dalang hamburger ni Xander at sinimulang kainin.  Patuloy lang sa pagkain si Althea, "Oy ikaw hindi ka ba kakain ba't pinapanood mo lang yata ako, kainin mo rin iyang para sa 'yo."
                Kaya kumain na rin si Xander.  Magkahawak pa rin ang mga kamay nila habang kumakain ang dalawa.  Tapos ay ipinagbukas naman ni Xander si Althea ng isang latang Coke.  
                "Sigi sabay na tayong uminom nitong Coke," sabi ni Xander matapos buksan ang para sa kanya.
                Ilang sandali lang ay pareho nang naubos ni Xander at Althea ang malamig at masrap na Coke.  Nanahimik silang muli habang nakaupo.  Matapos ay parang may napansin si Althea kay Xander.  May iba ka pa bang dala, ba't parang may itinatago ka pa yata diyan sa likuran mo, ano ba 'yan ha?" pabirong tanong nito.
                    Inilabas agad ni Xander ang tatlong mapupulang rosas mula sa likuran niya.  "Hindi ba sabi ko sa 'yo dati, kung may pera lang ako ibibili kita nito?"  Iniabot kaagad ni Xander ang isang bulaklak na rosas kay Althea habang nakatingin sa magandang mukha nito.
                 "Ang ganda at ang pula naman nito Xando, salamat pero ba't isa lang ang ibinigay mo ha, paano iyang dalawang natitira?" nagtatakang tanong ni Althea.
                 Ngumisi agad si Xander at unti-unting tinanggal ang mga petals ng dalawang rosas.  Sumusulyap-sulyap pa ito kay Althea ng nakatawa habang patuloy na tinatanggal at pinipira-piraso ang mga petals ng dalawang rosas.  Tapos ay agad nitong ikinalat sa harapan at palibot nilang dalawa ni Althea.  Tapos ay agad na hinarap si Althea at tumawa ng marahan.
                 "Ikaw talaga ang corny mo..." natatawang puna ni Althea.  "Pero in fairness ha, gumanda ang palibot nitong lumang train station dahil sa ginawa mo."
                   Ngumiti lang si Xander kay Althea at agad na hiwakang muli ang isang kamay nito.  
               "Maraming beses ka bang nagpabalik-balik rito para hintayin lang ako Xando?" mahinang tanong ni Althea.
               "Oo maraming beses akong nagpabalik-balik rito para makita lang kitang muli.  At kahit napakaraming beses na akong nabigong makita ka, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa alam kong darating din ang araw na magkakasama tayong muli," pagtatapat ni Xander.
                 "Matagal ko na ring gustong umuwi ng Pilipinas para makipagkita sa 'yo.  Kaya lang pinipigilan ako ng mga lolo at lola.  Mahal na mahal ko sila pareho at napakalaki rin ng utang na loob  ko sa kanila kaya nahihirapan akong suwayin ang mga kagustuhan nila.  Sila na ang nag-aruga at nagpaaral sa akin mula ng mawala ang mga magulang ko.  Kaya lang itong huli'y  hindi ko na talaga kayang sundin ang kahilingan nila."
                   "Kahilingan... anong kahilingan iyon Althea?"
                    "Nais nilang ipakasal ako kay Robert,  anak ng kasosyo nila sa negosyo sa America.  Ipinaliwanag kong mabuti sa kanila na may iba na akong minamahal subalit hindi nila ako pinakinggan.  Pilit pa rin nilang itinakda ang kasal naming dalawa.  Inipit pa ng lolo at lola ang mga pera ko sa bangko maski mga credit cards ko'y hindi rin nila pinalampas.  Kaya nahirapan akong makauwi pabalik dito sa Pilipinas.  Mabuti na lang at dumating ang kaibigan kong si Veronica,  tinulungan niya akong makatas isang araw bago ang kasal ko kay Robert.  Binayaran lahat ni Veronica ang pamasahe ko pauwi rito.
                "Mabuti naman pala't nagkaroon ka ng mabait at matulunging kaibigan dahil kung hindi malamang ay hindi na tayo muling nagkita pa."
                "Oo mabait at maaasahan ko talaga iyang si Veronica sa lahat ng bagay."
                "Ang tagal-tagal ko nang nanabik na muling makita ka Althea.  Simula ng mga bata pa tayo, alam na alam ko na kung ano ang nararamdaman ko para sa 'yo.  Wala akong ibang babaeng pinangarap makita at makasama kundi ikaw Althea.  Mahal kita Althea, mahal na mahal.  Tama ba ako sa aking pagkakaunawa na ako ang dahilan kung bakit nagawa mong suwayin ang minamahal at iginagalang mong mga lolo at lola Althea?  Mahal mo rin ba ako ha Althea?" mahinang tanong ni Xander.
               Hindi sumagot si Althea, bagkus ay tumayo ito at pinagmasdang mabuti ang lumang train sa harapan nila.
               Kaya tumayo si Xander at hinawakan ang isang kamay ni Althea, hinatak niya ito paharap sa kanya. Tinitigan ni Xander ang mga mata ni Althea habang hawak-hawak ang dalawang kamay nito.
             "Mahal kita Althea."
             "Talaga bang mahal mo ako Xando?"
             "Oo mahal na mahal kita Althea!" halos pasigaw nang sagot ni Xander.
             "Talaga mahal na mahal mo ako?"
             "Mahal na mahal!" mabilis at malakas na sagot ni Xander.
             "Talaga?" nakakaakit na tanong ni Althea.
             "Oo sinabi eh ang kulit mo naman..."
              Natawa si Althea sa sinabi ni Xander.  Natawa na rin si Xander.  Tawanan sila nang tawanan habang patuloy na magkahawak ang mga kamay at pinagmamasdan ang mukha ng isa't isa.  Tawanan sila nang tawanan.  Hanggang sa dahan-dahang humina ang mga tawanan nila.  Tumigil si Xander sa pagtawa at pinagmasdan ang magandang mukha ni Althea.  Tumigil na rin sa pagtawa si Althea subalit hindi pa rin nawawala ang nakakaakit nitong mga ngiti habang pinagmamasdan si Xander.
             Hinawakan ni Xander ang dalawang balikat ni Althea.  
 "Napakaganda mo talaga Althea... mahal na mahal kita,"  mahinang pag-amin ni Xander.
             "Mahal din kita Xando..." mahinang tugon ni Althea sa pagtatapat ni Xander.
              Hindi na napigilan ni Xander ang sarili niya, dahan-dahan niyang hinatak si Althea palapit sa kanya.  Tapos ay unti-unti itong yumuko at inilapit ang mukha kay Althea. Tumingala nang bahagya si Althea, nararamdaman niya kung ano ang gustong gawin ni Xander, ipinikit niya ang kanyang mga mata.  Hindi naiwasan ni Xander na pagmasdan muna ang magandang mukha ni Althea habang hinihintay nitong halikan niya.  Maya-maya idinilat ni Althea ang kanyang mga mata at nagulat siya sa kanyang nakita, bigla siyang napasigaw ng, "Vampira!" at agad itong nahimatay.

                                                     XIV

             Nahawakan at nasalo agad ni Xander ang nahimatay na si Althea.  Takang-taka siya sa nangyari, hanggang sa unti-unti na rin niyang maramdaman ang kung anong bagay na sa loob ng bibig niya.  Hinipo ni Xander ang mga labi niya.  Nagulantang siya sa nakapa niya.  "May pangil ako... tinubuan ako ng mga pangil..." hindi maipaliwanag ni Xander ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.  Hindi pa rin nagigising si Althea.  Maya-maya ay napansin niyang may isang babaeng papalapit sa kanila ni Althea.  Napansin ni Xander na papalapit si Veronica sa kanilang dalawa ni  Althea.  Kaya dali-dali niyang binuhat ang nahimatay na si Althea at maingat na inihiga sa mahabang upuan.  Matapos ay dali-dali siyang tumakbo papalayo sa lugar.  At nang makalayo na ng kunti ay agad na lumipad paitaas.  Gulong-gulo si Xander, hawak-hawak pa rin niya ang kanyang bibig at nararamdaman pa rin niya ang tumubong pangil.  Mula sa itaas, nakita ni Xander na nakalapit na si Veronica sa tabi ng nahimatay na si Althea. 
              "Lynette, Lynette anong nangyari sa 'yo?" tanong nang nag-aalalang si Veronica habang patuloy na ginigising si Althea.  "Lynette!  Lynette gising!"
              Ilang sandali lang ay nagising na rin si Althea.
              "Anong nangyari sa 'yo Lynette, ba't nahimatay ka?"
              "Umalis na tayo rito Veronica, bilisan mo halika na!"  takot  
na takot pa rin si Althea sa nasaksihan niya kanina kay Xander.  "Halika na Veronica bumalik na tayo, umuwi na tayo!"
              Inakay naman agad ni Veronica si Althea patungo sa nakaparada nilang sasakyan sa di-kalayuan.  Nagmamadali si Althea na makarating agad sa kanilang sasakyan.  Nang marating nila ito ay agad pinagbuksan ng pintuan ni Veronica si Althea.  Pinaupo niya agad ito sa may likuran.  Matapos niyang maisara ito ay agad siyang pumasok sa harapan at dali-daling nagmaneho papalayo sa lumang train station.
             Mula sa taas ay alalang-alala si Xander sa nangyari kay Althea.  Kaya patuloy niyang sinusundan ang kotse habang patuloy nitong binabaybay ang mahabang kalsada.  "Anong nangyayari sa akin, baket nagkaganito, baket ako biglang tinubuan ng mga pangil?" pagtataka ni Xander.  Tapos ay nagdesisyon siyang iwanan na ang sinasakyang kotse nina Althea at lumipad pabalik sa bahay ng kanyang Tito Eric.  Kailangang magka-usap agad kami ng tito ko.  Kailangang ipaliwanag niya sa aking kung ano itong nangyayari sa akin.  Unti-unting naramdaman ni Xander na nawawala na ang kanyang mga pangil.  Hanggang sa tuluyan na nga itong maglaho at hindi na niya maramdaman pa.  Binilisan ni Xander ang paglipad pabalik sa bahay ng kanyang Tito Eric. 
   
                                                   XV
         
           Napansin ni Xander na bukas ang mga ilaw sa loob ng kanyang kwarto.  Dahan-dahan siyang lumipad papasok.  Nadatnan niya ang nakaupong si Eric.  Napansin kaagad ni Eric na may dinaramdam si Xander.  Hinintay ni Eric na kusang magsalita at magtapat sa kanya si Xander.  Pinagmasdan niya itong mabuti habang dahan-dahan itong lumalakad palapit sa kanya, pero imbis na umupo sa harapan niya nagtuloy ito sa may bintana.  Nanatiling nakatayo at nakadungaw si Xander, malalim ang iniisip.  
          "Tito wala ka bang iba pang gustong ipagtapat sa akin, maliban sa nailahad mo na dati pa tungkol sa totoo kong pagkatao?" mahina at malungkot na tanong ni Xander sa kanyang Tito Eric.
           "Kung ganoon naganap na ang nakatakdang mangyari sa 'yo..." umpisa ni Eric.  "Sinubukan mo bang halikan si Althea sa muling pagkikita niyong dalawa, ha Xander?"
            Mula sa bintana, humarap si Xander kay Eric.  "Opo tito... at... bigla na lang nahimatay si Althea sa harapan ko.  Pero bago siya nahimatay nabanaag ko ang matinding takot sa mukha niya habang pinagmamasdan ako.  Napasigaw si Althea nang malakas sa malabis na pagkatakot sa kanyang nasaksihang pagbabago sa akin. Natatakot sa akin ang pinakamamahal kong si Althea..." mahinang paglalahad ni Xander. 
          "Tama ka Xander may iba ka pang dapat malaman tungkol sa tunay mong pagkatao.  Hindi ko ito sinabi sa 'yo dati, sa pag-aasang hahayaan ka ni Althea na mahalikan mo siya, nang sa gano'n ay makuha mo na kaagad ang kung ano mang dagdag na kapangyarihang nararapat mapasaiyo.  Ang gusto ko sanang mangyari, maranasan mong mahalikan si Althea nang walang ibang iniisip o kadahilanan kundi ang nararamdaman niyong pagmamahal para sa isa't isa.  Subalit dahil sa natuklasan mo na ang tungkol sa paglabas ng iyong mga pangil, siguro napapanahon na para ipagtapat ko na sa iyo ang lahat ng dapat mong malaman Xander.   Ayon sa kwento ng ina mong si Aryanna at maging ng iyong amang si Henry,  sa pagsapit ng iyong ika-dalawampo't isang kaarawan, kapag nakaramdam ka nang pagnanasang halikan ang babaeng iyong minamahal, hindi mo mapipigilang lumabas ang iyong mga pangil.  Subalit sa mga panahon ding ito ay maari mo nang makamtan ang kabuuan ng iyong taglay na kapangyarihan.  At ito ay sa pamamagitan ng halik ng iyong kakambal na pag-ibig.  Ang pag-ibig na ito ay nasa puso mo na Xandro, hindi ka pa man inilalabas sa sinapupunan ng iyong inang si Aryanna.  Kapag nahalikan ka na ng babaeng iyong minamahal at nakamtan mo na ang kabuuan ng iyong kapangyarihan,  lalabas muli ang iyong mga pangil kapag nakaramdam ka ng pagnanasang halikan siyang muli o di kaya'y makaramdam ka ng pagnanasang mapasa iyo ang kabuuan ng iyong kapangyarihan sa mga pagkakataong kinakailangan mong ipagtanggol ang sangkatauhan laban sa higit pang mas makapangyarihang mga nilalang gaya ng mga aswang, manananggal at maging ng mga aliens na gustong sakupin ang ating mundo.  At dahil sa panibagong lakas at kapangyarihang ito ang paglabas ng iyong mga pangil ay magiging panandalian na lamang.   Pagkatapos nitong lumabas ay kusa rin itong maglalaho para maipagpatuloy mo na kung ano man ang gusto mong gawin sa hinaharap.  Kaya dapat kang makahanap agad ng paraan para kusa kang halikan ni Althea.  Sana tama ako sa aking nararamdaman na ang babaeng si Althea na nga ang iyong kakambal na pag-ibig," mahabang pagsisiwalat ni Eric.
             "Tungkol sa bagay na 'yan, kung may kakambal nga akong pag-ibig.  Nakasisiguro akong si Althea  na nga ito dahil wala akong ibang minamahal mula sa umpisa hanggang ngayon kundi si Althea lamang," mabilis na sagot ni Xander.
             "Mabuti kung ganon Xander.  Ang mabuti pa'y iwanan na muna kita rito at nang makapagpahinga ka na.  Huwag kang masyadong mag-alala at tiyak makakahanap at makakahanap ka rin ng paraan para muli kayong magkaayos ni Althea," paniniguro ni Eric kay Xander. 
             Matapos lumabas ni Eric, nanatiling tahimik at nakadungaw sa may bintana si Xander.  Naalala pa rin niya ang malabis na pagkatakot sa kanya ni Althea sa muli nilang pagkikita.  Matanggap pa kaya akong muli ng pinakamamahal ko?  Makaya pa kaya niya akong mahalin sa kabila ng kanyang nasaksihang paglabas ng mga pangil ko?" 
                                               
                                                  XVI
   
              Mula sa pagkakatayo ni Xander sa may bintana, sumigaw siya ng marahan ng, "Xander!" muling lumitaw ang kanyang mga balbas at umiksi ang kanyang buhok.  Marahan siyang lumakad palapit sa kanyang kama.   Naupo siya sandali sa gilid ng kanyang Salem Bed.  Gabi na kaya nagpasyang mahiga na muna si Xander. Ano nga kaya ang gagawin ko para matanggap ni Althea ang totoo kong pagkatao.  Ano kayang paraan ang gagawin ko para mahalin niya lang akong muli.  Isip nang isip si Xandro pero wala talaga siyang maisip na paraan.  Nakatingin siya sa kisami habang nag-iisip nang nag-iisip.  Nanatili siyang nakahiga habang pilit na iniisip kong paano niya muling mapapaamo si Althea...   
            Habang lumilipad ay patuloy pa ring iniisip ni Xander kung paano niya muling mapapaibig si Althea sa kanya.  Maya-maya lang ay nakita na ni Xander ang tirahan ni Althea.  Nanatili siyang nakalutang sa ibabaw ng bubungan ng dalawang palapag na bahay ni Althea na gawa sa kahoy.  Lumipad si Xander malapit sa isang bintana sa ikalawang palapag ng bahay ni Althea.  Habang nakatayong nakalutang, nakita ni Xander na nakaupo si Althea at nanunuod ng Tv.  Pinagmasdan niya ito habang seryosong nanonood ng paborito niyang teleserye.  Ang ganda-ganda talaga ng mahal ko kaya lang baka pag tinawag ko ito'y matakot na naman sa akin.  Nag-aalangan si Xander na magpakita kay Althea.  Biglang lumingon si Althea at nakitang nakalutang na nakatayo si Xander sa labas ng kanyang malaking bintana.  Tumayo agad ito at linapitan ang bintana.  Agad nitong sinimangutan si Xander at  agad na hinatak ang bintang gawa sa capiz para pagsarhan si Xander.  
            "Mahal buti naman at mukhang hindi ka na natatakot sa akin kasi nakukuha mo na akong simangutan.  Galit ka pa rin ba ha?" tanong nito kay Althea.
            "Ano bang ginagawa mo riyan ha, akala mo siguro matatakot pa ako sa 'yo."
            "Pwede ba kitang makausap sandali ha Althea?"
            "Ano naman ang pag-uusapan natin?" tanong agad nito. "Siguro naubusan ka na ng toothpaste kaya andito ka para manghingi, gusto mo sigurong lalong paputiin iyang mga pangil mo no," pang-aasar nito kay Xander.
             "Naku talagang hindi ka na nga natatakot sa akin, at nakukuha mo pa nga akong asarin nang ganyan," natutuwang puna ni Xander.
             "Umuwi ka na nga sa inyo at matutulog na ako."
              "Patawarin mo na naman ako, gusto mo haranahin kita para mapatawad mo lang ako ha?"
              Hindi sumagot si Althea at sinimangutan lang ito.
              Kaya mula sa labas ng bintana ay umawit naman agad si Xander.  Kumanta siya nang kumanta dahil alam niyang gustong-gusto nang mga babae kapag kumakanta siya.  Magaling kasi talaga siyang kumanta.
               Aba ang galing pa lang kumanta ng vampirang ito ah.  Naiinis si Althea dahil nakikita niyang nakangiti sa kanya si Xander habang hinaharana siya.  Subalit hindi siya nagpahalata kaya kinuha niya ang lata ng Pringles at ibinato ito kay Xander.  Ibinato ito ni Althea nang malakas subalit agad naman itong sinalo ni Xander at nginitian lang uli nito si Althea.  Agad namang binuksan ni Xander ang Pringles at kinain ang laman nito na parang nang-iingit kay Althea.  "Ang sarap pala nito ano, salamat ha sabi ko na nga ba mahal mo pa rin ako kahit may mga pangil ako," nakangiting biro ni Xander habang patuloy na kinakain ang Pringles.
             Kinuha naman ni Althea ang isang bote ng Stik-O at ibinato ito nang malakas kay Xander.  Subalit ganon din ang ginawa ni Xander kinain lang niya ang laman nito at lalong ininggit si Althea.
             Lalong nainis si Althea dahil guapong-guapo siya kay Xander habang patuloy na nginunguya ang kanyang ibinatong Stik-O.  Kaya tumalikod siya bigla at kinuha ang kanyang maliit na Tv.  Binuhat niya ito at bumalik sa may bintana.  Agad niyang ibinato nang malakas ang maliit na Tv kay Xander.  Sapol, tinamaan 
ito sa katawan.  Kaya nagkunwaring nasaktan si Xander.  Nagpatihulog agad sa lupa si Xander.  Nang mapansin ito ni Althea ay agad itong sumilip sa may bintana, dumungaw siya sa labas at nakita niyang napaupo si Xander sa lupa.  Nang mapansin ni Xander si Althea, muli siyang nagkunwaring medyo namimilipit sa sakit dahil sa pagkakatama ng Tv sa katawan niya.  Agad nitong nginitian si Althea.  "Nag-aalala ka sa 'kin no, sabi ko na nga ba love mo pa rin ako."
             "Loko sinilip lang kita para buhusan ka nito.  Agad inilabas ni Althea ang Holy Water at ibinuhos kay Xander sabay sabing, "Tingnan ko kung hindi ka pa rin matuluyan nito!"
              Subalit pinagtawanan lang siya ni Xander.  "Hindi ako tinatablan niyan nagsisimba rin ako 'no.  Gusto mo samahan pa kitang magsimba at date tayo pagkatapos.  Saan mo ba gustong magpunta ha?"
              Tumawa lang din si Althea.  "Talaga hindi ka tinatablan ng Holy Water, mabuti na lang at nagbaon din ako nito." sabay buhos ng Datu Puti suka kay Xander.
               "Aray ko!  Ang hapdi ng mga mata ko, ikaw talagang babae ka kung hindi lang talaga kita mahal malilintikan ka talaga sa 'kin!"  
               "Ano kakagatin mo ako... d'yan ka na nga!" sabay talikod kay Xander.
               "Sandali lang mahal, may lumpia ka ba riyan ha?" nakangising tanong ni Xander kay Althea.
               "Baket mo tinatanong kong may lumpia ako, okey ka lang?"
              "Binuhusan at binigyan mo na kasi ako ng sawsawan, lumpia na lang ang kulang," pabirong sagot ni Xander kay Althea.
               "Sira ulo!"
                "Saka dagdagan mo na rin ng ketchup para lalong sumarap," biro muli ni Xander.
                "Vampira umalis ka rito sinabi!" sigaw nang naiinis na si Althea habang muling pumapasok sa loob ng kanyang bahay.

               Umakyat muli sa ikalawang palapag ng kanyang bahay si Althea nang bigla siyang may maalala.  Paglingon ni Althea sa may bintana ay muli niyang nakitang nakalutang sa labas nito si Xander.
              "Mahal suli ko na sa 'yo tong Pringles at Stik-o mo, sayang naman marami pang laman," biro uli ni Xander.
              "Iyo na 'yan, marami pa ako niyan, ubusin mong lahat, magka-cavities ka sana!"
              Sa halip ay nginitian lang ni Xander si Althea at ipinakita ang kanyang nagpuputian at nagkikintabang mga ngipin.
              "Pa-cute nang pa-cute akala mo kung sinong guapo..." mahinang bulong ni Althea.
              "Anong sabi mo mahal, guapo ako ha?" sabay kindat nito kay Althea.
              "Hindi, ang sabi ko umalis ka na gago!"                     
             . Lumipad papasok ng bahay ni Althea si Xander buhat-buhat ang sinalo niyang  Tv kanina.  "Isusuli ko na itong mamahaling Tv mo sayang naman ang ganda-ganda pa naman nito.   Babalik na lang uli ako pag hindi na mainit ang ulo mo mahal," nakangising paalam ni Xander habang lumilipad papalabas ng bintana.  Pero hindi talaga siya umalis kundi nanatiling nakalutang lang sa itaas ng bubungan ni Althea.

                                                  XVII


              Maya-maya ay biglang napasigaw si Althea nang pagkalakas-lakas.  "Lumilindol!  Lumilindol!  Hindi na ako makatayo, tulungan mo ako Xander!"  Biglang lumipad papasok ng bintana si Xander at agad na kinarga si Althea at mabilis na inilipad palabas ng nakabukas na bintana.  Yumakap nang yumakap si Althea kay Xander habang inililipad siya nito papalayo sa kaniyang bahay.  Palihim na tumatawa si Xander habang patuloy siyang yinayakap ni Althea.  Ang hindi alam ni Althea sadyang yinugyog nang malakas ni  Xander ang kanyang bahay na gawa sa kahoy para  
akalain ni Althea na lumilindol.  Yakap pa rin nang yakap si Althea kay Xander.  "Mahal tahan na andito na ako, ligtas ka na..." 
            "Buti na lang dumating ka, halos hindi na ako makatayo kanina, akala ko mababagsakan na ako ng bubungan."
            Muling yinakap ni Althea si Xander.  Kaya yinakap na rin ni  Xander si Althea. Unti-unting nahimasmasan na si Althea. Nakatingin ito sa mga mata ni Xander.  Tiningan din ito ni Alexander sa mga mata at nginitian.  "Kung ipasyal na lang kaya muna kita Althea.  Gusto mo bang lumipad kasama ako?" mahinang tanong ni Xander kay Althea.  Hindi sumagot si Althea kaya ipinagpatuloy pa ni Xander ang kanilang paglipad.  Nararamdaman na ni Althea ang malamig na simoy ng hangin mula sa kinalalagyan nila ni Xander.  Maliwanag ang buwan,  pinagmasdan ni Althea ang buong ka-Maynilaan.  "Ang ganda pala dito sa taas Xander, nakatutuwang pagmasdan ang hilera ng mga naglalakihang mga gusali ng Maynila.  Maging ang mahaba at nakakainis na traffic ay nakatutuwang pagmasdan mula dito sa itaas.  Sabay-sabay na tumigitigil ang maraming sasakyan sa bawat eskinita  at sabay-sabay ring nagtatawiran ang napakalaking grupo ng mga tao," puna ni Althea.
           "Maganda talagang panuurin ang buong Maynila mula dito sa himpapawid, kaya nga naisip kong ipasyal kita rito," sagot naman agad ni Xander.  Nakatayong nakalipad sina Xander at Althea habang linilibot nila ang bawat maisipan nilang puntahan.  Maya-maya ay nakita ni Althea ang isang malaking karnabal.  "Pwede bang ilipad mo ako malapit sa napakaganda at napakaliwanag na karnabal na 'yon?"  tanong ni Althea kay Xander.
            "Gusto mo ba roon, halika yumakap kang mabuti at ililipad kita ng mabilis papunta roon," sagot naman agad ni Xander.
            Naramdaman agad ni Althea ang lakas ng hampas ng hangin sa kanyang maganda at medyo mahabang buhok.  Nang marating nila ang malaking karnabal, tumigil sila at pinagmasdan ni Althea ang isang Ferris Wheel.  Pinagmasdan niya itong mabuti.  Napansin ni Xander na gustong-gustong panoorin ni Althea ang paulit-ulit na pag-ikot nito.   "Mukhang gustong-gusto mo talagang panoorin ang Ferris Wheel Althea," puna ni Xander habang tinititigan si Althea sa tabi niya.
              "Oo gustong-gusto ko talaga nito mula pa noong bata pa ako," mahinang sagot ni Althea.  "Palagi akong dinadala rito ng mga magulang ko, mahilig rin kasi si Daddy sa karnabal.  Kaya sa tuwing maiisipan niyang pumunta rito ay isinasama niya kami ni mommy."
               "Ganon ba."
               "Tinuturuan ako ni daddy noong sumakay sa lahat ng mga rides dito," pagtatapat ni Althea.  "Subalit ang pinakapaborito niyang sakyan ay itong Ferris Wheel.  Pag-sumasakay kami dito dati takot na takot talaga ako at pilit kong ipinipikit ang aking mga mata.  Lalo na pag nasa pinakamataas na bahagi na kami ng Ferris Wheel.  Tapos ay bigla akong kikilitiin ni papa sa aking tagiliran para mapilitan akong buksan ang aking mga mata.  Tapos sasabihin niyang, 'Buksan mo ang iyong mga mata Althea, huwag kang matakot dapat maging matapang ka at harapin mo ang lahat ng mga hamon sa buhay.'  At pag-nagawa ko nang idilat ang aking mga mata'y sasabihin naman niyang, 'Alam mo anak ang buhay ay parang isang malaking Ferris Wheel lang, minsan nasa pinakamataas na antas ka at minsan nama'y nasa pinakamababa.  Subalit kahit nasaang antas ka man nabibilang, tandaang mong may kaakibat itong malaking responsabilidad sa sarili mo at maging sa iyong kapwa.  Dapat matuto kang tanggapin at gampanan ito ng buong puso at kaluluwa.'  Tapos ay marahan niya akong yayakapin at hahalikan sa aking ulo.  Samantalang si mama naman ay masayang pinapanood lang kami sa baba habang kumakain ng cotton candy.  Mahilig kasi talaga siya dito.  Naging napakasaya talaga ng kabataan ko Xander, hanggang sa dumating ang malagin na araw na 'yon ng sabay na pumanaw ang aking mga magulang dahil sa hindi maipaliwang na aksidente, nabangga ang menamanehong sasakyan ni papa at ni mama at sabay silang namatay, nakita na lang silang magkayakap ng mga sumaklolong  pulis."

                                                 XVIII

              Napansin ni Xander na may luhang nangingilid sa mga mata ni Althea kaya niyakap niya itong muli.
              "Alam mo Althea mabuti ka pa nga dahil nakita mo at nakasama mo ang iyong mga magulang.  Samantalang ako wala na akong matandaan na kahit ano tungkol sa kanilang dalawa.  Namulat akong kapwa wala na sila sa aking piling.  Pero ganon pa man, hindi naman ako pinabayaan ng Diyos dahil ibinigay naman niya sa akin ang mahal na mahal at napakabait kong tito, si Tito Eric.  Natatandaan mo pa naman siguro nang una tayong magkita, nagkahiwalay kaming dalawa nang papunta na kaming Maynila.  Kaya napilitan akong mamuhay nang mag-isa sa buhay.  Subalit dahil sa baon-baon ko ang pagmamahal at lahat ng mga pangaral ng Tito Eric ko ay nagawa kong itaguyod ang aking sarili.  Bilin sa akin noon na "Anak dapat lumaban ka sa buhay, mangarap ka, magsikap ka para makamtam mo ang iyong inaasam na tagumpay.  Tandaan mo ang lahat ng pag- tatagumpay ay nagsisimula sa isang pangarap. Abutin mo ang iyong pangarap na wala kang inaapakan, kahit sino. Dapat maging patas ka at marespeto sa iyong kapwa.'  Maya-maya ay napansin naman ni Althea ang isang naglalayag na cruise ship mula sa malayo.  Napansin  ito ni Xander kaya agad niyang inilipad papuntang karagatan si Althea.  Habang lumilipad patungo sa karagatan ay lalong lumakas ang simoy ng hangin.  Maliwanag pa  rin ang gabi dahil sa malaking buwan.  Pagkarating nila sa dagat ay agad na tumigil sa paglipad si Xander sa itaas ng cruise ship.  Nakita nila ang napakaraming pasaherong masayang nagkwekwentuhan, kumakain  at umiinom ng kung anu-ano.  Napakagandang pagmasdan nito na napapalibutan ng maraming maliliit na mga ilaw.  Matagal pinagmasdan nina Xander at Althea ang napakagandang cruise ship.  Ilang sandali lang ay nakarinig sila ng isang malumanay na musika mula rito.  Isang musikang kadalasang isinasayaw ng mga mga mag-sing-irog.  Napansin ni Xander na nakangiting pinagmamasdan ni Althea ang mga binata at kadalagahang sumasayaw sa loob ng barko.  Kaya mula sa himpapawid ay pabulong na tinanong ni Xander si Althea ng, "Gusto mo bang sumayaw Althea?"  Tumango lang si Althea at nginitian si Xander.  Lalong lumamig ang simoy ng hangin kaya muling yinakap ni Xander si Althea at dahan-dahan niya itong isinayaw.  Sinabayan ni Xander ang malumanay na tunog ng musika na nagmumula sa barko.  Dahan-dahan siyang gumagalaw at iniikot-ikot ng marahan si Althea.  Hawak-hawak ni Xander si Althea sa kanyang balingkinitang beywang samantalang nakatingala naman kay Xander si Althea habang nakahawak ang dalawang mga kamay nito sa likod ng leeg ni Xander.  Patuloy na tumutogtog ang napaka-romantikong musika.  Tiningnang mabuti ni Xander ang mga mata ni Althea habang patuloy niya itong isinasayaw sa himapapawid.  Lalong napapayakap si Althea kay Xander sa tuwing mararamdaman niya ang lamig ng simoy ng hangin sa gitna ng maliwanag na gabi.  Napakasaya nilang dalawa sa piling ng isa't isa.  Nababasa ni Xander sa mga mata ni Althea kung gaano siya kamahal nito.  "May aaminin sana ako sa iyo Althea..." marahang nitong bulong sa magandang kasayaw.
              "Ha... ano ba 'yon Xander?" mahinang tanong ni Althea.
              "Kanina sa bahay mo... ang totoo niyu-"
               "Niyugyog mo ang bahay ko para magkalindol at matakot ako, para humingi ako ng tulong sa 'yo..." nakangiting sagot ni Althea.
              "Ha..."
               "Alam kong ginawa mo 'yon, kaya nagkunwari na rin akong natatakot para sagipin mo ako.  Ang totoo kinakantahan mo lang ako kanina ay nawala na agad ang takot ko sa 'yo, naisip ko na mahal na mahal ako ng taong ito at hindi ako kailan man makukuhang saktan nito.  Mahal na mahal pa rin kita Xander," mahinang pagtatapat nito sa binata.
             Nangiti si Xander sa mga narinig niya mula kay Althea.  Kaya tiningnan niya ito sa mga mata. Tinitigan niya ito nang matagal na matagal.  Gandang-ganda talaga si Xander  sa babaeng kasayaw niya sa himpapawid.  Naamoy ni Xander ang mabangong perfume ni Althea.  Lalo niyang inilapit ang sarili dito.  Napakabango at napakaganda talaga ni Althea.  Hindi na nagdalawang-isip si Xander na tanungin si Althea nang, "Maari ba kitang mahalikan Althea?" pabulong na tanong nito kay Althea.
            Hindi sumagot si Althea bagkos ay tumingala lang ito at nginitian si Xander.  Inilapit pa ni Xander ang kanyang labi sa mapupulang labi ni Althea.  Naamoy ni Xander ang mabangong hininga ni Althea.  Pinagmamasdang mabuti ni Xander ang magandang mukha nito.  Inilapit nang tuluyan ni Xander ang kanyang mga labi para halikan na si Althea.  Niyakap pang muli ni Xander si Althea.  Halos magkadikit na ang kanilang mga labi nang...may kumalabog, may nahulog, idinilat ni Xander ang kanyang mga mata.  Panaginip lang pala lahat.  Kunting-kunti na lang sana mahahalikan ko na si Althea.  Sayang naman. Tumayo si Xander mula sa kanyang pagkakahulog sa sahig at linapitan ang isang malaking salamin.  Tiningnan niya ang kanyang sarili mula ulo hanggang paa.  Napaisip siya nang mabuti.  Tama, kagaya rin ako ng ibang mga ordinaryong tao, nagsisimba, naniniwala at nanalangin sa Diyos nagkataon nga lang na nagkakaroon ako ng mga pangil.    Marunong din akong umibig gaya ng iba.  Marahil darating din ang araw na matatanggap rin ni Althea ang totoo kong pagkatao. Mahal na mahal ko si Althea at hindi ko hahayaang mawalay siya sa aking piling.  Alam kong mahal rin ako ni Althea, kailangan ko lang sigurong bigyan siya nang sapat na panahon para mapag-isipan at maunawaan ang lahat.
               
                                                       XIX

             Hindi makita ng mga rumesponding mga pulis ang loob ng malaking bus dahil natatakpan lahat ng mga bintana ng mga maliliit na kurtina.  Marami na ring mga taong nag-uusyoso sa palibot ng malaking bus.  Napapalibutan na rin ito nang napakaraming mga pulis. "Pare mag-usap tayo, sabihin mo sa amin kung ano ang gusto mong mangyari, ano ba ang dahilan at naisipan mong kidnapin ang mga batang estudyanteng 'yan, magsalita ka!" pasigaw na tanong ng negotiator ng nangyayaring hostage-taking. "Magsalita ka makikinig kami sa 'yo, sabihin mo sa amin kung ano ang gusto mo baka sakaling matulungan ka namin kung ano man ang problema mo!"
             Dumarami pa nang dumarami ang mga nag-uusyosong mga tao sa palibot ng bus.  "Hoy ano ba ang kukulit niyo, hindi 'to shooting , tumabi nga kayo riyan at nakakagulo lang kayo!" galit na sigaw ng negotiator sa mga matitigas ang ulong mga usyosero at usyosera.  Nagtakbuhan naman agad ang mga ito papalayo sa sobrang lakas ng sigaw ng bidang negotiator.   Patuloy lang sa pakikinig ang mga tao sa nangyayaring negosasyon.  Pero hindi pa rin sumasagot ang nag-iisang hostage-taker.
            "Pare ano ba magsalita ka naman, maawa ka naman sa mga batang iyan, pare magulang ka rin naman siguro, isipin mo naman ang nararamdaman ng mga magulang ng mga batang iyan tiyak alalang-alala na ang mga iyon para sa kaligtasan ng kanilang mga anak," sigaw uli ng sikat na negotiator.
            Biglang may nahulog na papel sa labas ng malaking bus.  Nakita agad ito ng mga usyosero at usyosera, nauna pa silang makita ito dahil masyadong abala ang mga pulis sa pagsaway sa kanila.
             "Boss chief, may inihulog ng papel ang hostage-taker baka trip mong basahin na ito nang malaman naman agad namin ang buong scope!" pasigaw na pambubuska ng isa sa mga kumaripas ng takbong usyoserong naka-adidas na sapatos kaninang-kanina lang.
           Namula sa kahihiyan ang bidang negotiator.  "Kayo naman tuma-timing lang eh kung barilin agad kami niyan, kawawa naman ang mga maiiwan naming mga mahal sa buhay!" palusot ng sikat na negotiator na bagong ahit ng Gillette. 
             "Oh sigi bibigyan namin kayo ng dalawang oras para makuha lang ang in-demand na love letter ng iyong syota!" malakas na pambubuska ng isa pang usyoserong naka-Hanes T-shirt.
              Sa kahihiyan agad inutusan ng namumulang negotiator ang isang pulis para kunin na agad ang maliit na papel.  Ginandahan naman agad ng pulis ang kanyang pagtakbo, dyahe kasi maraming chicks na nanunuod mabuti na lang hindi niya nakalimutang mag-Gatsby gel bago siya umalis ng bahay kanina, dapat poging-pogi ang dating. Matapos niyang magpa-pogi sa mga chicks, nakuha na niya agad sa wakas ang mahiwagang papel na kanina pa inihulog ng hostage-taker.   At agad na tumakbo papunta sa negotiator para agad na itong mabasa.  Palakpakan naman agad ang mga usyosero at usyosera na karamihan ay umiinom ng Coke tuwing Lunch Break. Ngiti naman agad nang ngiti ang biglang sikat na pulis.  Agad na kinuha ng negotiator na mahilig sa Mang Inasal Lechon Manok ang mahiwang papel mula sa kamay ng magiting na pulis na mahilig naman sa Magnolia Ice cream.  Pagkakuha na pagkakuha sa papel ay agad itong binasa ng mga negotiator.  Tumahimik lahat ng mga usyosero at usyosera, maging ang ilang naka-islander na tsinelas lang ay tumahimik din.  Nananabik na malaman kung ano ang mga nakasulat sa papel mula sa hostage-taker. Ilang sandali lang ay nainip na ang isang usyoserong naka-Jag jeans at Bench T-shirt.  "Pare naman baka gusto mo ako na lang magbasa niyan, bilisan mo nang basahin 'yan at may appointment pa ako sa SM, saka dadalhin ko pa ang mag-ina ko sa OceanWorld," pambubuskang muli ng makulit na usyoserong naka-Levis jeans.  Naghalakhakan naman agad ang lahat ng kanina'y nanahimik na sanang mga usyosero at usyosera na karamihan ay may relong Seiko.
             Iniiangat naman agad ng negotiator ang kanyang dala-dalang megaphone para muling kausapin ang hostage-taker na mahilig din sa Mang Inasal Lechon Manok.
         "Pare naman ano ba naman tong mga nakasulat dito ba't poro pagkain ang mga nakasulat dito saka ang dami-dami kaya mo bang ubusin lahat to?  Anong akala mo sa amin Fastfood chain? May hamburger, fried chicken, pancit canton, lumpia, spaghetti, cake, softdrinks, mango shake, french fries, chocolate, lollypop, candy, bubble gum, halo-halo, baraha, lastiko at mayroon pang gagamba ano ba ito pare naglolokohan ba tayo, ha!" galit na sigaw ng bidang negotiator habang ngumunguya ng Chicklet bubble gum, gamit-gamit pa man din ang kanyang bagong-bagong megaphone.
          "Oy Boss Chief, baka gusto mong basahin na muna ang nakasulat sa likod ng papel, bago ka magtatalak diyan!" pambubuskang muli ng sobrang kulit na usyosero habang patuloy na binubuksan ang dala niyang Jack 'N Jill Pretzel.  Halakhakan naman agad ang lalo pang dumaraming mga usyosero at usyosera na karamihan ay gumagamit ng Tide tuwing naglalaba sila ng kanilang mga damit.
           "Practice lang 'yon, ano ba naman kayo!" palusot naman uli ng sikat na negotiator na biglang napahingi ng Nature Spring Mineral Water sa kahihiyan.  Binaligtad naman agad nito ang papel para mabasa ang nakasulat dito.
            "Pare lakasan mo uli ang pagbasa baka may maitulong kami, 
may dala akong gagamba dito sa bulsa ko!" hirit pa ng isa pang usyosero habang sinasalat ang kanyang Seiko Wallet sa likuran sa takot nitong ma-pickpocket.
             "Ako naman may lastiko ako dito, kung gusto mo ipapahiram ko sa 'yo!" singit ng pinakabatang usyosero ng grupo na  naka-Gibi Shoes at Penshoppe na T-shirt.  Halakhakan muli ang mga ito.
            "Isang hirit niyo pa riyan, makakatikim na talaga kayo!" galit na pagbabanta ng negotiator habang pinagmamasdan ang katabi niyang umiinom ng Sprite.
            "Ano ang ipapatikim mo sa amin halo-halo?  Sana Chowking para siguradong Masarap!"
            Hindi na pinansin ng negotiator ang hirit nang huli.  Binasa na niya agad ang nakasulat na mensahe ng hostage taker sa likuran ng papel. ' Pare hindi alam ng mga bata na hino-hostage ko sila, akala nila may party at may shooting kaya huwag kang masyadong magpahalata riyan, bilhin niyo na lang agad ang lahat ng mga hinihingi ng mga batang ito kung hindi malalagot ang mga batang ito sa akin, maliwanag!" 

                                                      XX

            "Bilis kunin niyo na itong listahan nang mga gustong ipabili ng hostage-taker at magtagawag agad kayo ng maraming taga-media pag-mumukhain nating may shooting sa lugar na ito, bilisan n'yo hangga't hindi pa nalalaman ng mga bata na hino-hostage sila!" seryosong utos ng nag-aalalang negotiator na naka-Burlington Socks.  Agad namang umalis ang dalawang pulis na parehong naka RayBan at nag-Gatsby Wax para hanapin at bilhin lahat nang gusto ng hostage-taker.  Ang ibang natirang mga pulis  naman na mahilig sa Hershey's Chocolate ay agad na nagtawag ng mga taga-media sa kani-kanilang Samsung cellphone.  Tumahimik ang lahat ng mga usyosero at usyosera na uminom ng Bear Brand Milk kaninang umaga, pinapanood ng mabuti kung ano na ang gagawin ngayon ng mga magigiting na pulis na mahilig mag-UFC Ketchup tuwing tanghalian.
             Ang hindi alam ng lahat ang hostage-taker na ito ay wala talagang balak na makipag-areglo, ang gusto lang nito ay makaharap at mapatay  ang mayor na nang-agaw sa kanyang asawang mahilig naman sa Royal True Orange.  Iniwanan siya noon ng kanyang asawa dahil sumama ito sa mayamang mayor na kayang ibigay ng luho nito sa katawan.  Binigyan nga siya nito ng bagong-bagong sasakyang Toyota at Camella CondoHomes. Mukhang-pera ang asawa nito at nagawa nitong iwanan ang kanyang asawa at nag-iisang babaeng anak na gustong-gusto kainin ang Oishi tuwing snacks sa school nito.  Matagal nang hindi umuuwi sa kanilang bahay malapit sa LBC ang masamang babaeng ito at tuluyan nang nagpakaligaya at humiga sa pera kasama ng napakayamang mayor na mahilig sa itim na Pajero.  Naging malungkutin mula noon ang hostage-taker na ito.  Tumigil na ito sa pagtratrabaho, hindi na rin ito nakikipag-usap sa kahit kaninong tao.  Maski ang pamilya niya ay hindi niya na rin kinakausap pa.  Palagi na lang itong nagkukulong sa kanilang bahay at paminsan-minsan ay umiiyak at hinahanap ang kanyang pinakamamahal na asawa na kasalukuyang kumakain ng Selecta Ice Cream.  Pati ang anak niyang batang babae ay napabayaan niya na rin, hindi na niya ito masyadong nadadala sa Jollibee gaya ng dati.  Ang batang ito ang nagtratrabaho sa kalsada sa tapat ng Mercury Drug para may makain sila.  Isang araw umuwing walang dalang kahit ano ang bata, kaya pareho silang walang makain na dalawa sa araw na iyon.  Gutom na gutom ang bata dahil pareho nga silang walang pera ng kanyang ama.  Kaya ipinagtanong-tanong ng bata na naka-Islander na tsinelas sa kanilang mga kapitbahay  kung saan naroroon ang kanyang ina.  Manghihingi sana ito ng pambili ng makakain ng kaniyang malungkuting ama.  Kaya matapos maituro ng isang nagmamalasakit na kapitbahay na may pinamiling gatas ng Nido, Cheez Whiz at Oreo, ang kasalukuyang tinitirhan ng kanyang ina ay dali-dali itong sumakay ng jeep at nagpunta roon para mag-makaawa sa ina.  Napag-alaman ng hostage-taker na pupunta sa bahay ng mayor ang kanyang anak, nag-alala ito bigla para sa kanyang anak kaya sumunod agad ito at sumakay din ng jeep.  Pagkarating ng hostage-taker sa malaking bahay ng mayor na pininturahan gamit ang Boysen, nakita niyang pinagtatabuyan ng mayor ang kanyang anak papalabas  sa malaking gate nito.  Dinig na dinig niya ang pakiusap nito sa mayor.  
             "Gusto ko lang pong makita at makausap ang mama ko....matagal na siyang hindi umuuwi ng bahay.   Naging malulungkutin na ang tatay ko, kaya kung maari ay pabalikin n'yo na sa amin ang mama mo.  Gutom na gutom na rin kami ng tatay dahil wala na kaming perang pambili ng pagkain.  Maawa na po kayo palabasin niyo na ang mama ko..." mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ng batang babae.
              Subalit hindi hinayaan ng mayor na ito na makausap ng bata ang kanyang hinahanap na ina bagkos ay ipinagtulakan pa ito palabas.  Pinakawalan pa nito ang hawak-hawak nitong aso at ipinahabol ang batang babae.  Takot na takot ang bata sa laki ng itim na asong handa nang lapain siya.  Kaya mabilis itong tumakbo palabas ng nakabukas na gate patungong kalsada.  Sa isang iglap lang nabundol ito ng isang mabilis na nagdaraang malaking truck.  Tumilapon agad ang duguang batang babae sa harap pa man din ng kanyang ama.  Hindi tumigil ang nakabangga dito at agad na tumakas papalayo.   Nagimbal ang ama ng batang babae sa kanyang mga nasaksihan.  Hawak-hawak niya ang duguang batang babae habang nakahiga ito sa gilid ng kalsada.   Pinagmamasdan siya nitong mabuti at nagsabing,  "Mahal na mahal kita papa, nagugutom  ako... pagod na pagod na ako papa... inaantok na ako matutulog na muna ako ha papa..."  Namatay ang duguang batang babae sa bisig ng kanyang humagolgol na ama.  Nakita pa nitong pinagtatawanan siya ng mayor habang pinapanood sila at agad na pinagsarahan ng gate.  Niyakap nito nang mahigpit ang katawan ng walang buhay nitong anak.  Nagsisigaw siya nang nagsisigaw .  Ilang sandali lang ay tumatakbo na itong parang nasisiraan na ng bait.  Ikinulong siya sa isang mental hospital ng matagal.  At nang medyo gumaling na ito ay hindi na ito masyadong nababantayan sa nasabing mental hospital.  Kahit medyo gumagaling na siya ay sariwa pa rin sa mga alaala nito ang malagim na pagkamatay ng kanyang anak na batang babae.  Kaya nang minsang malingat ang nagbabantay sa kanya ay agad itong tumakas para isakatuparan ang kanyang balak na paghigantihan at patayin din sa sarili niyang mga kamay ang mapang-abusong mayor.  Napupuno siya nang poot at galit sa mayor na ito kaya naisip niyang mang-hostage para mapilitan itong harapin siya at nang sa gayon ay magkaroon siya ng pagkakataong isakatuparan ang plano niyang paghigantihan ito.  Papatayin niya ito agad-agad sa oras na magkaroon siya ng pagkakataon.  Wala siyang balak na makipag-negotiate sa mga negotiator.  Papatay lang talaga siya ng isang mapang-abusong mayor, iyon at iyon lang ang balak niyang gawin.
                                        XXI

          Patuloy pa rin sa pagdatingan ang mas marami pang usyosero na ang iba ay may bitbit na Rebisco Biscuits.  Maya-maya lang ay paisa-isang nagdatingan ang maraming mga taga-media na nag-safegard at Colgate kaninang umaga.  Dahan-dahan nilang isenet-up ang kani-kanilang mga Sony camera para makakuha agad ng pinakamagandang video coverage.  Nag-aagawan pa nga ang iba sa mas pinakamagandang anggulo ng malaking bus.  Halos sabay-sabay silang nag-ulat sa kani-kanilang mga Tv stations para maihatid ang lahat ng mga kaganapan sa nangyayaring hostage-taking.
          "Hoy sandali, anong pinagagawa niyo, shooting ang gusto ng hostage-taker hindi news coverage, mahiya nga kayo baka mamaya mapurnada pa itong operation namin tapos kami na naman ang titirahin niyo," galit na pahayag ng nag-aalalang negotiator na nakatayo malapit sa plastic na upuang Orocan.  "Mamaya na ang news coverage shooting muna tayo.  Sino bang gustong magpahiram sa amin ng Sony camera at nang maumpisahan na ang shooting, sinong gustong maging artista sa inyo taas ang kamay.  Biglang dami agad nang nagtaasan ng kani-kanilang mga kamay suot-suot ang kanilang Swatch na relo.  Agad na pumili ang negotiator ng tatlong magagandang babae na ang dalawa ay naka-Bench Perfume at tatlong makikisig na mga binata na gumagamit ng Master Facial Wash.  "Kayo-kayo nang gumawa nang mga script n'yo matatanda na kayo, kaya niyo na 'yan. Tandaan niyo nasa panganib ang mga bata nasa kamay natin ang kaligtasan ng mga ito."
           Medyo nag-alangan agad ang ibang mga napiling gaganap bilang mga artista. "Wala talagang script ha, sigi bahala na to, kahiyaan na eh," sabi pa ng isa na naka-Guess jeans at gumagamit ng Globe Tattoo tuwing mag-ko-computer sa labas at loob ng kanyang bahay.
           "Hoy anong ginagawa niyo riyan, medyo lumapit-lapit naman kayo sa bus nang mapanuod kayong mabuti nang mga bata," utos ng negotiator habang unti-unti na ring binubuksan ng mga bata  ang mga maliliit na kurtina na kanina pa nakatakip sa malaking bus. Kitang-kita sa mga mukha nito ang excitement na makita at mapanood ang ipinangakong shooting ng hostage-taker.
           Dinala naman agad ng isang pulis na galing KFC ang nahiram na Sony camera sa harapan malapit sa bus na sinasakyan ng mga bata, kumakaway-kaway pa ito sa mga tuwang-tuwang mga bata.  Agad din namang sumunod ang mga napiling mga gaganap sa shooting.  Hindi nila alam kong ano ang gagawin nila.  Basta nagpares-pares lang sila at umarteng nagliligawan.  Tatlong pares ng magkasintahang babae at lalaki ang napagkasunduan nilang gawin.  Umiyak agad ang isang magandang babae at nagsabing, 
              "Napasalawahan mo, sabi mo ako lang ang mahal mo tapos makikita kitang may ibang hinahalikang babae.  Iisang Hershey's lang ang ibinibigay mo sa akin palagi samantalang isang bag na puno ng Hershey's Chocolate ang ibinibigay mo kanya.  Tapos noong isang araw nagkita kami ng babae mo sa the Generic Pharmacy nagmayabang pa ito sa akin sabi ba naman 3 times a day mo daw siya kung halikan dahil  araw-araw siyang gumagamit ng Bench Cologne, samantalang ako isang beses isang linggo lang kung halikan mo, napakasama mo talaga, you're so unfair!"  
              "Patawarin mo na ako mahal hindi na talaga ako uulit,  hintayin mo lang ako sa bahay at magdadala ako ng Goldilocks cake at isang bag na puno ng Hershey's Chocolate pangako."  Pero hindi siya pinakinggan nito at nagpatuloy pa rin sa pag-iyak habang nag-iispray ng Bench Cologne.  Mukhang hindi nagustuhan ng mga bata ang eksena kaya nagalit ang negotiator.  Pangit naman ng kwento niyo, iyong pambata ang gawin niyo, iyong masaya!"  Kaya ang ginawa na lang agad nang mga kalalakihan ay agad nagkunwaring nagsusuntukan.  Naghabulan sila nang naghabulan at may isa pa ngang biglang natanggalan ng suot-suot na pantalon at biglang nadapa sa lupa.  Palakpakan agad ang mga bata sa nakita nila.  Kaya gumaya na rin ang mga kababaihan, nagkunwari agad silang pinagtatawanan ang lalaking natanggalan ng pantalon.  Umarte namang hiyang-hiya ito at agad na itinakip sa harap niya ang dalang sombrero.  Nagtawanan ulit ang mga bata.  Maya-maya lang ay nakita ng mga tao na sumesenyas na ang hostage-taker na itigil na ang kunwaring shooting dahil mukhang nakumbinsi na niya ang mga bata na may shooting nga sa lugar na iyon.  Agad namang nag-vow paharap sa mga bata ang napiling mga artista. Tapos ay isa-isang isinara ng mga ito ang mga maliliit na kurtina ng malaking bus.  Tumahimik agad ang mga tao sa palibot, naghihintay kung ano na ang mga susunod na mangyayar.  Muling nag-set-up ang mga media men para ipagpatuloy na ang kani-kanilang news coverage.  Ilang sandali lang ay dumating na rin ang maraming pagkain na hiningi ng hostage-taker para sa mga bata, maski ang lastiko, baraha at gagamba ay nadala rin nila.  Agad namang sumenyas ang hostage-taker mula sa pagkakasilip nito sa kurtina na ipasok na agad ang maraming pagkain para makapag-umpisa na ang kunwaring party ng mga bata.  Maingat na lumapit naman agad ang iilang pulis sa malaking bus dala-dala ang lahat ng mga pinamili nila.  Unti-unting nagbukas ang pintuan ng malaking bus.  Hindi matukoy nang mga pulis ngayon ang eksaktong kinaroroonan ng hostage-taker basta nakabukas lang nang bahagya ang pintuan nito.  Nakataas ang mga kamay ng ilang mga pulis sa likuran ng mga may dala ng mga pagkain.  Maingat nila itong ipinasok sa loob ng bus na hindi pumapasok sa loob nito.  Inaabot lang ng kanilang kamay ang kanilang mga pinamili sa loob.  Ingat na ingat sila na hindi magalit ang hostage-taker sa kanila sa takot na baka bigla itong magwala at pagbabarilin ang mga walang kamuwang-muwang na mga bata.  Matapos nilang maipasok ang lahat sa loob ay agad na nagsara ang pintuan ng bus.  Pagkasara na pagkasara ng pintuan ng bus ay agad napansin ng lahat na may nahulog na panibagong papel mula sa loob nito.  Agad namang bumalik ang isang papaalis na sanang pulis para kunin ang panibagong papel.  Pinulot niya agad ito at dinala sa negotiator.  Binasa niya agad ito.  'Magsisimula na kaming mag-party ng mga bata at habang nagpa-party kami gusto ko tawagin niyo si Mayor Donato  at sabihin niyong nanghihingi ako ng kunting perang pang-negosyo saka scholarship para sa anak kong batang babae, saka hihingin ko rin iyong maliit na lupang kinatitirikan ng maliit kong barong-barong na alam ng lahat ng pag-aari niya.  Magpa-party kami ng mga bata sa loob ng 30 minuto at gusto pagkatapos nito andito na ang idolo kong mayor dahil kung hindi pagbababarilin ko ang lahat ng mga batang ito.  Agad namang ipinatawag ng negotiator si Mayor Donato dahil nasa malapit lang naman ito sa pagkakaalam niya.  Nanahimik ang lahat, habang pinakikiramdaman ang nangyayaring kasayahan ng mga bata kasama ng nag-iisang hostage-taker.  Nagsimula na ring magdatingan ang mga nag-aalalang magulang ng mga batang hostage.  Marami sa kanila ang hindi mapigilan ang pag-iyak dahil sa sobrang pag-aalala para sa kaligtasan ng kani-kanilang mga anak.  
Ang iba nama'y medyo galit at naiinip na dahil wala pa ring nagagawa ang mga pulis para agad na makalaya ang kanilang mga mahal na anak.
              "Sir talaga bang darating pa iyong inutusan niyong mga pulis kasama si Mayor Donato, baka mamaya may nangyayari nang masama sa anak ko!" nag-aalalang tanong ng isang  ina habang kinakausap ang negotiator.
               "Huwag po kayong mag-alala m'am, ginagawa namin lahat ng makakaya naming gawin para siguraduhin ang kaligtasan ng inyong mga anak, saka siguradong babalik agad iyong mga inutusan kung pulis para sunduin si Mayor.  Saka nakausap ko na si Mayor kanina pa sa cellphone ko at nangakong pupunta agad rito para makatulong," sagot ng negotiator habang pilit na pinapahinahon ang lahat ng mga nag-aalang mga magulang.
             "Siguruhin mo lang na darating talaga ang mayor na iyan dahil pag may nangyaring masama sa anak ko mananagot kayong lahat sa akin!" pagbabanta ng isang galit na ama ng isa sa mga batang hinostage.
             "Opo sir relax lang po muna kayo, panigurado darating na si Mayor maya-maya lang, kaya maiwan ko na ho muna kayo sandali at pa-follow-up ko uli." sagot nito sabay talikod sa galit na galit na ama ng isang batang hinostage.

                                                    XXII

              "Mga bata andito na ang hinihingi niyong mga pagkain, simula na ng ipinangako kong party para sa inyo!" pag-uumpisa ng nag-iisang hostage-taker.
              "Yeheeey kainan na!"
              "Sino ba ang humingi sa inyo nitong mga Jollibee spaghetti?" tanong agad ng hostage-taker.
               "Ako po!" sagot ng batang nasa hulihan ng malaking bus.
               "Ako din po"
               "Ako din humingi rin po ako niyan!"  
               "Oo nga ano, humingi nga pala kayong lahat ng Jollibee fried chicken at spaghetti.  Hintay lang kayo diyan at bibigyan ko kayo lahat," nakatawang pahayag ng hostage-taker.
               "Wow sarap naman nito, ang lutong-lutong nitong Jollibee fried chicken ko!" sabi agad ng maliit na batang lalake na naka-Hanes T-shirt.  
               "Naku ito talaga ang gusto kong lasa ng spaghetti medyo matamis ng kunti, ang sarap-sarap!" sabi ng batang babae na may dala-dalang Hello Kitty Stuff toy at malapit sa hostage taker.
               "O ayan nabigyan ko na kayong lahat, masaya ba mga bata ha?" nakatawang tanong ng hostage-taker.
               "Salamat po talaga manong, ang bait-bait niyo naman saka ang yaman-yaman pa!' hirit ng isa pang bata  habang nginungya ang masarap na Jollibee fried chicken.
                "Oo talagang mayaman ako, kaya kain lang nang kain at pag kinulang pa kayo, magsabi lang kayo okey, marami pang mango shake dito." sagot naman agad nito habang panay ang sulyap sa kanyang suot-suot na relo.
                "May lakad po ba kayo manong ha at kanina pa kayo tingin ng tingin sa relo mo?" pansin ng isa pang bata.  
                "Hindi, bago kasi itong suot-suot kong relong Omega kaya natutuwa akong pagmasdan," mabilis nitong sagot.
                 "Siguro mamahalin iyan manong no?"
                  "Malamang mayaman kasi iyong nagbabantay sa akin dati, hiniram ko lang kasi ito sa kanya pero ibabalik ko naman agad tutal marami din naman akong mamahaling relo,"
                 "May nagbabantay po sa inyo manong?"
                 "Oo ganon talaga kaming mga mayayaman, maraming bodyguards."
                 "Siguro ang laki-laki ng bahay niyo ano?"
                 "Oo naman, sobrang laki, saka ang dami ng mga kwarto, lampas isang daan."
                  "Naku ang dami naman, kami nga isang kwarto lang sa bahay eh.  Siguro marami kayong nakatira doon no?"
                  "Oo maraming-marami kami roon, saka ang dami-dami ring empleyado, lampas 50 saka lahat unipormado, pati nga ako at ang mga kasama ko sa malaking bahay nakauniporme din." natatawang sagot ng hostage-taker.
                 "Ang galing naman pala... manong iyong gagamba ko nga 
pala asan na?"
                 "Ikaw ba 'yon, sandali kukunin ko," sagot ng hostage-taker habang binubuksan ang isang posporo.  "Itim ito ikaw ba ang humingi nito ha?
                 "Hindi manong ako humingi niyan?" sabat ng isa sa pinakadulo ng sasakyan.
                 "Iyong pulang gagamba po ang hiningi ko manong, mayron po ba diyan?"
                  "Sandali oo ito, ang pula ng gagambang ito, malamang matapang 'to."
                  "Talagang matapang iyan kaya lagot sa akin ang itim na gagamba mo pare!"
                   "Talaga lang ha, tingnan nga natin!" hirit naman agad ng isa pang bata.
                   "Mamaya na iyang gagamba-gagambang iyan, tuloy niyo na muna ang pagkain niyo.  Iyang mga halo-halo naman ang kainin niyo, masarap ang mga iyan may ice cream pa sa dulo," pahayag uli ng medyo naiinip ng hostage-taker. 
                "Ang lamig at ang sarap-sarap nitong Chowking halo-halo ito talaga ng binibili sa akin ng mama at papa ko tuwing lalabas kami," sabi ng batang naka-Converse Shoes.
               "Ang sarap talaga nitong Jollibee French Fries, pabibili ulit ako nito bukas sa mommy at daddy ko," sabi ng batang uminom ng gatas at nilagyan ng Milo kaninang umaga.
             "Wow naman may Chowking Lumpia at Pancit Canton pa talaga, paborito kaya naming lahat magkakapatid 'to lalo na ng Uncle kong pogi," dagdag pa ng batang panay kain ng Presto Ice Cream tuwing snacks sa school.
              "Sayang naman nakalimutan nating humingi ng Stik-o at Pringles 'di bale paborito ko rin naman itong Jollibee Hamburger, ang sarap talaga ng Jollibee Hamburger lalo na pag may kasabay na Coke," sabi ng isa pang bata na may bitbit na Sony PSP at may laruang Lego sa kanilang bahay na Camella.
               "Pag nagpa-party kami sa bahay parating bida ang Coke," dagdag ng isang batang nakasuot ng Swatch na relo.
                "Ha, maski naman sa amin bida rin ang Coke tuwing may party kami," hirit naman ng isa pang batang puno ng Fibisco Biscuits ang gamit na bag. 
                "Kayo talagang dalawa maski naman saang party bida talaga ang Coke, mag-aral nga kayong mabuti nang hindi kayo aanga-angang ganyan!" natatawang biro ng batang ang puputi ng mga ngipin dahil sa Colgate at may maraming Nestle Yogurt sa loob ng kanilang GE Refrigerator sa bahay.
           Tiningnan ng hostage-taker ang kanyang relong Omega.  Tapos ay tumalikod sandali at may isinulat sa isang maliit na papel. 
                     "Kain lang nang kain mga bata, marami pa dito!" pahayag ng balisa ng hostage-taker habang inihuhulog ang kanyang bitbit na panibagong papel.
                    "Manong asan na nga po pala iyong dating driver namin ha?" tanong ng isa pang bata na mahilig sa Oreo kasabay ng Bear Brand tuwing umaga at malapit sa hostage-taker.
                   "Nagkasakit kasi iyong isa niyang anak na babae kaya  pinakiusapan niya akong pumalit na muna sa kanya.  Saka pagaling na rin naman daw ang anak niya kasi nakabili na siya ng gamot sa Mercury Drug.  Gusto raw kasi niyang matuloy ang excursion niyo dahil mababait kayong mga bata," sagot naman agad ng naiinip ng hostage-taker at tuluyan nang inihulog ang panibago niyang mensahe palabas ng bus.

                                                  XXIII

                      "Sir may nahulog na namang papel mula sa loob ng malaking bus!" malakas na sigaw ng isa pang usyoserong may GE Electric Fan sa bahay.  "Kunin niyo na bilis baka liparin pa ng lumalakas na hangin dito sa Football Field."
                    "Hoy anong hinihintay mo diyan, takbo na kunin mo na  ang kupad kupad mo!"
                     Tumakbo naman agad ang napagalitang pulis at pagkalapit niya dito ay ingat na ingat itong kinuha mula sa lupa.  
                    "Pare bumalik ka na rito oy ang dami mong arte, para kang action star ah!" bulyaw ng isang naiinip na usoserong may bitbit na Quaker Oats.  
                    Kaya tumakbo naman agad ang nasabing pulis dala-dala ang maliit na papel at mabilis itong iniabot sa negotiator.
                    Binasa agad ito ng negotiator. 'Pare may tatlong minuto na lang kayong natitira, kung hindi alam n'yo na kung ano ang mangyayari. Pagbabarilin ko ang lahat ng mga batang ito!' 
                    Nanahimik ang lahat.  Alalang-alala sa kalagayan ng mga batang hostage na malalakas kumain ng Koko Krunch sa umaga.
                    Lumingon-lingon ang negotiator inabangan ang pagdating ng inutusan niyang pulis kasama si Mayor Donato.
                    Biglang nagkagulo ang kanina pa tahimik na mga usyosero at usyosera.
                    "Sa wakas dumating din, andito na si Mayor Boss Chief!"
                  Tumakbo naman agad ang negotiator para salubungin ang kakarating na mayor. 
                  "Mabuti't nakarating na kayo Mayor Donato at mukhang naiinip at galit na ang hostage-taker," pagtatapat agad ng negotiator.
                  Hindi sumagot si Mayor Donato bagkos ay agad itong
 kumaway-kaway  sa napakaraming usyosero at usyoserang nakatingin sa kanya.  
            "Mayor Donato pagbutihan niyo, tiyak pag-napasuko niyo ang hostage-taker mananalo na naman kayo sa nalalapit na eleksyon, malamang landslide agad," sigaw ng isang lalakeng malapit sa kanya at may bitbit na lata ng Ovaltine.
            "Huwag kayong mag-alala mga kababayan ako nang bahala rito, sinisiguro ko sa inyong mapapasuko ko ang taong ito.  Saka handa akong ibigay ang mga hinihiling niya, alam niyo naman ako palagi akong handang tumulong sa lahat ng mga nangangailangan alam na alam niyo naman lahat iyan di ba..." pagmamayabang pa ni Mayor Donato 
             "Oo Mayor Donato naniniwala kami na matulungin kang talaga sa aming mga mahihirap," sagot naman agad nang patawa-tawang matandang lalaking kabibili lang ng Revicon Forte. Pati ang ibang mga usyosero at usyosera ay palihim ding tumawa sa sinabi ng mayor na matulungin daw siya sa mga mahihirap.
             "So paano ako nang  bahala tutal dati na naman akong  may napasukong ang isang taong nagwawala sa nasasakupan ko, sanay na sanay na ako sa mga ganitong sitwasyon, kaya relax lang kayo diyan, leave it to me..." pagmamayabang pa muli ng mayor.
              "Oo naman kayang-kaya n'yo 'yan saka kunti lang naman ang hinihiling niya sa 'yo, kung iisipin na ang kaligtasan ng mga inosenteng mga bata ang nakasalalay dito," hirit pa ng isang usyosero 
              "Malapit talaga ang puso ko sa mga bata, in fact marami akong perang ibinibigay sa mga orphanage sa nasasakupan ko at maraming beses sa isang taon ko iyan ginagawa nang walang media coverage," pagmamayabang pa ulit nito.
             "Opo Mayor, in fact naniniwala po kaming lahat na malapit  na malapit ang puso niyo sa mga bata, kaya sigi na po iligtas niyo na po sila please..." mabilis na pakiusap ng nakangising mama na kanina pa nakikinig sa kanya.
              "Mayor pasasamahan ko na kayo sa ilan kung mga pulis baka kailanganin niyo ng tulong kung saka-sakali," alok ng nag-iingat na negotiator.
              "Ako nang bahala sa lahat, kayang-kaya ko 'to.  Sigi dito lang kayo, hintayin niyo lang ako sandali at tiyak maya-maya lang ay isa-isa nang lalabas ang mga bata na parang walang nagyaring masama sa kanila," dagdag pa nito at agad  na itong lumakad patungo sa malaking bus.  Palakpakan naman agad ang mga tao habang palihim na tumatawa sa lahat ng pinagsasabi ng mayor.

                                                 XXIV

              Pagkalapit na pagkalapit nito sa pintuan ng malaking bus ay agad itong nagbukas.  Lumingon siya sandali sa maraming usyosero at usyosera at kumaway-kaway pa ito sa kanila.  Tapos ay sumilip sandali sa loob ng bus.  "O pare papasok na ako, mag-usap tayo lahat naman ng problema ay nalulutas sa mabuting usapan," umpisa nito habang papaakyat na sa malaking bus.  Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ay agad na sinalubong siya ng hostage-taker na nakasuot ng malaking sombrero, natatakpan ang mukha nito habang nakatungo sa sahig.  Ngitian agad ng mayor ang hostage-taker.  Ngumiti rin naman agad ang hostage-taker sa kapapasok pa lang na mayor.  Tiningnan munang mabuti ng mayor ang mga batang patuloy na kinakain ang mga hinanda para sa kanila.
             "Ano bang maipaglilingkod ko sa iyo ha, magsabi ka lang at kung kaya ko naman ay ibibigay ko agad sa 'yo pakawalan mo lang ang mga batang ito..." pabulong pa nitong pahayag sa hostage-taker dahil ayaw niyang malaman ng mga bata na hino-hostage sila.
             Biglang nagtanggal ng sumbrero ang hostage-taker.
             "Ikaw!" sambit ng gulat na gulat na mayor.
             "Ako nga!" at walang kaabog-abog pinagbabaril kaagad sa dibdib ang mayor ng galit na galit na hostage-taker, nabuwal ito at agad na binawian ng buhay.
             Nag-iyakan at nagsigawan agad ang mga batang nakakita sa  pamamaril ng inaakala nilang kaibigan.  Nag-iyakan sila nang nag-iyakan takot na takot ang mga ito.  
             Pinagmasdang mabuti ng hostage-taker ang namatay na mayor.  Lalo pang lumakas ang iyakan ng mga bata. Bigla namang tumawa nang tumawa ang hostage-taker habang patuloy na pinagmamasdan ang duguang mayor.  Tuluyan na itong nabaliw at hinarap ang mga takot na takot na bata.  "Huwag kayong maingay natutulog ang anak ko, pssst... tahimik baka magising ang anak ko..." bulong pa nito sa mga batang umiiyak. ......... 
              Subalit lalo pang lumakas ang iyakan ng lahat ng mga bata sa loob ng malaking bus. "Ano ba sabi nang tumahimik kayo at nagtutulog ang anak ko!" utos nito habang pinagbababaril ang sahig ng bus malapit sa kanyang kinatatayuan. 
             Lalo pang lumakas ang iyakan ng mga bata.  Biglang tumalikod ang hostage-taker at pinagbabaril naman ang isang bakanteng upuan sa harapan ng bus.

                                                   XXV

             Narinig muli ni Xandro ang ikalawang sunod-sunod na putukan habang itinatabi niya ang kanyang Delivery van matapos niyang makapag-deliver ng isang malaking Tv at Refrigerator.  Sumigaw agad si Xander ng, "Xander!" agad naglaho ang kanyang balbas, humaba nang bahagya ang kanyang buhok.  Lumipad siya papalabas ng Delivery van.  Lumipad siya nang mataas at pagkabilis-bilis.  Ilang sandali lang ay nasa mataas na bahagi na siya ng himpapawid at tanaw na tanaw niya na rito ang malaking grupo ng mga taong nakapalibot sa malaking bus sa isang malaking Football Field.  Napansin niyang nagkakagulo na ang mga tao, maging ang maraming mga pulis ay hindi na rin mapakali, hindi nila malaman kung ano ang kanilang gagawin matapos marinig ang sunod-sunod na mga putok gayong nananatili pa ring sarado at nakatakip ng mga maliliit na kurtina ang malaking bus.  Lumapit pa ng bahagya si Xander.  Nakita agad siya ng maraming mga usyosero at usyosera sa nasabing malaking Football Field.
            "Si Super Xander!  Si Super Xander!" sigawan agad ng mga nagpapalakpakan at nabuhayang loob na mga usyosero at usyosera, maging ang mga pulis ay nagpalakpakan din sa pagdating ni Xander.
Labasan agad ng kani-kanilang cellphone ang mga 'to at pinagkukuhanan ng pictures at videos si Xander gamit ang kani-kanilang mga camera habang masusing pinagmamasdan ang malaking bus.
             "Tahimik!  Huwag kayong maingay baka makagulo kayo sa kung ano mang gustong gawin ni Super Xander!" medyo malakas at matigas na utos ng nabuhayang-loob na negotiator.
              Tumahimik naman agad ang lahat ng mga usyosero at usyosera habang inaabangan kung ano ang gagawin ng kakarating pa lang na si Xander.
               Lumapit pa nang lumapit si Xander sa malaking bus.  Habang nakalutang sa malapit nito ay agad itong nag-isip kung ano ang gagawin niya matapos mapag-alamang hino-hostage ang maraming mga bata ng nag-iisang hostage-taker.  Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin kaya nagbakasakali na muna siya.  Huminga siya nang malalim tapos ay agad na ibinuka nang mabilis at malakas ang kanyang mga palad sa kanyang tagiliran.  Pero imbis na lumabas ang manipis na lubid mula sa itaas at gitna nang kanyang dibdib, ang asul  na liwanag ang agad na lumitaw.  Nagulat si Xander sa kanyang nakita.  Gumalaw-galaw din ito parang may sariling buhay, tila isa itong gumagalaw na latigo.  Ilang sandali lang ay bigla itong naging tuwid at mahabang liwanag at agad na nagtuloy-tuloy sa pinakalikuran at gitnang bahagi ng malaking bus.
Tumama agad ito sa bubungan ng bus.  Ilang iglap lang ay mabilis itong nabutas, ni hindi nga ito naglikha ng usok o ingay man lang. Tapos ay bigla ring naglaho ang asul na liwanag at agad na pumalit at lumabas mula sa itaas at gitna ng dibdib ni Xander ang manipis at kulay gintong lubid.  Nagtuloy-tuloy agad ito sa maliit na butas at mabilis na pumasok dito.  Pagkapasok na pagkapasok nito sa loob ng malaking bus.  Kusang napapikit ang mga mata ni Xander habang nakalutang malapit sa malaking bus.  Nabigla siya sa kanyang natuklasan, nakikita na niya ngayon ang loob ng malaking bus.  Nakita niyang nag-iiyakan ang mga kaawa-awang mga bata.  Nagtuloy-tuloy pa sa loob ang bus ang lubid at kataka-takang hindi nila ito napansin dahil nagbago ang kulay nito at ginaya ang kulay puting pintura ng loob ng malaking bus.  Dahan-dahan pa itong gumalaw papuntang gitna ng bubungan ng bus.  Nakita rin niya ang balisang hostage-taker.  Tinatantyang mabuti ni Xander ang kanyang mga susunod na gagawin,  ayaw niyang magkamali dahil nakasalalay sa kanya ang kaligtasan ng napakaraming mga inosenteng bata na kanina pa nag-iiyakan sa sobrang takot sa hostage-taker.  Muling nagalit ang hostage-taker sa lalo pang lumalakas na iyakan ng mga bata.  Kaya muli na naman siyang nagpaputok sa bubungan ng bus mula sa kanyang kinatatayuan.  Tumalikod siya bigla at muling pinaputukan ang bakanteng upuan sa harapan.  Gumalaw pa ng bahagya ang manipis na lubid para malapitan ang nagwawalang hostage-taker.  Humarap bigla ang tuluyan na ngang nabaliw na hostage-taker sa duguan at wala ng buhay na mayor. "Pinatay mong anak ko, kaya dapat patayin ko rin ang anak mo!" malakas na sigaw nito habang galit na galit na pinagmamasdan si Mayor Donato. Kaya bigla siyang tumalikod at mabilis na binalikan ang mga nag-iiyakang mga bata.  Agad niyang hinablot ang isang batang lalake na hindi naman kaanu-ano ng napaslang na mayor Tapos ay mabilis na kinaladkad ang umiiyak na bata pabalik sa wala nang buhay na mayor.  "Ngayon ipapatikim ko sa 'yo kung gaano kasakit ang mamatayan ng pinakamamahal na anak!" sigaw ng nagwawalang hostage-taker habang patuloy na umiiyak ang kaawa-awang bata.  Iniiangat agad nito ang kanyang baril at itinutok sa ulohan ng nagpupumiglas na batang lalake.  Kakalabitin na nito ang gatilyo kaya mabilis na kumilos si Xander.  Agad niyang pinuluputan ng manipis na lubid ang kamay ng hostage taker at hinablot ng mabilis paatras.  Tumilapon agad at natumba paatras ang hostage-taker at nabitawan ang hawak-hawak niyang baril.  Tumakbo naman agad papalayo ang batang lalake.  Sinubukan nitong muling damputin ang kanyang baril sa malapit gamit ang kanyang kaliwang kamay.  Kaya mabilis na muling hinablot paatras ng manipis na lubid ang hostage-taker pagkatapos ay agad itong pinuluputan sa buong katawan. Mabilis na iniangat ng manipis na lubid ang hostage taker at agad na ibinalibag sa harapang bintana ng malaking bus.  Tumilapon papalabas ng malaking bus ang hostage-taker kasama ng napakaraming mga bubog.  

                                                    XXVI

           Gulat na gulat ang lahat ng mga tao sa labas ng bus.  Kitang-kita nila ang napakabilis na pagtilapon nito palabas ng bus at ang pagbagsak nito sa lupa.  Tumakbo naman agad papalapit ang mga pulis para siguruhing hindi na ito muling makapanakit pa.  Subalit nanatiling walang malay ang duguang hostage-taker.  Tapos sinubukan ni Xander na pindutin ang button para magbukas na ang pintuan ng malaking bus sa gilid nito sa pamamagitan ng kanyang manipis na lubid.  Subalit sa kababaril dito kanina ng hostage-taker ay nasira na ito at hindi na gumana, hindi nabuksan ni Xander ang pintuan ng malaking bus.  
              Mula sa itaas habang patuloy siyang pinapanood ng mga usyosero at usyosera, huminga muli ng malalim si Xander at agad na umikli at bumalik papasok sa kanyang dibdib ang manipis na lubid.  Pagkatapos ay mabilis na lumipad si Xander pababa, patungo sa nakasarado pa ring pintuan ng malaking bus.   Pagkasayad na pagkasayad ng mga paa ni Xander sa lupa at harapan ng pintuan ng malaking bus, agad niya itong binuksan gamit ang kanyang dalawang kamay. 
            Sa wakas ay nabuksan na ni Xander ang pintuan ng bus.  Tahimik pa rin ang mga usyosero at usyosera sa paligid.  Humakbang paakyat sa loob ng bus si Xander. "Mga bata ligtas na kayo, maari na kayong lumabas," pahayag ng nakangiting si Xander.  Kaya isa-isang lumapit kay Xander ang mga bata.  Yumakap agad ang isang cute na cute na batang babae kay Xander at agad itong hinalikan sa pisngi.  Kaya yinakap rin ito ni Xander ng bahagya.  Tapos ay agad itong kinarga ni Xander sa kaliwang bisig. Lumakad siya pabalik sa nakabukas ng pintuan.  Nakita ng mga nag-aabang na mga usyosero at usyosera ang paglabas ni Xander mula sa malaking bus karga-karga ang napaka-cute at nakangiting batang babae.  Nagsunuran namang lumabas ang iba pang mga bata at paisa-isa silang tumalon mula sa pintuan palabas ng malaking bus.  Sinalubong naman agad ang mga nailigtas na mga bata ng kani-kanilang mga magulang na kanina pa nag-aalala para sa kaligtasan ng kani-kanilang mga anak.  Halos sabay-sabay nilang isinigaw kay Xander ang kanilang taos-pusong pasasalamat para sa mabilis niyang pagsagip sa kani-kanilang mga anak.  
             Nang biglang may usyoserang sumigaw nang malakas, "eroplano!  Mababagsakan tayo ng eroplano!" Nagulantang ang lahat ng mga tao sa Malaking Football Field, may isang malaking eroplano na mabilis na bumbulusok papunta sa kinalalagyan nila.  Tumingala si Xander at nakita niya ang mabilis na pagbulusok ng malaking eroplano.  Hindi na siya nagsayang nang kahit ilang sandali, mabilis siyang lumipad paitaas.  Sinalubong ni Xander ang eroplano at nang malapit na ito sa kanya ay agad niya itong sinalo at binuhat mula sa gitna at ilalim.  Buhat-buhat ni Xander ang malaking eroplano gamit ang kanyang dalawang kamay, dahan-dahan at maingat niya na itong ilalapag sa lupa nang biglang may sumigaw na namang usyosera nang, "eroplano! Mababagsakan tayo ng eroplano!" Nakita ni Xander na may isa na namang eroplanong pabagsak sa Football Field.  Binitiwan ni Xander ang buhat-buhat niyang malaking eroplano sa himpapawid, ibinuka niya ang kanyang mga palad nang mabilis at malakas, lumabas ang manipis na lubid at  
agad na hinabol ang ngayo'y pabagsak na namang naunang eroplano, agad na pinuluputan at binuhat.  Lumipad si Xander nang pagkabilis-bilis paitaas at sa isang iglap lang nasalo niyang muli ang ikalawang pabagsak na eroplano.  Buhat-buhat ni Xander ang pangalawang eroplano ng dalawa niyang mga kamay sa ilalim at gitna nito habang binabalanse at binubuhat naman ng manipis na lubid ang isa pa.  Ang dalawang eroplanong ito ay magkasunod na inatake ng napakalaking grupo ng mga ibon na nagmula pa sa ibang bansa at nagpunta rito sa Pilipinas para makaiwas sa taglamig at makahanap ng makakain.  Maingat at dahan-dahang lumipad si Xander pababa sa Football Field buhat-buhat ang dalawang naglalakihan at nagbibigatang mga eroplano.  Unang ibinaba ng manipis na lubid ang naunang eroplano at ilang saglit lang naibaba na rin ni Xander ang pangalawang eroplano.  Gulat na gulat ang lahat sa mga nasaksihan nila, magkahilira na ngayon ang malaking bus at ang dalawang malaking eroplano sa loob ng Football Field.  "Napakalakas pala talaga nitong si Super Xander... mabuti na lang nasalo niya pareho ang eroplano kung hindi malamang naubos na kami lahat dito..." mahinang bulong ng isang usyosero.  Palakpakan naman agad ang lahat ng mga tuwang-tuwang mga usyosero at usyosera maging ang negotiator at ang kanyang mga kasamang pulis ay nagpalakpakan din habang paisa-isang bumababa ang kanina'y mga takot na takot  sakay ng dalawang eroplano.  Tumakbo silang lahat para salubungin ang papalapit sa kanilang si Xander.   Agad namang nag-cover ang lahat ng mga taga-media pilit nilang kinukunan ang bawat hakbang ni Xander.  Sinubukan nilang lapitan at interview-hin sana si Xander subalit mabilis silang napigilan ng mga pulis. Kaya ang ilan sa kanila ay pinuntahan na lang ang dalawang eroplano at  ang malaking bus, tumambad sa harapan nila ang duguan at walang buhay na Mayor. Agad namang umakyat papasok ng bus ang ilang mga pulis para kunin ang duguang katawan at wala nang buhay na mayor.  Pagkalabas ng mga pulis mula sa loob ng bus agad namang linapitan ng mga kakarating pa lang na mga tauhan ng tinakasang Mental Hospital ang hindi na nakabangon pang hostage-taker sa labas ng malaking bus.  Mabilis nila itong sinuutan ng isang damit para sa mga baliw, para hindi na ito makapanakit pa ng kahit na sino pa man.  Matapos ay pinagtulungan nila itong buhatin at agad na isinakay sa kanilang sasakyan para muling ibalik sa Mental Hospital para doon ay muling gamutin.  Kinukuhanan  ng mga reporters ng videos ang lahat ng mga kaganapan para agad na maibalita sa kani-kanilang mga Tv Stations.  Labasan naman muli  ng kani-kanilang mga cellphone at pinagkukuhang muli ng pictures at videos ang nakangiting si Xander ng mga usyosero at usyosera.  Kanya-kanyang hatak ng mga batang mai-interview ang mga ayaw paawat ng mga Tv reporters kasama ng kani-kanilang mga cameraman.
             Linapitan naman agad ng negotiator si Xander at agad itong kinawayan at pinasalamatan at kahit hindi pa nakakasagot si Xander sa kanyang pasasalamat ay agad itong tumabi sa kanya at ngumiti sa mga usyosero at usyosera.  "Kunan niyo ako ng pictures kasama si Super Xander, bilis!" Kukunan na sana ng pictures ng mga usyosero at usyosera ang negotiator nang biglang may sumigaw nang, "candy!" Lumingon at tumingala agad ang lahat ng mga tao sa loob ng stadium.  Nanahimik ang lahat.  Tahimik na tahimik.  
            "Candy! Candy kayo diyan! Bili na! Bili na! Anong gusto niyo Candy Mint, Stork, Halls o White Rabbit? Bili na! Bili na! malakas na sigaw ng nag-iisang vendor sa grupo.
             "Tumahimik ka nga riyan! Istorbo, kita mo nang nagpapa-picture ako eh! Sigi na Super Xander tuloy na natin ang picture-taking," sabi ng nabitin na negotiator.  Pinagbigyan naman agad siya ng mga natatawang usyosero at usyosera, maging ang mga reporters ay pinagbigyan na rin ang pakiusap o utos ng biglang sikat na negotiator.  Ngumiti naman si Xander habang kinukunan siya ng videos ng marami.  
              "Sayang naman akala ko pa naman magbabagsakan at uulan na ng maraming candy, handa pa naman ako sa dala kong maliit na balde ng Orocan..." mahinang bulong ng pinakabatang usyosero.

                                            XXVII

 
           Lilipad na sana palayo si Xander nang biglang sumulpot si Veronica mula sa kung saan.  "Super Xander!  Ako naman ang magpapa-picture kasama mo.  Kaya hindi itinuloy ni Xander ang kanyang paglipad sana dahil sa paggalang niya rito. 
            Kaya niyakap agad ni Veronica si Xander na parang nakakita ng isang sikat na artista.  Tapos  agad na tumabi si Veronica kay Xander at inutusan ang isa niyang saleslady na kuhanan sila ng pictures ni Xander.  "Sandali...Super Xander pwede bang lumipad at umangat ka ng bahagya para makita sa pictures na lumilipad ka ng bahagya sa tabi ko ha?" tanong ni Veronica kay Xander.
            "Wow demanding!" hirit agad ng isang kanina pa gustong magpa-picture din na usyosera.
             Pinagbigyan naman agad ni Xander ang hindi niya matanggihang si Veronica, umangat agad siya at inakbayan ng bahagya si Veronica habang kinukunan sila ng picture.  
            "Pwede ba isa pang picture sana Super Xander, iyong hindi ka naman nakaakbay sa akin, para talagang kitang-kita na nakalipad ka nga?" pakiusap muli ni Veronica.
            "Wow choosy ayaw paakbay!" 
             Dahil sa mga hirit ng usyosera ang isang picture ni Veronica ay nakadilat ang mga mata at ang isa naman ay nakasarado ang kamao na parang may susuntukin.
             "Last na na lang Super Xander, magpapicture din tayo kasama ng lahat kung mga empleyada," huling pakiusap ni Veronica.  Pinagbigyan naman muli ni Xander si Veronica at agad na ngumiti. 
              Nagulat bigla ang kalalapit lang na si Althea sa kanyang nakita.  Namukhaan kaagad niya si Xander.  Si Xando si Super Xander!  Gulong-gulo si Althea sa nararamdaman niya sa mga oras na iyon.  Parang gusto niyang tumakbo papalapit kay Xander at agad na yakapin ito.  Subalit gaano man kalaki ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa binata ay pilit pa ring bumabalik sa isipan niya ang mga nakita niya sa gabing iyon. Hindi mawaglit sa isipan niya ang nakakatakot na mga pangil ni Xander.  Kaya imbis na lapitan niya at yakapin ay dahan-dahan siyang tumalikod at lumakad pabalik sa loob ng Veron Appliance Center.
            "Hoy Lynette bumalik ka rito, halika magpa-picture tayo kasama ni Super Xander," mabilis na tawag nito kay Althea.  Ngunit hindi siya pinansin nito, ni hindi nga ito lumingon bagkos ay nagpatuloy ito sa kanyang paglalakad na nakatungo ang ulo.
             Nakita ni Xander ang naging reaction sa kanya ni Althea.  Hindi niya makuhang maitago sa maraming tao ang kalungkutan niya kaya mabilis siyang lumipad papalayo sa mga ito na punong-puno nang kalungkutan.  Lumipad siya nang mabilis na mabilis, pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isipan ang takot na nabanaag niya sa mga mata ng babaeng pinakamamahal niya.  Dahan-dahan siyang lumipad papasok sa loob ng kanyang Delivery van.  Umupo at sumigaw ng  "Xander!" agad na bumalik ang kanyang maiksing balbas at umiksing muli ang kanyang buhok.  Nanatili siyang nakaupo habang patuloy na iniisip ang pinakamamahal niyang si Althea.
             Pagkabalik nina Veronica sa Veron Appliance Center, agad niyang nakita si Lynette na mukhang malungkot.  Kaya kinausap niya ito subalit ngumiti lang ito sa kanya at tumingin sa malayo.
             Kaya ipinakita na lang ni Veronica ang kanyang mga pictures kay Lynette kasama si Super Xander.  Natuwa si Lynette ng makita rito si Xando na si Super Xander.  At lalo pa siyang natuwa nang makita niya ang nakadilat na mga mata ni Veronica.  Maging ang isang picture na mukhang may susuntukin si Veronica ay nagpatawa kay Lynette.
           "Hay mabuti naman at tumawa ka na riyan, nag-aalala na tuloy ako sa 'yo," sabi ni Veronica.
            Dumating naman bigla si Xandro.
            "Oy Xandro saan ka ba galing, hindi ka tuloy nakasama sa pictures namin ng mga kasamahan mo dito.  Sandali kayong dalawa lang ang walang bagong pictures ah..." puna ni Veronica.
            Pinagmasdan ni Xandro ang ngayo'y nakangiti ng si Lynette. Natuwa siyang mukhang masaya na ito ulit, kaya nakuha na rin niyang muling ngumiti.
            Hinatak agad ni Veronica si Xandro at pinatabi kay Lynette. 
"Oy Xandro akbayan mo naman si Lynette tutal bagay din naman kayong dalawa, parehas kayong maganda at guapo,"
            Nagkatinginan sina Lynette at Xandro.  Ngumiti lang si Xandro at agad na inakbayan si Lynette.  
            Kinuhanan naman agad sila nito ng pictures.
             "Ikaw talaga Veronica kung anu-ano ang mga naiisip mo nakakahiya tuloy dito kay Xandro," natatawang pahayag ni Lynette.  
             "Hindi gusto ko rin namang magpa-picture kasama kayo M'am Lynette," nakangiting pag-amin ni Xandro.
              "Sigi trabaho na ulit..." utos ni Veronica kaya nagbalikan na agad sila sa kani-kanilang mga trabaho. 


                                           XXVIII

              Makalipas ang ilang araw, nakaupo si Xandro sa mamahaling sofa at naghihintay na may dumating na customer.  Habang may inaasikasong customer ang isang Saleslady, napansin ni Xandro na tumayo si Lynette at naglakad patungo sa water dispenser sa isang sulok ng Veron Appliance Center.  Gandang-ganda siya kay Lynette kaya hindi niya napigilan ang sarili niya na lapitan ito.  Nakatalikod si Lynette habang kumukuha ng Nature's Spring Mineral Water.  Marahang naglakad si Xandro papalapit kay Lynette.  Ilang sandali lang ay nasa likuran na si Xandro ni Althea.  Hinintay niyang  makatapos kumuha ng tubig si Lynette.  Napansin ni Xandro ang makinis at magandang batok ni Lynette.  Linapitan pa niya ito ng bahagya.  Naamoy ni Xandro ang mabangong Bench Cologne ni Lynette.  May naramdaman si Xandro, parang gusto niyang halikan si Lynette sa batok nito.  Pilit pinigilan ni Xandro ang ang sarili niya, naramdaman ni Xandro na unti-unti na ring lumalabas ang mga pangil niya.  Hangang sa tuluyan na nga itong lumabas.  
              "Oy Xandro andiyan ka pala, kukuha ka rin ba ng tubig ha?" nakangiting tanong ni Lynette.
              Hindi makasagot si Xandro, pilit niyang isinara ang bibig niya para hindi makita ni Lynette ang kanyang mga pangil.
              "Hoy ba't hindi ka sumasagot diyan?" natatawang tanong ni Lynette sa mukhang kinakabahang si Xandro.
              Nang makita ni Xandro na pinagtatawanan siya ni Lynette ay natawa na rin siya, kaya unti-unti niya na ring naramdaman na nawawala na uli ang mga pangil niya.  Hanggang sa mawala na nga ito nang tuluyan.
              "Oo sana, nauuhaw na kasi ako eh..." natatawang sagot ni Xandro kay Althea.  Mabuti na lang natawa ako kung hindi lagot...
              "Hoy anong ginagawa niyong dalawa diyan, may plinaplano ba kayong masama laban sa akin?" pabirong hirit ng kadarating pa lang na si Veronica.
              "Oo magpapalibri kami sa iyo ni Xandro ang Jollibee Yum, kaya ilabas mo na ang pera mo't nagugutom na kami pareho," nakangising sagot ni Lynette.
              "Iyon lang ba...  akala ko kung ano na, ang mabuti pa'y ibili ko na kayong lahat habang wala pa masyadong customer," mabilis na sagot ni Veronica habang palingon-lingon at tingin nang tingin sa may pintuan na parang may inaabangang dumating.
              "Ako na lang po ang bibili Ma'm Veronica, tutal wala pa naman akong ginagawa," alok ni Xandro na napapatingin na rin sa pintuan dahil kay Veronica.
              "Mabuti pa nga at dagdagan mo na rin ng Greenwich Pizza at Coke, ubusin mo na 'tong pera para makakain pati ang mga Saleslady at ang tahimik nating Guard.
              Pagkaabot ng pera ay agad namang nagpaalam ni Xandro sa dalawa.  
              Pagkalabas ni Xandro, mabilis siyang naglakad papuntang Greenwich at agad na um-order.  Tapos nagtuloy naman siya sa Jollibee at bumili ng maraming Jollibee Yum at Coca-Cola.   Habang naglalakad pabalik,  nadaanan ni Xandro ang National Bookstore at nakita niya ang maraming estudyanteng bumibili ng mga libro.  Minsan na rin siyang nakabili ng libro sa branch na 'yon natatandaan niya.  Lumakad nang mabilis si Xandro para makabalik agad siya sa Veron Appliance Center.  Naisipan ni Xandro na bumili na rin ng Presto Ice Cream dahil kasya pa naman ang sukli, mura pero masarap ang Presto Ice Cream kaya parati niya itong binibili dati.  Pagkarating niya sa Appliance Center, nakita niyang may kinakausap na isang matangkad na lalaki si Lynette at mukhang nagtatalo ang dalawa.  Kaya mabilis na pumasok si Xandro sa loob at agad na ibinaba sa bakanteng sofa ang mga pinamili niya.  Nakita niyang hinablot nang marahas ng matangkad na lalaki ang kamay ni Lynette, kaya mabilis siyang lumapit dito at agad na pinilipit ang kanang braso nito sa kanyang sariling likuran at pinigilan naman ang isa pang kamay nito sa tagiliran.  Kumalma naman agad ang lalaki dahil sa naramdaman niyang lakas ni Xandro.  Kaya binitiwan na ito ni Xandro.
             "Wala na tayong dapat pag-usapan Robert kaya kung maari umalis ka na.  Sya nga pala si Xando boyfriend ko," pakilala ni Lynette kay Xandro.
             Pinagmasdan agad ni Robert si Xandro mula ulo hanggang paa.  Kaya tumabi agad si Xandro kay Althea at nakangiting inakbayan ito. Tinitigan din ni Xandro si Robert.
             "Ah ito pala ang patay-gutom na si Xando."
             "Hoy huwag ka ngang ganyan akala mo kung sino ka at ganon-ganon ka na lang kung manlait ng tao," mabilis na pagtatanggol ni Veronica kay Xandro.
            "Huwag ka ngang makialam Veronica at hindi ka kasali sa usapan!" galit na pahayag ni Robert.
             "Uy ungas empleyado ko 'yan , sagutin ko 'yan. Ikaw ha hindi kita kaibigan, hindi ka rin customer ng tindahan ko kaya umalis ka na bago pa kita ipakaladkad papalabas," utos nito kay Robert.
             "Akala mo naman Mall itong tindahan mo kung makapalayas ka sa 'kin, eh ang liit-liit naman nito" panunuya ni Robert sa tindahan ni Veronica.
             "Maliit na kung maliit at least nasa pangalan ko lahat 'to eh ang sa 'yo sa magulang mo, utusan ka lang naman nang mayayaman mong magulang ah," ganting panunuya ni Veronica.
             "Pakiusap Robert umalis ka na, malapit na kaming ikasal ni Xando kaya wala ka nang magagawa," pahayag ni Lynette.
            "Tama at ako ang Ninang," dagdag pa ni Veronica.
            "Anong sinabi mo pakakasalan mo 'to, tingnan ko lang kung mapapalampas ito ng mga lolo at lola," sagot ni Robert.
            "Eh magsumbong ka ganon ka naman parati eh, para kang bata sumbongero at sipsip," sabat ni Veronica.
             "Pare umalis ka na narinig mo naman magpapakasal na kami ni Lynette.  Kaming dalawa ni Lynette ang totoong nagmamahalan.  Magpakatatag ka, harapin mo ang katotohanang 'yan at  matuto kang tumanggap ng pagkatalo," nakangiting hirit ni Xandro habang dinidiian pa ang akbay kay Lynette.
             "Umalis ka na Robert," utos ni Lynette.
              "Hindi pa tayo tapos Lynette, hinding-hindi ako papayag na mapunta ka sa gagong ito!" paniniguro ni Robert at agad na tumalikod at lumabas nang Veron Appliance Center.
             "Hay naku umalis din," pasasalamat ni Veronica. 
             "Xandro salamat nga pala sa tulong mo sa 'kin, kanina," pasasalamat ni Lynette.
             "Wala ho 'yon Ma'm Lynette," mabilis na sagot ni Xandro.
             "Makikiusap sana ako sa 'yo na magkunwari uli tayong magkasintahan kung saka-sakaling bumalik uli dito si Robert," pakiusap ni Lynette kay Xandro.
             "Opo Ma'm andito lang po ako kung kailangan niyo ako... eh ng tulong pala..." sagot naman agad ni Xandro.
              "Ang galing nang acting niyong dalawa kanina Xandro Lynette, para talaga kayong magkasintahan, ayon tuloy selos na selos si Robert.  Ikaw naman kasi Lynette palagi kang nagpa-Ponds ayan tuloy habol nang habol sa 'yo ang kumag na 'yon," biro uli ni Veronica.
            "Naku ang sarap talaga nitong Jollibee Yum lalo na pag kaama ang Coca-Cola," sabi ng takam na takam na Saleslady.
            "Kanina pa ba kayo kumakain diyan ha?" nagtatakang tanong ni Veronica sa kanyang limang Saleslady.
            "Kanina pa ho Ma'm Veronica," mabilis na sagot ng isa pang Saleslady habang kumakagat ng Jollibee Yum.
            "Ang ibig niyong sabihin habang nagkakagulo kami dito kanina, kain lang kayo nang kain diyan?" tanong uli ni Veronica.
            "Ganon talaga Ma'm Veronica masarap talagang kumain ng Jollibee Yum at uminom ng Coca-Cola habang nanunuod ng magandang sini," nakangising sagot ng pangatlong Saleslady.
            "Kung sabagay ganon din naman ako," dagdag ni Veronica.
             "Oy Xandro sumalo ka na rin sa amin," yaya ni Lynette kay Xandro.
             "Salamat, saka tabi tayo ha, hindi pa kasi ako masyadong komportable sa mga Saleslady," nakangiting sagot ni Xandro kay Lynette.
             "Tama, magtabi kayong dalawa ni Xandro sa pag-upo  Lynette para mas maensayo at maging mas makatotohanan  pa ang acting niyong mag-nobyo, nang  lalo pang mainis  si Robert pag nakita kayo, sa susunod na bumalik uli 'yon dito," dagdag uli ni Veronica.  "Guard mabuti pa kumain ka na rin at baka maubusan ka pa ng Presto Ice Cream, ang sarap pa naman nito."
             "Mabuti pa nga!" malakas na sabat nang napakatahimik na Guard.  
             

                                              XXIX

                        Narinig ni Lynette ang sunod-sunod na katok sa pinto kaya agad niya itong nilapitan.  Pagkabukas na pagkabukas niya nito ay agad siyang tinutukan ng baril ng isa. "Sumama ka sa amin, kung hindi mapipilitan akong barilin ka!" pagbabanta ng malaking mama kay Lynette.  
               "Maawa na po kayo sa akin, wala naman po akong ginagawang masama sa inyo, baket niyo ba ako ginaganito?" pagmamakaawa ni Lynette.  Subalit hindi siya pinakinggan ng dalawa at agad siyang pinagtulungang kaladkarin patungo sa naghihintay na sasakyan sa labas ng bahay.
                Nakita ni Veronica ang buong pangyayari mula sa kanyang sasakyan malapit sa gate ni Lynette.  Hindi siya nakakilos dahil sa takot niya sa dala-dalang baril ng dalawang goon.  At natakot din siya na baka mapano pa si Lynette kung manghihimasok siya.  Kaya nagpasya na lang siyang tumawag agad ng mga pulis sa kanyang Cellphone. Tapos ay agad niyang tinawagan si Xandro para ipaalam na hindi na siya makakarating ng Appliance Center dahil kinidnap si Lynette.
          Kasalukuyang nagmamaneho ni Xandro pabalik ng Appliance Center nang makausap niya si Veronica tungkol sa pagkaka-kidnap ni Lynette.  Kaya agad siyang sumigaw ng,  "Xander!"  Lumipad siya nang mabilis at agad na sinuyod ang buong ka-Maynilaan para mahanap lang ang kinaroroonan ni Lynette.                                                                     
             Hinanap nang hinanap ni Xander si Lynette habang lumilipad     Hindi niya ito makita kaya nagpasya siyang lumipad papunta sa tirahan ni Lynette.  Mula sa himpapawid  pinagmasdan niyang mabuti ang buong kabahayan ni Lynette.  Ilang sandali lang ay may napansin siya Xander.  Lumipad pa siya ng mas malapit.  Nakita niya ang mamahaling bag ni Lynette na naiwan sa loob ng bakuran nito habang kinakaladkad siya papalabas ng mga kidnappers kanina.    Mula sa itaas, agad ibinuka ni Xander ng malakas at mabilis ang kanyang mga palad, lumabas ang ginintuang lubid at mabilis na nagtuloy-tuloy pababa para kunin ang naiwang bag ni Althea.  At sa  
pagkadikit na pagdikit pa lang ng dulo ng manipis na lubid sa lupa ay agad nagulat si Xander.  Biglang siyang nakarinig ng maraming mga boses, napakarami ng mga boses na naririnig niya, halos mabingi na siya sa dami nito.  Hanggang sa unti-unting mangibabaw ang boses ni Lynette.
              "Robert may kinalaman ka sa pagkakakidnap ko ha?" mabilis at galit na tanong ni Lynette sa papalapit na si Robert.
             "Mabuti naman pala at nakikilala mo pa ako Lynette, akala ko'y tuluyan mo na akong nakalimutan dahil sa Xandrong iyon.  Hindi ka ba nag-iisip Lynette, galing ka sa isang napakayamang pamilya tapos papatol ka sa isang Delivery boy.  Ipagpapalit mo talaga ako sa patay-gutom na 'yon.  Oo Lynette ako nga ang nagpa-kidnap sa 'yo at kasalanan mo 'yan pinakiusapan kita nang maayos na makipagbalikan sa akin, pero tinaggihan mo lang agad ako.  Sa harapan pa talaga ng gagong si Xandrong 'yon!" galit na pagtatapos ni Robert.
             "Anong makipagbalikan sa 'yo, nagpapatawa ka ba?  Kailan ba naging tayo ha?  Hindi kita kailan man sinagot, hindi ka lang talaga marunong umintindi.  Ayoko sa 'yo at kahit anong gawin mo hindi kita kailan man magugustuhan dahil napakasama mong tao.  Masyado ka lang sipsip sa mga lolo at lola kaya nakukuha mo silang mapasunod sa kagustuhan mong mapangasawa ako." galit na sagot ni Lynette.
            "Kahit ano pang sabihin mo Lynette, wala ka nang magagawa dahil parating na rito ang Mayor na magkakasal sa ating dalawa.  Kaya ang mabuti pa kumain ka na muna baka sakaling makapag-isip-isip ka nang mabuti na ako ang nararapat para sa 'yo at hindi ang gagong Xandrong 'yon."
            "Tama mabuti pa pakainin mo na iyang si Lynette nang lahat ng paborito niyang pagkain dahil ito na ang kahuli-hulihan niyang matitikman ang mga ito," natatawang sabat ng kadarating na si Esmeralda.  "Kumusta na pamangkin, nagulat ka ba at nakita mo ako dito, ha?"
            "Isa ka rin sa mga nagpakidnap sa akin, Tita Esmeralda?" 'di-makapaniwalang tanong ni Lynette.
            "Oo isa nga ako sa mga nagpa-kidnap sa 'yo, saka 'wag ka mang mag-alala dahil hindi naman pera ng pamilya natin ang ginamit ko sa pagpapakidnap sa 'yo.  Alam mo sagot lahat ito ng napakagalante mong syota na si Robert," natatawang pagtatapat ni Esmeralda. "Kaya kung ako sa 'yo, umpisahan mo na ang pagdarasal dahil ito na ang kahuli-hulihang araw mo sa mundong ito.  Papatayin ka na namin ngayon, linilinis nang mabuti ang baril na gagamitin namin sa pagpatay sa 'yo."
           "Sandali lang anong papatayin niyo si Lynette Tita  Esmeralda? Wala naman sa usapan to ah?" nagimbal na tanong ni Robert.  "Ang usapan natin ihahanap niyo lang ako ng mga ki-kidnap kay Lynette para matuloy na ang kasal naming dalawa."
            "Oo sinabi ko nga 'yon at naniwala ka naman agad," natatawang sagot ni Esmeralda. "Mayaman ka nga at mataas ang posisyon mo sa negosyo ng inyong pamilya, kaya lang napakadali mong utuin."
            "Pwes hindi ko hahayaang saktan n'yo si Lynette, huwag kang mag-alala Lynette ipagtatanggol kita kahit na anong mangyari," paniniguro ni Robert kay Althea.
            "Ano naman kaya ang magagawa mo, sigi nga aber?" hamon ni Esmeralda.
            "Magdadaan muna kayo sa ibabaw ng aking bangkay, bago niyo masaktan si Lynette,"  pahayag ni Robert habang sumusulyap kay Lynette na parang nagpapa-impress sa babae.  "Sigi mga bata hulihin niyo ang babaeng ito ang kanyang asawang si Waldo, bilis!"
            Subalit wala ni isang sumunod sa kanya.  Sa halip ay naghalakhakan lang ang mga ito.  "Ano ba't hindi n'yo ako sinusunod ako ang nagbabayad sa inyo, kaya dapat ako ang sundin niyo, ano ba!" malakas na sigaw ni Robert.
           Subalit pinagtawanan lang uli siya ng mga ito.
           "Ang ingay-ingay mo!" sabi ng natatawang si Esmeralda. "Pssst... halika nga rito pakisuntok mo nga sandali itong maingay na ito at sumasakit ang tenga ko sa mga atungal nito!" 
           Lumapit naman agad kay Robert ang tinawag na goon ni Esmeralda at agad nitong sinuntok si Robert.  Sapol sa mukha. Tulog agad si Robert kahit hindi pa siya inaantok.
          "Sa bilang kong tatlo maghihilik si Robert Isa... dalawa... tatlo... " bilang ni Esmeralda. At agad ngang naghilik si Robert. "sabi ko na sa inyo eh."
           "Papano Lynette, di ikaw naman ang isusunod namin ngayon," pananakot ni Esmeralda habang linalapitan ang nakaupo at nakataling si Lynette.

                                                  XXX

           "Baket mo nagawa sa amin ito Tita Esmeralda kapatid ka ng papa ko?" galit na tanong ni Lynette kay Esmeralda.
           "Inaamin ko sa 'yo Lynette mabait talaga sa akin ang papa mo kahit ampon lang naman ako.  Kaya lang nalaman niyang pinagnanakawan ko ang negosyo ng pamilya natin.  Nagmakaawa at humingi ako ng tawad sa kanya.  At siyempre pinatawad naman agad niya ako kaya lang pinakiusapan, inutusan  niya akong magtapat kay papa at humingi ng tawad.  Kilala ko ang pag-uugali ng lolo mo Lynette, sigurado akong hindi ako patatawarin noon.  At nakakatitiyak akong itatakwil ako noon at itatapon sa kalye na parang pulubi.  Hindi niya ako kailan man minahal, mula sa umpisa hindi na niya ako tinuring na totoong anak.  Ayoko nang bumalik sa hirap Lynette, alam ko kung paano mamuhay ng walang makain at matirahan sa araw-araw.  Kaya sa takot kong bumalik sa kahirapan,  
pinasira ko ang break ng kotse ng papa mo kay Waldo.  Ang swerte-swerte ko pa nga dahil nagkataong kasama ng papa mo ang mama mo sa araw na 'yon.  Kaya hindi ko na kinailangang magbayad pa ng iba para ipapatay lang ang mama mo dahil matagal na matagal na akong naiinis doon.  Ka bago-bago lang niya sa pamilya noon, pero minahal agad at trinatong parang prinsesa ng papa at mama.  Samantalang ako para lang akong isang mabigat na palamunin para sa kanila.  Kahit papano'y nalungkot din naman ako sa pagkamatay ng papa mo pero sa nanay mo buti nga sa kanya!" mahabang pagsisiwalat ni Esmeralda sa lahat ng mga nangyari noon.
            "Kung ganon ikaw ang dahilan ng pagiging ulila ko, napakasama mo Tita! Wala kang kwentang tao, hindi ka dapat mahalin dahil makasarili ka!" naiiyak na panunumbat ni Lynette kay Esmeralda.
            "Okey... makasarili na kung makasarili.  Ang importante'y mawala ka na rin sa aming landas nang mapasaakin na ang lahat ng kayamanan niyo pagkatapos kong patayin ang mga lolo at lola mo Lynette, nakabalik na sila ng Pilipinas, alam mo ba 'yon?" pagtatapat ng tumatawang si Esmeralda.
            "Maawa ka tita, matatanda na ang mga lolo at lola huwag na silang sasaktan.  Inalagaan ka rin naman ng lola nakita ko 'yon, maski para man lang sa kanya tita maawa ka..." humagolgol na pagmamakaawa ni Lynette kay Esmeralda.
            "Tumahimik ka na nga Lynette at baka maiyak pa ako sa 'yo."  Tinawag agad ni Esmeralda ang isa pa niyang goon.  "Sigi na barilin niyo na 'to nang matapos na, nakakapagod na ang araw na 'to ang dami-dami kong kailangang patayin!"
            Lumapit agad kay Lynette ang tinawag na goon ni Esmeralda.  "Sayang naman Madame, papatayin ba talaga natin 'to ang ganda-ganda pa naman?" nanghihinayang na tanong ng goon habang tinututukan ng baril si Lynette sa kanyang ulo.
           "Baket naman, pagnawala 'yan yayaman na agad tayong lahat!  Sigi na barilin mo na 'yan at may dalawa pa tayong papatayin  
sa araw na ito!" mabilis na utos ni Esmeralda.  
            Biglang may narinig sina Esmeralda at Waldo  na mga sunod-sunod at malalakas na pagpapaputok ng baril ng iba pa nilang mga tauhan  sa di-kalayuan.  Nabulabog at nagkagulo agad ang grupo nina Esmeralda sa kanilang mga narinig.  Nabuhayan naman ng loob si Lynette at tahimik na nagpasalamat sa Diyos.  "Alamin n'yo kung anong mga putukan 'yon, baka natunton na tayo ng mga alagad ng batas, lumabas na kayo at salubungin sila, bilis!" mabilis at pasigaw na utos ni Waldo sa mga tauhan nila ni Esmeralda. 
          Agad namang sumunod at nagsitakbuhan papunta sa pinanggagalingan ng mga putok ng baril ang mga tauhan nina Esmeralda.  Naiwan sina Esmeralda, Waldo at Lynette kasama ng mga sampo pang natitirang goons.  "Anong gagawin natin ngayon Waldo?" nag-aalang tanong ni Esmeralda sa asawa.   

                                               XXXI
        
           Ang kakarating na si Xander pala ang pinapuputukan ng mga tauhan nina Esmeralda at Waldo at hindi ang inakala nilang mga alagad ng batas. 
           Patuloy na pinagbabaril ang nakalutang at nakatayong si Xander ng naunang goon, naka single-file ang mga dalawampung goons sa  isang makitid na pasilyo ng isang malaking gusali, pero pagkalapit na pagkalapit ng mga bala sa katawan ni Xander ay parang may harang at kusang bumabagsak ang mga ito sa sahig.
Pinagmasdan lang  ni Xander ang goon na bumaril sa kanya, pinagbabaril siya ulit nito ng maraming beses pa, pero bumagsak muli ang lahat ng mga bala sa sahig. 
         "Ano napapagod ka na ba, ako naman ngayon," pahayag ni Xander.  Ibinuka si Xander ang kanyang mga palad ng mabilis at malakas, lumabas kaagad ang manipis na lubid at pinuluputan sa may beywang ang unang good at ibinalibag sa kaliwang dingding ng pasilyo, isinunod naman agad ni Xander ang pangalawa sa hanay, pinuluputan agad ito ng lubid at ibinalibag sa kanang dingding ng pasilyo; tapos ganon din ang ginawa niya sa pangatlo sa hanay, pinuluputan ito ng manipis na lubid at ibinalibag naman sa kaliwang dingding ng pasilyo.  Pinagbabaril uli si Xander ng pang-apat sa hanay ng mga goons, subalit bumagsak lang ulit ang mga bala sa sahig.  Sinugod ni Xander ang pang-apat na goon at agad na sinipa sa dibdib.  Natumbang parang mga domino ang labim-pitong goons.  Nahimatay agad ang unang lima at nagkunwaring nangahimatay rin ang natitirang labing-dalawang goons sa hanay.  Linipad ni Xander ang buong pasilyo nang pagkabilis-bilis at nang marating niya ang isang nakabukas na pintuan sa may unahan ay agad siyang lumipad papasok rito upang hanapin si Lynette.  Dali-dali namang nagtayuan at nagtakbuhan palabas ng building ang labin-dalawang nagkukunwaring nangahimatay na goons sa sobrang pagkagimbal nila sa lakas ni Xander. 
             Pagkapasok na pagkapasok ni Xander sa loob ng pintuan, sinalubong agad siya ng mga inutusang goons nina Esmeralda at Waldo.  Agad silang kumalat at pinalibutan si Xander.  Nakatayo at nakalutang si Xander sa gitna nila.  Agad nilang pinaulanan ng mga bala ang buong katawan ni Xander.  Subalit gaya ng dati, pagkalapit na pagkalapit ng mga ito sa katawan ni Xander ay agad bumagsak ang mga bala sa sahig.  Natawa lang si Xander at agad siyang huminga ng malalim at ibinuka ng mabilis at malakas ang kanyang mga palad at agad na lumabas ang asul, tuwid  at pabilog na liwanag mula sa itaas at gitna ng kanyang dibdib.  Pinunterya agad ni Xander ang isa sa kanyang kaliwa tinamaan ito at agad na bumagsak sa sahig at nawalan ng malay , isinunod ang nasa harapan at tapos ang sa kanan naman nabuwal at nahimatay din ang mga ito.  Sa sobrang takot ng iba pang goons kay Xander, mabilis silang nagtakbuhan papalabas ng building.
              Lumipad muli si Xander nang mabilis at pinasok ang isa pang nakabukas na pintuan sa harapan niya.  Pagkapasok na pagkapasok niya rito ay agad naman niyang nakita si Althea na nakaupo at nakatali sa isang upuan.  Agad namang sinalubong ng sampung mga goons si Xander.  Humilera ang sampo para hindi makuha ni Xander si Althea.  Hinarangan nila ang daraanan sana ni Xander. "Sigi pagbabarilin niyo ang nagpapakbayaning ito!" mabilis na utos ni Esmeralda sa kanyang mga goons.  Agad namang sumunod ang sampo at pinagbabaril si Xander.  Sabay-sabay na pinaulanan ng bala ng sampo ang nakatayo at nakalutang na si Xander, pero gaya nang nauna, bumagsak lahat sa sahig ang mga bala nito.  Sa pagkagimbal nila sa mga nasaksihan kay Xander agad namang tumakbo papalabas ng building ang takot na takot na sina Esmeralda at Waldo papunta sa kanilang nakaparadang sasakyan.  
             Pinagmasdang mabuti ni Xander ang kalagayan ng kanyang minamahal na si Althea at pagkatapos ay agad na hinarap ang sampung nakahilerang mga goons ni Esmeralda.  Pinagbabaril muli ng sampo si Xander ng sabay-sabay subalit hindi na naman tinamaan si Xander.  "Marami na kayong naaksayang mga bala kaya ako naman ngayon!"  Huminga ng malalim si Xander at agad na ibinuka ng mabilis at malakas ang kanyang mga palad. Lumitaw muli ang asul na liwanag.  Humarap si Xander at pinatamaan paisa-isa ang sampong nakahilirang mga goons.  Nagmistulang nakuryente ang mga ito matapos tamaan ng asul na ilaw at agad na bumagsak sa sahig at nawalan ng malay. 

                                                   XXXII

            "Akala ko hindi na tayo muling magkikita, mabuti na lang at nahanap mo ako, kung hindi malamang ay wala na ako ngayon..." pahayag ng hamagolgol na si Althea.  Agad na lumipad si Xander papalapit kay Althea.  Bumaba ito agad na niyakap ang nakaupong si Althea.  "Ligtas ka na mahal, andito na ako, huwag ka nang umiyak..." alo ni Xander sa kanyang pinakamamahal na si Althea. Agad umikot sa likuran ng upuan si Xander at kinalagan si Althea mula sa mahigpit na pagkakatali nina Waldo. Ilang sandali lang ay tuluyan nang nakalas ni Xander ang tali.  Tumayo naman agad si Althea at muling yinakap si Xander.  "Hindi ka na ba natatakot sa akin mahal ko?" tanong agad ni Xander sa kanina pa yakap nang yakap na si Althea. Nginitian ni Althea Xander at sinabing, "Hindi na, hinding-hindi na uli ako matatakot sa 'yo dahil napatunayan mo na sa akin kung gaano mo ako kamahal, mahal na mahal kita Xander." Nagliwanag bigla ang mukha ni Xander sa mga ipinahayag ni Althea kaya yinakap niya ito ng buong pagmamahal. Sa sobrang tuwa ni Xander hindi niya na namalayang unti-unti na pala silang lumulutang na dalawa ni Althea.
         Patuloy sa pagtakas sina Esmeralda at Waldo gamit-gamit ang kanilang bagong-bago at magarang sasakyan,  ngunit sa di-maipaliwanag na kadahilanan, bigla na lang itong nawalan ng break. Ilang sandali lang ay bumangga ito ng pagkalakas-lakas sa isang malaking pader.  Sumabog at nilamon agad ng malaking apoy ang bagong-bagong sasakyan kasama sa loob sina Waldo at Esmeralda.
         Sa sobrang lakas nang nangyaring pagsabog nagising ang kaninang naghihilik na si Robert.  Pagdilat niya, nakita niyang wala na sina Esmeralda.  Habang walang malay naman ang sampong goons na pinabagsak kanina ni Xander.  Nakita ni Robert si Xander.  
               "Mabuti naman at nakarating ka agad Super Xander, kung hindi dahil sa 'yo ay malamang pinatay na kami ni Lynette ng mga kidnappers na 'yon."
               "Hindi totoo ang pinagsasabi niyan Xander, kasabwat siya sa mga kumidnap sa akin kanina!" 
                Mabilis na tumakbo papalayo kay Xander si Robert.  Ibinaba naman agad ni Xander ang yakap-yakap niyang si Althea  mula sa kanilang pagkakalutang.  Tapos ay agad na ibinukas ng mabilis at malakas ni Xander ang kanyang mga palad.  Lumabas ang manipis at kulay gintong  lubid, hinabol ang papatakas na si Robert.  Agad na pinuluputan ito ng manipis na lubid.  At sa sobrang galit ni Xander itinaas niya ng bahagya ang buong katawan ni Robert at agad na ibinalibag sa semento.  Tulog agad si Robert at sa sobrang lakas ng pagkakabalibag nito sa semento ay hindi na nito nakuha pang humilik.
              Huminga nang malalim si Xander at agad na umikli at bumalik paloob ang manipis na lubid.  
            "Halika na Xander umalis na tayo rito at baka may iba pang dumating na mga tauhan ni Tita Esmeralda."
             "Ha, huwag kang mag-alala Althea tulog na silang lahat at ang iba kanina pa nagsitakbuhan palabas ng building," nakangiting sagot ni Xander habang hawak-hawak ang dalawang mga kamay ni Althea.  "Sinaktan ka ba nila mahal ha?" 
             "Hindi naman, sumakit lang nang bahagya itong mga kamay ko, masyado kasing mahigpit ang pagkakatali sa akin ni Tito Waldo," pagtatapat ni Althea. 
              Kaya agad namang hinimas ni Xander ang mga kamay nito para mawala kunyari ang hapdi nito.  "O ayan tiyak mawawala na ang pananakit ng mga kamay mo niyan Althea," nakangiting biro ni Xander.  Ngumiti lang si Althea kay Xander.  Niyakap naman agad ni Xander si Althea at dahan-dahang inilipad papalabas ng building.
Nakangiting pinagmamasdan ni Althea ang mukha ni Xander habang patuloy na inililipad siya nito palabas ng building.  Ilang sandali lang ay nasa himpapawid na silang dalawa.  Masayang-masaya si Xander dahil natutunan nang tanggapin ni Althea ang kanyang totoong pagkatao.  
    
                                             XXXIII

           Masayang pinagmamasdan ng dalawa ang pagdating ng mga pulis sa lugar na pinagdalhan kay Althea. 
          "Aba si Veronica 'yon ah, kasama sina lolo at lola.  Sandali Xander tatawagan ko lang si Veronica at ipapaalam ko sa kanya na ligtas na ako," pahayag ni Althea habang kinukuha ang kanyang cellphone.
         "Hello Veronica si Lynette to... ligtas na ako at kasama ko si Xando...pauwi na kami ngayon ng bahay," sabi ni Lynette habang pinapanuod mula sa himpapawid ang paghuli ng mga pulis sa naaalimpungatan pang mga goons nina Esmeralda at Waldo.
               "Mabuti naman pala at ligtas ka na at kasama mo pa pala talaga si Xando ha," biro nito sa kaibigan.
               "Si Robert, si Robert at sina Tita Esmeralda ang nagpakidnap sa akin."
               "Baba ko na 'tong cellphone ko Lynette at baka makatakas pa ang gagong ito," mabilis na paalam ni Veronica.
                "Sandali, hulihin niyo si Robert, siya at sina Tita Esmeralda ang nagpakidnap kay Lynette!" nagmamadaling sigaw ni Veronica.
                "Asan na si Lynette Veronica?" mabilis na tanong ng lola ni Lynette.
                "Ligtas na po si Lynette, La at mukhang nailigtas na naman siya ni Xando," pagtataya ni Veronica.
                "Ha pangalawa na to ah," pansin ng lola ni Lynette.
                "Siguro'y dapat na nating pabayaan si Lynette, hayaan na natin siya kung saan siya liligaya. Mukhang mahal na mahal naman talaga nitong si Zando ang apo nating si Lynette.  Saka napakasama naman pala nitong si Robert, ipinagkatiwala ko pa naman sa 'yo ang pinakamamahal kong apo!" pahayag ng lolo ni Lynette sabay tadyak sa medyo nahihilo pang si Robert.  Ilang sandali lang umalis na rin sina Veronica, mga lolo at lola ni Lynette sa lugar na iyon.
                 Masayang-masaya sina Xander at Althea dahil muli na naman silang nagkasama.  Nakangiting pinagmamasdan ni Althea ang kanyang tagapagligtas na si Xander.  Hindi siya makapaniwalang muli na naman silang magkapiling.  Yinakap ni Xander si Althea.  "Tayong dalawa na lang ang natira dito, siguro nama'y pwede na kitang mahalikan ngayon?" nakangiting tanong ni Xander sa pinakamamahal niya.  Hindi sumagot si Althea bagkos ay niyakap lang nito si Xander at pinagmasdan ang mukha nito.  Kaya dahan-dahang yumuko si Xander para mahalikan na sa wakas si Althea.  Ipinikit naman ni Althea ang kanyang mga mata.  Inilapit pa ni Xander ang kanyang sarili para tuluyan na niyang mahalikan si Althea nang biglang kumidlat at nagbago ang anyo ng kalawakan.
May biglang lumitaw mula sa kung saan na tatlong malalaking Flying Saucers,  napapalibutan ito maraming mga ilaw.  Sa ibabaw nito ay may nakadikit na mga aliens.  Napakalalaki ng tatlong kulay green na aliens, malalaki at patulis ang dulo ng mga teynga, bilugan ang mga mata, may maraming linya sa nuo.   Magkakamukha ang tatlong dambuhalang aliens na  ang kalahating katawan ay malalaking Flying Saucers.  Bilugan ang bawat dulo ng limang mga daliri nito sa kamay.  Walang mga paa ang mga aliens na ito.  Nakagagalaw at nakalilipad ang mga ito sa pamamagitan ng malalaking Flying Saucers na nakadikit sa kalahating katawan ng bawat isa sa kanila.  Nakakabit ang bawat isa, sa dulo at  paikot, ang makikinang na tatlong Flying Saucers.  Napapalibutan ang mga ito ng mga kulay pula, dilaw at asul na mga ilaw.  Tumigil ang mga ito malapit sa kinaliliparan nina Xander at Althea.  Nagulat si Althea sa kanyang mga nakita, napayakap siya nang mahigpit kay Xander sa labis-labis na takot na naramdaman niya para sa mga aliens.  Pinakikiramdaman ni Xander kung ano ang pakay ng tatlong dambuhalang Flying Saucers.  Nanatili itong hindi kumikilos sa himpapawid,  tila nakikiramdam din sa gagawin ni Xander.  
             "Anong gagawin natin ngayon Xander, ngayon lang ako nakakita ng mga iyan.  Ano kaya ang pakay nila dito sa ating mundo.  Natatakot ako na baka gusto nilang sakupin ang ating mundo at lipulin tayong lahat na mga tao," nag-aalang pahayag ni Althea.  
             Mabilis na kumilos si Xander agad niyang inilapad pababa at palayo si Althea sa mga bagong dating na dambuhalang aliens.
Binilisan ni Xander ang kanyang paglipad pababa.  Pagkababa nila sa lupa agad niyang pinatago si Althea sa isang ligtas na lugar.  
            "Xander tumakas na lang tayo, nakakatakot ang mga iyan baka kung anong mangyari sa 'yo..." 
             "Dito ka lang ligtas ka dito, susubukan kong kausapin ang mga ito para malaman ko kung ano ang pakay nila sa mundo natin," sagot ni Xander sa nag-aalalang si Althea.  Nagkubli si Althea at mabilis na lumipad paitaas si Xander. 

                                                                       XXXV

                          Lumipad siya nang mabilis na mabilis palapit sa tatlong dambuhalang aliens na ang kalahating katawan ay malalaking flying saucers.  Agad siyang tumigil malapit sa harapan ng mga ito.  Napakaliit ni Xander sa kanilang harapan.  Pinagmasdan niyang mabuti ang mga aliens, hinintay kung ano ang kanilang gagawin.  Pero nanatili itong nakatigil sa kalawakan at pinagmamasdan lang siya.  Sinubukang kausapin ni Xander ang mga ito subalit hindi pa man siya nakakapag-umpisa agad nang kumalas ang dalawa sa magkakabit na aliens. 
              ("Ano ba ang gusto niyo ha Coke?" malakas na tanong ni Xander.
              "Ayaw namin ng Coke mayroon din kami niyan sa planeta namin!" galit na sagot ng isang alien.
              "Ah alam ko na gusto niyo ng Jollibee hamburger?" tanong ulit ni Xander.
              "Ayaw din namin niyan marami din kami niyan sa planeta namin!" lalong nainis na sagot ng alien.
              "Tama alam ko na gusto niyo ng Safeguard?" natatawang tanong ni Xander habang hawak-hawak ang ilong nito.
              "Aanhin namin niyan?" galit na galit na tanong ng alien.
              "Ha?" malakas na tanong ni Xander.
               "Aanhin namin niyan hindi naman kami naliligo!" naiinis at sabay-sabay na sagot ng tatlong aliens.
               "Pasensya na kayo hindi ko alam pare!" mabilis na paumanhin ni Xander.  "Ano bang kailangan niyo kung ganoon?"
               "Galit kami sa inyo kasi nag-aaksaya kayo ng tubig, kami nga walang iniinom sa planeta namin, tapos kayo inililigo niyo lang, napakasasama niyong mga tao kayo!"
                "Ang ibig mong sabihin gusto niyo hindi rin kami maligong tulad niyo ha, pare naman walang ganyanan, paano pa kami makakapan-chicks niyan ha, aber?  or Pasensya na pero hindi talaga maiiwasan ang paliligo naming mga tao dahil kung hindi naman kami maliligo ay magkakasakit naman kami ang mahal-mahal na kayang magpa-check-up sa mga doctor ngayon,  kaya nga kami gumagamit pa ng sabong safeguard para makaiwas sa mga sakit na dala ng nagkalat na germs."
                "Ang dami mong satsat ang dapat sa mga taong katulad niyo na maaksaya at hindi marunong magpahalaga sa tubig ay lipulin, kaya mga kulay green kong kapatid umpisahan na ang laban!" )
                Biglang may lumabas na puting liwanag mula sa dulo ng isang flying saucer at pinuntirya kaagad si Xander. Kumabig pakanan si Xander at mabilis niya itong naiwasan.  Naglabas naman ng dilaw na liwanag ang isang alien mula sa dulo ng nakakabit nitong flying saucer.  Muntik mahagip si Xander.  
               Agad na lumapit ng bahagya si Xander sa tatlong dambuhalang alien.  Huminga siya ng malalim, ibinuka ng mabilis at malakas ang kanyang mga palad sa kanyang tagiliran, agad na lumabas ang asul na liwanag.  Pinuntirya kaagad ni Xander ang pinakamalapit na alien.  Pinuntirya niya ito sa noo.  Mabilis itong umiwas kaya nahagip ang pangalawang alien. Subalit ni hindi man lang ito nagalusan, parang kiniliti lang pangalawang alien.  Pinagtawanan lang si Xander.  Kaya sinubukan namang patamaan ni Xander ang flying saucer na malapit sa kinaliliparan niya.  Tinamaan agad ang flying saucer sa gitna ng unahang bahagi nito.  Agad itong umusok at nasira.  Natuwa si Xander dahil tinablan ito ng asul na liwanag mula sa kanyang dibdib.  Ngunit laking gulat ni Xander nang bigla na lang itong bumalik sa dati na parang walang ano mang nangyari.  Pinagtawanan muli si Xander ng sabay-sabay ng tatlong aliens.
             Kaya muling inulit ni Xander ang pagpapatama sa tatlong flying saucers na nakadikit sa kalahating katawan ng mga kulay green na aliens.  Pinaulanan niya na ang mga ito ng pagkarami-raming asul na liwanang.  Tinamaan ang mga ito sa kung saan-saang bahagi ng mga flying saucers habang iniikutan ni Xander ang tatlong aliens sa himpapawid.  Mabilis na nasira ang mga bahagi ng tatlong flying saucers na tinamaan ng asul na liwanang ni Xander.  Umusok ang mga ito na tila masisira na ngang tuluyan.  Subalit katulad nang nangyari kanina muling bumalik sa dati ang tatlong flying saucers, parang nilinis lang  ni Xander ang mga ito, mas lalo pa nga itong kumintab sa ngayon.
             Unti-unti nang nakakaramdam ng takot si Xander para sa tatlong aliens.  Humarap ang dalawang magkadikit na alien kay Xander at agad na naglabas ng dalawang puting liwanag at sabay na pinuntirya si Xander.  Pinaulanan na nila pareho ng sunod-sunod at napakaraming puting liwanag si Xander, nahagip sa kung saan-saang bahagi ng kanyang katawan si Xander habang lumilipad nang mabilis sa kung saan-saang direksyon para mailagan lang ang mga puting liwanag.  Nagkandapaso-paso at nagkalapnos-lapnos ang buong katawan ni Xander.  Pilit na niyang iniwasang muli ang mga sumunod pang mga ilaw na ipinatama sa kanya.  Subalit hindi na niya ito nagawang iwasan pa kaya tuluyan ng nanghina si Xander.  Hindi na siya makakilos pa mula sa kanyang kinalulutangan sa himpapawid.  Nawala agad ang mga paso sa buong katawan ni Xander ngunit nanatili pa rin siyang nanghihina.  Nakita ng tatlong magkakadikit na alien na naghihina na si Xander sa sunod-sunod na tama sa buong katawan nito.  Kaya lumipad pa sila ng mas malapit dito.  Biglang nagkalas at humiwalay ang dalawang dambuhalang aliens na nakadikit sa kani-kanilang mga flying saucers.  Sabay na lumipad ang dalawang dambuhalang green na aliens papalapit sa nanghihina nang si Xander.   
           Napagitnaan nila si Xander.  At mula sa dulo, mabilis na nagbuga ng malaki at napakainit na bola ng liwanag bawat isa sa dalawang malalaking Flying Saucers.  Dahan-dahan itong gumalaw at lalong lumalaki ang bolang liwanag habang palapit kay Xander.  Hanggang sa maging napakaliit na lang ni Xander sa tabi ng mga ito.   Pinagmasdang mabuti ni Xander ang dalawang napakalaki at napakainit na bolang liwanag.  Mula sa himpapawid , mabilis na gumulong ang mga ito papalapit nang papalapit kay Xander.  Tila gustong tustahin ng dalawang dambuhalang kulay pulang liwanag si Xander sa pagitan nila. Kaya mabilis na iniangat ni Xander ang dalawa niyang mga braso upang pigilan ang dalawang tila mag-uumpugang malalaking bola ng liwanag.  Nagmistulang pinipigilan ni Xander na huwag siyang maipit sa dalawang nag-uumpugang mga planetang umuusok nang bahagya.  Subalit habang nakadikit ang kanyang mga palad sa gilid ng dalawang bola ng liwanag, naramdaman ni Xander ang matinding init na hindi pa niya naramdaman sa buong buhay niya.  Naramdaman din ni Xander ang ibayong pwersa na nagmumula sa dalawang bola ng liwanag.  Nararamdaman niyang kinukulang ang angking niyang lakas para mapigilan ang mga ito na pasuin at ipitin siya sa gitna.  Nanginginig na pareho ang mga palad ni Xander sa matinding init na nararamdaman niya at sa lakas ng mga ito.  Pero lumaban pa rin nang lumaban si Xander, ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas upang pigilan ang mga itong tustahin siya sa kanilang pagitan.  Patuloy nang nanghina si Xander, nanginginig na rin ang mga braso niya.  Hanggang sa tuluyan nang mabitawan ni Xander ang dalawang dambuhalang bola ng liwanag.  Naipit sa gitna ng dambuhalang liwanag si Xander.  Napasigaw si Xander sa tindi ng init na nararamdaman niya sa buong katawan.  Pilit siyang nagpupumiglas para makalipad papalayo sa mga ito.  Subalit kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi niya nagawang takasan ang mga ito.  Nanatili siya sa gitna ng mga ito.  Halos hindi na makayanan ni Xander ang patuloy na pagpaparusa sa kanya.  Biglang naghiwalay ang dalawang nag-uumpugang bola ng liwanag. Mabilis na bumulusok pababa si Xander.  Nahulog si Xander sa lupa.  Sa layo at lakas ng pwersa ng kanyang pagbagsak mula sa himpapawid, nagkaroon ng napakalaking butas sa kinabagsakan niya.  Nanatiling nakahiga si Xander sa lupa, hinang-hina na siya.  Napuno ng paso at sugat ang buong katawan niya.  Hinahabol niya ang kanyang hininga.  Patuloy siyang pinagmasdan ng tatlong dambuhalang aliens na parang nanunuya sa kanya.  Untik-unting naglaho ang mga paso sa katawan ni Xander.  Muling nagbalik ang kanyang lakas kaya muli siyang tumayo at lumipad pabalik sa ngayo'y muli na namang nagkadikit na mga dambuhalang Flying Saucers.  Lumipad siya ng mabilis na mabilis paitaas.  Binilisan pa niya ang kanyang paglipad subalit bigla namang nagbuga ang mga ito ng napakaraming maliliit na kulay dilaw na maliliit na apoy.  Nakita ni Xander ang papalapit at napakalawak na ulan ng apoy.  Sinubukan niyang iwasan ang mga ito subalit sa bilis nang pagbulusok ng mga ito nahagip pa rin si Xander.  Naramdaman niyang muli ang nakakapaso at ngayo'y nakakasunog nang init na nagmumula sa malawak na ulan ng mga apoy.  Nasa gitna si Xander ng malawak at napakainit na ulan ng apoy.  Pinilit ni Xander na lumipad papalayo sa mga ito subalit kahit saang direksyon siya lumipad gumagalaw at sumusunod sa kanya ang malawak na ulan ng nakakapasong apoy.  Hindi nagawang iwasan at takasan ni Xander ang malawak na ulan ng apoy.  Patuloy niyang naramdam ang higit pang nakakapasong init ng mga ito.  Unti-unti na rin siyang nanghihina.  Nararamdaman niyang unti-unti na ring nagliliyab ang buo niyang katawan.  Napasigaw siya nang malakas sa di na niya matagalang pagpaparusa sa kanya ng mga makapangyarihang mga aliens.  Halos hindi na kumikilos si Xander gitna ng nakakapaso at nakakasunog na ulan ng apoy.  Biglang tumigil ang pag-ulan ng apoy.  Bumagsak muli si Xander pababa sa lupa.  At muli sa sobrang lakas ng pwersa ng kanyang pagbagsak, naglikha na naman ng malawak na butas ang kanyang pagbagsak.  Nanatili siyang nakahiga rito na halos wala ng buhay.  Nagliliyab pa rin ang buong katawan ni Xander.  Hanggang sa tumigil na ang pagliliyab ng buong katawan ni Xander. Muling nawala ang mga paso at sunog sa buong katawan ni Xander.  Subalit nanatili siyang walang malay at hindi na nagawang bumangon pang muli. 

                                             XXXVI

                  Nasaksihan ni Lynette ang buong pangyayari kaya mabilis siyang lumabas mula sa kanyang pinagtataguan at tumakbong mabilis palabas para lapitan ang walang malay na si Xander hindi alintana ang tatlong dambuhalang aliens na patuloy na pinagmamasdan at kinukutya si Xander mula sa himpapawid.
  Pagkalapit na pagkalapit ni Althea nakita niya ang kaawa-awang kalagayan ng pinakamamahal niyang si Xander.  Lumuhod siya at kinarga si Xander.  Tumulo ang mga luha sa mga mata niya.  Yinakap niya si Xander nang mahigpit at pilit niya itong ginigising.  "Xander bumangon ka, bumangon ka.... huwag mo akong iiwan.  Di ba sabi mo mahal na mahal mo ako, gumising ka Xander, gumising ka..." nakakaawang iyak ni Althea. Nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ni Xander.
            Yakap-yakap ni Althea ang walang malay at halos wala nang buhay na si Xander.  "Xander gumising ka, mahal na mahal kita huwag mo akong iiwan..." muling pagsusumamo ni Althea sa lalaking kanyang pinakamamahal.  Subalit nanatili pa ring walang malay si Xander.  Nakita ni Althea na papalapit na ang tatlong dambuhalang aliens mula itaas.  At bilang pagtanggap sa kanyang nalalapit na kamatayan kasama ng kanyang minamahal, muling niyakap ni Lynette at dahan-dahang hinalikan sa labi ang wala pa ring malay na si Xander.  Biglang lumabas ang mga pangil ni Xander, idinilat ang mga mata at tiningnan ang umiiyak na si Althea. Nakita rin niya ang mabilis na paglapit ng mga dambuhalang 
alines kaya mabilis niyang niyakap si Althea at ibinaligtad sa lupa. Iniharang ni Xander ang kanyang likuran nang magbuga ang isa sa mga  aliens ng napakalaking bola ng apoy.  Tumama ito sa likuran ni Xander.  Subalit ni hindi ito ininda ni Xander.  Patuloy sa pagliliyab ang dambuhalang bola ng apoy sa likuran ni Xander.  Hindi nito nagawang sunugin o pasuin man lang si Xander.  Nanatili si Xander sa pagyakap sa pinakamamahal niyang si Althea pilit na iniiwas ito sa kapahamakan. Hanggang sa tuluyan na ring maglaho ng bolang apoy.  

                                                XXXVII

            Nakaligtas silang pareho mula sa tiyak na kapahamakan.
            Nginitian ni Xander si Althea.  "Buhay ka Xander! Buhay ka salamat sa Diyos, akala ko'y tuluyan ka nang mawawala sa akin!" mangingiyak na pahayag ni Althea.
            "Papano mahal mamaya na lang natin ituloy 'to, tatapusin ko na muna ang tatlong makukulit na 'to."
              Agad na tumayo at tumalikod si Xander.  Tumingala at pinagmasdan ang tatlong dambuhalang aliens, na nakadikit sa napakalalaking Flying Saucers, sa himpapawid.  Biglang lumabas ang mga pangil ni Xander.  At sa isang iglap lang ay muli itong naglaho.  Tumakbo naman agad papalayo si Althea at muling nagtago.  Lumipad nang mabilis paitaas si Xander.  Mabilis na mabilis. Agad namang naghiwa-hiwalay ang tatlong dambuhalang Flying Saucers.  Pinaulanan nilang muli si Xander nang napakalawak at napakaraming  maliliit na apoy. Nahagip si Xander ng nakakasunog na ulan ng apoy.  Napagitna siyang muli sa napakalawak na ulan ng apoy.  Mabilis siyang umikot na parang ipo-ipo. Sa lakas ng hanging nilikha nang napakabilis na pag-ikot ni Xander, biglang nagkaroon ng pagitan palibot sa buong katawan nito at ng malawak na buhos ng ulan ng apoy.  Hindi na ito muling dumikit pa sa katawan ni Xander.  Lumalaki ng lumaki ang pagitan.  Patuloy lang sa pag-ikot nang mabilis ni Xander na parang isang ipo-ipo, hanggang sa tuluyan na ngang maglaho ang malawak na buhos ng ulan ng apoy.  Natirang nakatayo at nakapamewang si Xander.  Ilang saglit lang ay nagbuga namang muli ang dalawang  dambuhalang aliens ng dalawang malalaking bola ng liwanag. Nakita ni Xander ang unti-unting paggulong at muling paglaki ng mga ito.  Mabilis na kumilos at gumulong ang ngayo'y napakalaki nang dalawang bola ng liwanag para ipiting muli si Xander.  Hinintay ni Xander na muling makalapit sa kanya ang dalawang napalalaking bola ng liwanag.  Muli itong dumikit sa dalawa niyang mga palad.  Ibinuhos ni Xander ang lahat ng kanyang panibagong lakas para hindi na siya muling mapaso at maipit sa pagitan nito.  Pilit na iniipit ng dalawang bola ng liwanag si Xander.  Subalit sa tindi ng panibagong lakas ni Xander tumilapon pabalik sa dalawang magkahiwalay na dambuhalang aliens ang dalawang napakalalaking bola ng liwanag.  Tinamaan ang mga ito ng sarili nilang bola ng liwanag.  Napapalibutan si Xander ng tatlong magkahiwalay na dambuhalang aliens.  Sinubukang muling magbuga ng malalaking bola ng liwanag ng tatlong dambuhala.  Subalit hindi na hinintay ni Xander na mangyari pa ito.  Nagbaga ang mga kamao ni Xander at nag-apoy nang bahagya.  Bigla siyang lumipad ng mabilis papalapit sa isang alien.  Agad niya itong sinuntok sa napakalawak nitong dibdib.  Nagbaga ang dambuhalang alien.  Lumipad muli si Xander nang mabilis patungo naman sa ikalawang alien sa himpapawid. Pagkalapit niya, mabilis niya itong sinuntok sa dibdib at gaya ng nauna biglang nagbaga ang buong katawan nito.  Lumipad muli si Xander ng mabilis patungo naman sa pangatlong dambuhalang alien, sinuntok niya agad ito nang pagkalakas-lakas sa dibdib at sa isang iglap lang nagbaga rin ang buong katawan nito.
Lumipad sa gitna ng tatlong magkakahiwalaly na dambuhalang alien si Xander.  Pinagmasdan niya ang patuloy na pagbabaga ng mga ito.  At sa isang iglap, sabay-sabay na nagliyab ang buong katawan ng mga ito.  Sumabog at naglikha ng isang napakalaki at napakalawak na bola ng apoy.  Binalot si Xander ng napakalaki at napakalawak na bola ng lumiliyab na apoy.  

                                                   XXXVIII

            Hindi na makita ni Althea si Xander sa kalawakan.  Tumakbo siya palabas mula sa kanyang pinagtataguan. Tumakbo siya ng mabilis habang patuloy na umiiyak.  Nag-aalala para sa buhay ng kanyang pinakamamahal na si Xander.  Tumigil siya sa gitna at pilit na tumitingala upang hanapin si Xander sa kalawakan.  Nagpatuloy pang lumiyab ang napakalaki at napakalawak na bola ng lumiliyab na apoy.  Napaluhod si Althea, humagulgol sa pag-aakalang tuluyan nang mawawala sa kanya ang pinakamamahal niyang si Xander.  Ngunit  biglang naglaho ang napakalawak na bola ng lumiliyab na apoy.  Tumambad ang nakatayo at nakangiting si Xander.  "Althea!" malakas na sigaw nito.
             Tumingala si Althea, nakita niya ang walang kagalos-galos na si Xander sa himpapawid.  "Xander!" malakas at masayang-masayang sigaw nito.  Tumakbo nang mabilis ni Althea para lapitan si Xander.  Mabilis namang lumipad pababa si Xander para salubungin ang pinakamamahal niyang si Althea.  Nagkasalubong sila sa gitna.  Hindi na sumayad ang mga paa ni Xander sa lupa.  Hinawakan niya agad ang beywang ni Althea, niyakap at mabilis na inilipad paitaas kasama niya.  Yinakap ni Althea si Xander sa kalawakan habang pinagmamasdan nito ang mukha ng kanyang pinakamamahal na lalake. 
         "Buhay ka Xander! Buhay ka mahal ko!" masayang-masayang sigaw ni Althea mula sa himpapawid.  Yinakap ni Xander si Althea.  Pinagmasdan niya ang kagandahan ng babaeng kanyang pinakamamahal.  Muli niya itong yinakap.  
          "Maari na ba kitang mahalikan muli Althea?" mahinang tanong nito.
          "Oo!  Oo! Oo!" mabilis at malakas na sagot ng nakatawang si Althea. 
           Yumuko si Xander para halikan si Althea.  Muling lumabas ang mga pangil nito.  Subalit ngumiti lamang si Althea habang patuloy na lumalapit ang ulo ni Xander para halikan siya.  Tumingala nang bahagya si Althea at ipinikit ang kanyang mga mata.  Pinagmasdang muli ni Xander ang kagandahan ni Althea at sa isang iglap lang ay mabilis na naglaho ang kanyang mga pangil.  Hinalikan ni Xander si Althea ng buong pagmamahal. Tinanggap naman ni Althea ng buong puso ang mga halik ni Xander.  Hinalikan nang hinalikan ni Xander si Althea.  Hinalikan ni Xander si Althea nang pagkatagal-tagal nang.....may kumalabog, may nahulog, idinilat ni Xander ang kanyang mga mata.  Ang mamahaling sapatos lang pala ni Althea, nahulog sa bubungan ng Jollibee.  "Akala ko kung ano naman..." mahinang bulong ni Xander.
               "Anong ano na naman...." nagtatakang tanong ni Althea kay Xander.
                "Wala 'yon, hayaan mo na...." at muli nitong siniil ng halik, at yakap si Althea ng buong puso at kaluluwa.
                 "Tama na Xander ang dami-daming tao sa baba pinapanood tayo..." pakiusap ni Althea.
                 "Hayaan mo sila..."
                 "Tama na muna sinabi...."
                 "Baket ba... hayaan mo nga sila..." sagot naman agad ni Xander at ipinagpatuloy ang paghalik kay Althea.
                  "Ang lakas-lakas ng hangin saka... kunting-kunti na lang mabibitawan ko na talaga itong saya ko, sigi ka...!"
                   "Ha!" sa sobrang lakas ng pag-ha ni Xander nagtakbuhan kaagad, ang kanina pa pala nakamasid sa kanilang dalawa na mga kalalakihan at kababaihan sa baba, papasok ng Jollibee.  

                                              XXXIX

                 Kinaumagahan,  "Xandro halika sandali, may sasabihin lang ako sa 'yo."
                 "Ano ba 'yon?" sagot naman agad ng kalalapit lang na si Xandro kay Althea.
                 "May magandang balita ako sa 'yo, nakakulong na si Robert.  Nagkaayos at nagkabalikan na kaming muli ni Xando kaya... hindi na natin kailangan pang magkunwaring mag-nobyo, saka maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa akin..." masayang pagtatapat ni Lynette sa hindi nakikilalang si Xander.
                 "Talaga... mabuti naman kung ganon, masayang-masaya ako para sa 'yo at diyan kay Xando na rin..." nakangiting sagot ni Xandro.
                "Oh siya, maiwan na kita may aasikasuhin pa kasi ako sa table ko, maraming salamat uli Xandro...." pasasalamat ng masayang-masayang si Lynette.
                 Ngumiti lang si Xandro kay Lynette tapos ay agad na lumabas ng Veron Appliance Center.  Ihahatid niya ang napakaraming order ng isang mayamang customer.  Bumili ito ng refrigerator, Tv, washing machine, DVD, aircon, oven, vaccum cleaner at marami pang iba.  Matapos maikargang lahat ng mga appliances sa loob ng Delivery van, umakyat sa loob ng sasakyan si Xander.  Huminga siya ng malalim, tumingin siya sa harapan, lumingon siya sa kaliwa at sinulyapan ang babaeng kanyang pinakamamahal habang maingat na maingat na nagco-computer.  Napakaganda talaga ng mahal ko.  Binuksan niya ang isang lata ng napakalamig at napakasarap na Coke, agad niyang ininom at inubos ito, napangiti siya pagkatapos.  Muli siyang tumingin sa harapan at agad na nagmaneho papunta sa address na nakasulat sa resibo.  Mabilis niyang narating ang address ng bahay ng kanyang pinakabagong delivery.  Maingat niyang ipinasok ang malaking Panasonic TV at marami pang ibang appliances sa loob ng magandang bahay.  Ang hindi alam ni Xandro ang malaking bahay na 'yon at ang magarang nakaparadang bagong-bagong Pajero ay mga regalo sa kanila ng mga lolo at lola ni Lynette at ang lahat ng mga appliances naman ay bigay ni Veronica para sa kanyang bestfriend na si Lynette.  Sumakay ulit ng Delivery van si Xander, masayang-masaya dahil makakabalik na siyang muli sa Veron Appliance Center.  Sandaling-sandali na lang at makikita ko na naman ang pinakamamahal kong si Althea.  Nagpatuloy siya sa pagmamaneho sa kahabaan ng buong Maynila.  Masayang-masaya si Xandro nang bigla siyang makarinig ng sunod-sunod at malalakas na mga putok ng baril mula sa malayo.
             Mabilis na ipinarada ni Xandro ang kanyang Delivery van, huminga siya nang malalim at sumigaw ng, "Xander!" agad na nawala ang kanyang balbas at humaba ng bahagya ang kanyang buhok.  Ngumiti si Xander at agad na lumipad nang mabilis papalabas ng kanyang Delivery van.  Lumipad siya ng mataas at pagkabilis-bilis upang muling tumugon at tuparin ang itinakda sa kanya ng kapalaran....   ang pagsilbihan,  pangalagaan, at protektahan ang buong sangkatauhan.

                                               Wakas


              "Oy Xandro mabuti't dumating ka na, aalis ako para makapag-grocery na muna.  Pakitingnan-tingnan mo na muna itong mga kambal ko ha..." salubong ni Cristina sa kadarating pa lang na si Xandro.
              "Opo tita ako nang bahala kina Rap-rap at Ron-ron," paniniguro ni Xandro kay Cristina.
               "Mga bata huwag kayong masyadong magulo, huwag niyong pasasakitin ang ulo ng Kuya Xandro niyo.  Babalik agad ako mamayang ala-5 ng hapon."
               "Bye mama..." sabay na paalam ng kambal. "Ingat..."
                Pagkalabas ni Cristina agad na umupo si Xandro malapit sa kambal.  "Ano bang pinag-uusapan niyong dalawa ha?" tanong agad nito.
               "Si Super Xander," mabilis na sagot ni Rap-rap.
               "Sikat na sikat na talaga itong si Super Xander, parati na lang ipinapakita sa lahat ng mga channels.  Ang galing-galing naman kasi talaga ng mga powers niya, nakakabilib," dagdag pa ni Ron-ron habang iniinom ang malamig na malamig na Coke. 
               "Talaga gustong-gusto niyo si Super Xander mga bata?" nakangiting tanong ni Xandro sa dalawa.
               "Oo naman, maski nga ang mga kaklase namin bilib na bilib rin kay Super Xander.  Napag-uusapan nga naming lahat sa school na ang sarap-sarap sigurong makapamasyal at lumipad kasama siya.  Maski nga sa mga Birthday Parties, wini-wish din nila na makasamang mamasyal at lumipad si Super Xander," paglalahad pa ni Ron-ron.
              "Kaya nga panay ang sulyap namin sa himpapawid baka sakaling mamataan namin si Super Xander, kaya lang hindi talaga dumarating siguro may iba na namang inililigtas iyon," dagdag naman ni Rap-rap. "Sana madaan siya dito sa bahay pag nauuhaw siya.  Bibigyan ko agad siya nitong malamig na malamig na Coke.  Tapos makikiusap agad kami ni Ron-ron na ipasyal niya kami."
             "Ganon ba, alam niyo mga bata, may alam akong paraan para matupad ang mga wish ng isang bata," umpisa ni Xandro.
             "Talaga, ano naman iyon Kuya Xandro?" mabilis na tanong ni Rap-rap.
              "Ganito iyon, 'di ba tatlo itong Jollibee Hamburger niyo dito sa mesa.  Maglalagay ako ng tig-iisang piraso ng Jollibee French Fries dito sa loob ng dalawang Jollibee hamburger.  Ngayon pag pareho kayong nakakuha na dalawa ng Jollibee Hamburger na may lamang isang piraso ng Jollibee French Fries, tiyak matutupad agad ang kahit anong wish niyo!" nakangiting paglalahad ni Xandro.
            "Talaga!" bulalas ng dalawang kambal.
             "Oo, kaya ipikit niyo na ang mga mata niyong dalawa at lalagyan ko na ng tig-iisang French Fries ang dalawang hamburger sa tatlo."
            Ipinikit naman agad ng kambal ang kanilang mga mata.  Mabilis namang nilagyan ng tig-iisang piraso ng French Fries ang mga hamburger ni Xandro.
            "Sigi pwede niyo nang idilat ang mga mata niyo Rap-rap, Ron-ron."
              Dumilat naman agad ang dalawang kambal.  Pinagmasdang mabuti nina Rap-rap at Ron-ron kung aling Jollibee Hamburger ang pipiliin ng bawat isa sa kanila.
             "Itong nauna... ito na lang pangatlo ang kukunin ko Kuya Xandro," sabi ni Rap-rap sabay dampot sa pangatlong hamburger.
              "Ooops... huwag mo munang bubuksan Rap-rap dapat sabay kayo ni Ron-ron."
              "Sigi itong pangalawa naman ang pipiliin ko," sabi ni Ron-ron at mabilis na dinampot ang pangalawang hamburger.
              "Maari niyo ng buksan mga bata," sabi ni Xandro.
               Sabay na binuksan nina Rap-rap at Ron-ron ang napili nilang Jollibee Hamburger at laking tuwa nila dahil parehong may lamang French Fries ang napili nilang dalawa.
               "Naku parehong may lamang French Fries ang napili nating Hamburger Ron-ron, makakapamasyal na tayo nito kasama ni Super Xander," tuwang-tuwang sabi ni Rap-rap sa tuwang-tuwa ring si Ron-ron.
               "Paano mga bata, tiyak matutupad na ang wish niyo niyan. 
Pwede bang akin na lang itong natirang Jollibee Hamburger, nagugutom na rin kasi ako eh," sabi ni Xandro.
                 "Oo Kuya Xandro, sa 'yo na lang iyan, saka iyo na rin itong isang lata ng Coke," mabilis na sagot ni Rap-rap.
                Kinuha naman agad ni Xandro ang natitirang hamburger.
"Aakyat muna ako sandali at may titingnan lang ako sa kwarto ko, babalik agad ako maya-maya lang," sabi ni Xandro habang tumatayo at lumalakad patungo sa may hagdanan.  Ang hindi alam ng mga kambal nilagyan ni Xandro ng tig-iisang piraso ng French Fries ang tatlong Jollibee Hamburger at kaya mabilis niyang hiningi ang natitirang hamburger ay para hindi siya mabisto ng mga ito kung saka-sakali.
            "Halika sa may bintana Rap-rap, abangan natin si Super Xander baka andiyan na sa labas at lumilipad-lipad lang."
             "Dumating nga kaya 'yon, baka naman benobola lang tayo ng Kuya Xandro..." nag-aalang pahayag ni Ron-ron habang panay ang tingin sa himpapawid para hanapin si Xander.
             "Dinig ko may mga bata raw na gusto akong makasamang mamasyal, kayong dalawa ba 'yon?" tanong ng biglang lumitaw na si Xander.  Nakatayo siyang nakalutang sa labas ng bintana habang tuwang-tuwa siyang pinagmamasdan ng kambal.
             "Opo! Opo kami nga 'yon Super Xander.  Ang galing naman, nagkatotoo agad ang sabi ni Kuya Xandro," bulalas ni Rap-rap.
             "Tayo na Rap-rap baba na tayo, labas na tayo ng bahay nang makapasyal na tayo kasama ni Super Xander!" tuwang-tuwang pagyayaya ni Ron-ron sa kanyang kakambal.  Mabilis namang tumakbo palabas ng bahay ng kambal at nang marating nila ito ay agad silang kinarga ni Xander sa magkabilang bisig nito.  
            "Papano kapit kayong mabuti at lilipad na tayong tatlo," sabi ni Xander.
            Kumapit naman agad ang kambal.  Hindi makapaniwalang nangyari agad ang kanilang mga wish.  Tuwang-tuwang pinagmamasdan ng kambal ang kanilang idolong si Super Xander habang nag-uumpisa na silang lumilipad  paitaas.  Naramdaman agad ng kambal ang malakas na hampas ng hangin sa mga mukha nila.  Agad nilang sinuyod ng tingin ang buong ka-Maynilaan. Nakita nila ang naglalakihang mga Billboards at hilira ng maraming naglalakihan at nagtataasang mga gusali.            
             "Aba ang ganda palang pagmasdan ng SM Mall mula dito sa itaas," puna ni Ra-rap.  "Alam mo Super Xander palagi kami riyan nina mama at papa.  Palagi nila kaming ipinapasyal sa loob nito, kumakain kami ng Selecta Ice Cream, Shakey's Pizza, Dunkin Donuts, pinamimili rin nila kami ng mga sapatos, damit, at pantalon saka sumasakay din kami sa lahat ng mga rides diyan.  Lahat yata ng sinihan diyan napuntahan na rin namin eh."
           "Talaga...masaya pala ang pamilya niyo ano," sagot ni 
Xander.
           "Masaya at saka nakakatawa rin," umpisa ni Ron-ron.
           "Ha..."     
           "Kasi si mama, pag naglalakad-lakad kami sa loob ng SM palaging nagagalit o kaya nagtatampo.  Kasi ang daming mga magagandang babaeng tumingin-tingin kay papa.  Pag napapansin ni mama ni may magandang babaeng pa-cute nang pa-cute kay papa, nanlalaki agad ang mga mata noon at pinandidilatan ang babae.  Pag napansin ni papa na pinandidilatan ni mama ang babaeng pa-cute nang pa-cute sa kanya, pinagtatawanan niya si mama.  Ang lakas-lakas pa naman ng tawa noon.  Napapalingon ang lahat ng mga tao.  Lalo tuloy mas maraming magagandang babaeng nakakapansin kay papa.  Lalo namang nagagalit at nagtatampo si mama.  Kaya ang ginagawa ni papa matapos niya itong pagtawanan sa loob ng Mall, yayakapin niya agad ito at hahalikan sa harap ng napakaraming tao.  Nahihiya tuloy kami ni Rap-rap.  Pinapanuod ng maraming tao na sinusuyo ni papa ang nagtatampong si mama.   Ganon kasi talaga si papa masyadong habulin ng mga babae," mahabang salaysay ni Ron-ron.   
             "Napakasaya naman pala ng pamilya niyo ano," puna ni Xander.
             "Masaya naman talaga ang buong pamilya namin lalo na ngayong andito na si Kuya Xandro," dagdag pa ni Rap-rap.  "Kasi noon pag namamasyal kami at pumupunta sa kung saan-saan,  nakikita ko si papa na masayang-masayang pinapanood ang pagkukulitan namin ni Ron-ron.  Kaya lang minsan kahit tumatawa siya nang malakas napapansin kong parang nalulungkot din.  Pag nakakita kasi iyon ng ibang mga bata sa kalye, iyong mga walang makain, iyong mga pulubi, napapabuntong-hininga agad iyon at nalulungkot.  Naiisip kasi niya palagi si Kuya Xandro.  Nag-aalala kung napano na 'yon mula ng maiwan niya dati sa train station.  Minsan nga nahuhuli kong parang may kunting luha sa mga mata habang pinagmamasdan niya ang mga batang pulubi sa kalsada.  Tapos pag nahalata niyang pinagmamasdan ko ang mukha niya, magkukunwari agad at tatawa uli ng malakas.  Ayaw kasi niyang nakikita naming nalulungkot siya, lalo na si mama. Pakiramdam kasi niya may kasalanan siya kay Kuya Xandro.  Mahal na mahal naman kasi ni papa si Kuya Xandro.  Para kasi kay papa kaming dalawa ni Ron-ron parehas bunso niya at si Kuya Xandro ang kanyang panganay.  Kaya pakiramdam niya anak niya ang nawala sa kanya.  Kaya hindi niya maiwasang malungkot dahil dito."
             "Pero ngayon na andito na si Kuya Xandro, pag masaya talagang masaya na.  Kumpleto na ang buong pamilya namin.  Kaya nagpapasalamat talaga ako na nakita na ni papa si kuya Xandro.  Maski si mama ganon din, parang ang gaan-gaan na rin ng pakiramdam niya.  Hindi na siya nakokonsensya na nawala si Kuya Xandro nang dahil sa kanya.  Sana ganito na kami palagi, sana hindi na umalis ng bahay si Kuya Xandro, para may kuya kami palagi ni Rap-rap," mahabang pagtatapat ni Ron-ron.   
             "Ganon ba, ang swerte naman pala nitong si Xandro at tanggap na tanggap at mahal na mahal niyo siya ano," sagot ni Xander.
             "Oo talagang maswerte siya sa amin, kasi pag may tambay na loloko-loko sa kanya sa lugar namin, ipagtatanggol kaagad namin siya,  susuntukin kaagad namin sila ni kambal nang paganito at paganyan," dagdag pa ni Rap-rap.
             "At hindi lang 'yan sisipain at tatadyakan din natin sila ng paganito at paganyan," dagdag naman ni Ron-ron.
             Natawa si Xander sa paglalaro ng kambal ng karate sa himpapawid habang hawak-hawak niya sa himpapawid. 
          "Effective pala ang paglalagay ng Jollibee French Fries  sa loob ng Jollibee Hamburger para matupad ang wish ng mga bata, kasi nagkatotoo agad ang mga wish natin na dalawa, nakapamasyal at nakalipad tayo kasama ni Super Xander," puna naman ni Rap-rap.
             "Magaya ko nga itong gimik ni Xandro," natatawang sabi ni Xander.
              "Oo nga at dapat bumili ka rin ng Jollibee Hamburger at lagyan mo ng Jollibee French Fries para matupad din ang mga wish mo Super Xander.  Aba Super Xander may matandang babaeng gustong tumawid ng kalsada, mukhang nahihirapan nang maglakad gamit ang kanyang tungkod," sabi ni Ra-rap habang itinuturo ang isang matandang babae.
              "Tulungan natin Super Xander, kawawa naman kasi ang bilis-bilis pa naman ng takbo ng mga nagdaraang mga sasakayan," alok ni Ron-ron.
              Mabilis namang inilipad ni Xander ang kambal at tumigil malapit sa matandang babaeng napakakapal ng salamin at kanina pa hindi makatawid ng kalsada.
              "Lola, tulungan na po namin kayong tumawid, baka kung mapano pa ho kayo La," mabilis na alok ni Rap-rap habang hinawakang mabuti ang isang kamay ng matanda.  
              "Naku maraming salamat mga bata, kanina ko pa talaga gustong tumawid, kaso hindi na ako masyadong makakita," sagot naman agad ng matandang babae.
              "Sigi po hahawakan po namin kayong mabuti ni Ron-ron para makatawid na po kayo," sabi ni Rap-rap.
              Nakatawid naman agad nang maayos at ligtas ang matandang babae.  "Naku salamat talaga mga bata, pa'no maiwan ko na kayo nasa unahan na lang naman ang bahay ng mga apo kong kasing ko-cute niyong dalawa," pasasalamat ng matandang babae.
            "Paalam po Lola..." sabay na pamamaalam ng kambal.  Mabilis namang inilipad muli ni Xander ang kambal.
          "Sana paglaki ko maging katulad mo rin ako  Super Xander na nakakalipad ng mabilis ang saya siguro noon," sabi ni Rap-rap.
         "Ako rin gusto ko ring makalipad kaparehas mo Super Xander," sabi naman ni Ron-ron
         "Baket naman?" tanong ni Xander
          "Lilipad ako nang mataas na mataas at tapos sasabayan ko sa paglipad ang isang eroplano," sagot ni Ron-ron.
         "Talaga..." sabi ni Xander.
         "Tapos lilipad ako malapit sa isang pakpak ng eroplano at ididikit ko agad itong nginunguya kung Chicklet Bubble Gum sa dulo ng pakpak ng nito.  Nagsasawa na kasi ako sa kakadikit ng bubble gum sa ilalim ng aking upuan, gusto ko sa ibang lugar naman.  Iyong siguradong hindi na ako mahuhuli uli ni Teacher," pahayag ni Ron-ron.
          "Ako naman lilipad malapit sa kabilang pakpak ng eroplano," sabi ni Rap-rap.
           "Tapos anong gagawin mo?" tanong ni Xander.
           "Didikitan ko rin ito ng nginunguya kong Chicklet Bubble Gum," sagot ni Rap-rap.
           "Baket naman?" tanong ulit ni Xander.
           "Para bumalanse ang lipad ng eroplano, mahirap na... baka tumagilid," natatawang sagot ni Rap-rap.
            Lumipad pa nang mas mataas at mas malayo nina Xander, Rap-rap at Ron-ron.  Nakakita sila ng isang nagdaraang eroplano malapit sa kinaliliparan nila sa himpapawid.
           "O ngayon Rap-rap andito na tayo lumilipad sa tabi ng eroplano ng Pacific Airlines, ididikit mo na ba iyang nginunguya mong bubble gum sa isang pakpak nito, ha?" tanong ni Super Xander.
          "Hindi na siguro, ang ganda-ganda kasi ng eroplano ng Pacific Airlines, tingnan mo sa may bintana mukhang masayang-masaya at komportable ang lahat ng mga pasahero, baka pag-ginawa ko 'yon magalit sa akin ang may-ari, ma-media pa ako nakakahiya naman," sagot ni Rap-rap.
          "Buti naman at nagbago ang isip mo," puna ni Xander.
          "Ang mabuti pa Rap-rap sumakay at umupo ka sa isang pakpak ng eroplano tapos ako, sa kabilang  pakpak naman uupo," alok ni Ron-ron sa kakambal.
          "Ganon, Ron-ron maski naman magkakambal at magkamukha tayo, mas mataba ka naman kaysa sa 'kin, baka... mas lalong tumagilid, kawawa naman ang mga pasahero," natatawang biro ni Rap-rap sa kakambal.
                     "Hindi kaya lang naman ako mas malaki at mas malusog sa 'yo nang kunti ay dahil dalawang baso ng gatas ng Birch Tree ang iniinom ko araw-araw, isa sa umaga at isa sa gabi," paliwanag ni Ron-ron.
           "Ganon naman pala..." natatawang sabi ni Xander.
           "Sa susunod naman kasi dapat kapag nagtitimpla ka ng Birch Tree isama mo na rin ako para magkasinglusog na tayo," sabi ni Rap-rap sa kakambal.
            "Ang mabuti pa, sasabihin ko sa kaibigan kong si Xandro na tuwing umiinom siya ng gatas ng Birch Tree ay ipagtimpla niya na rin kayong dalawa, okey ba 'yon  
Rap-rap, Ron-ron?" pahayag ni Xander.
            "Aba mas okey nga 'yon, magkapareho ang timpla, magkasinglusog din," natatawang sagot ni Rap-rap.
            Lumipad pa ng lumipad ang tatlo.  Ramdam na ramdam ng kambal ang sarap ng hanging humahampas sa kanilang mukha habang dahan-dahan silang inilililbot ni Xander sa buong himpapawid.
              "Ha, Dolphin iyon ah!" sigaw ni Rap-rap habang itinuturo ang isang malaki at itim na Dolphing lumalangoy sa karagatan malayo sa kanila.
                     "Oo nga ano, ang swerte naman natin at nakakita tayo ng Dolphin," sabi ni Ron-ron.
              Lumipad naman agad ng mabilis ni Xander patungo sa karagatan.  Hinabol niya ang mabilis na lumalangoy na Dolphin.  Agad niyang ibinuka ng mabilis at malakas ang kanyang mga palad habang hawak-hawak ng mga bisig niya ang kambal.  Lumabas agad ang manipis na lubid.  Hinabol nito ang malaking Dolphin.  Agad naman itong naabutan ng manipis na lubid.  Pinuluputan agad ito malapit sa kanyang ulo.  Hindi man lang nagpupumiglas ang Dolphin parang nakangiti pa itong pinagmamasdan ang tatlo.
             "Oy pwede mo bang ipasyal muna itong mga kaibigan kong mga bata ha?" pasigaw na tanong ni Xander sa malaking Dolphin.
             Hindi ito sumagot pero parang pumayag din dahil hindi naman ito lumangoy papalayo.  Kaya inilipad agad ni Xander pababa sa ibabaw ng dagat ang kambal.  Tumilamsik agad ang napakaraming mga tubig-dagat pagkasayad na pagkasayad ng mga paa ng dalawang kambal.  Habang nakatali ang Dolphin sa manipis na lubid, hinihila nito ng mabilis ang tatlo niyang mga pasahero sa ibabaw ng dagat.
             "Ang saya naman nakakapaglaro tayo nito kahit wala naman tayong speedboat," sigaw ni Rap-rap.
             Tuwang-tuwa ang dalawang kambal habang nakaapak ang mga paa nila sa dagat at mabilis na hinihila ng Dolphin.  "Aba para lang tayong nasa CamSur nito ah at libri lang, " masayang sigaw ni Rap-rap.  
             Masayang-masaya ang dalawang kambal hindi nila akalaing bukod sa paglipad ay makakaglaro pa sila sa dagat.  Matagal silang hinila ng Dolphin nang mabilis sa ibabaw ng dagat.  Ilang sandali lang ay may dumaang magandang babaeng Dolphin.  Hinabol agad ito ng tingin ng lalakeng Dolphin. Bigla itong tumigil sa paglangoy.  Bagsak agad sa dagat sina Xander, Rap-rap at Ron-ron.  Tawa nang tawa ang tatlo sa pagkakalublob nila sa dagat.  Hinarap sila ng Dolphin.  Hinawakan naman agad ng dalawang bata ang balat ng napakagandang Dolphin.  Tiningnan ng Dolphin ang tatlo na para bang nagsasabing.  Paalam na mga kaibigan, may emergency lang.  At agad na kumaripas ng langoy para habulin ang dumaang magandang Dolphin.  Tawa ng tawa ang tatlo sa ginawa ng Dolphin.  
Babaero pala ang bago nilang kaibigang Dolphin.  Kaya ang ginawa naman ni Xander kinarga niya muli ang kambal.  Inilipad niya nang bahagya ang dalawang kambal sa ibabaw ng dagat.  Tapos ay lumipad siya nang napakabilis  malapit na malapit sa  ibabaw ng dagat.  Tuwang-tuwa ang kambal sa ginawang iyon ni Xander.  May dumating na maraming Flying Fish.  Mabilis na lumangoy ang mga ito sa tabi nila.  Lumangoy ang mga ito ng mabilis at tumalon mula sa dagat.  Nagsidatingan pa ang mas malaki pang grupo ng mga Flying Fish.  Napapalibutan na sila Xander ngayon ng napakalaki at napakalawak na grupo ng mga Flying Fish.  Sabay-sabay na lumipad sandali at sabay-sabay na muling bumagsak sa dagat.  Paulit-ulit nila itong ginawa.  Nakita ni Xander na tuwang-tuwa ang kambal.  Kaya ginaya rin niya ang mga  ito.  Lumipad siya nang mabilis malapit sa ibabaw ng dagat at mabilis na nag-dive nang bahagya at muling tumalon paitaas na parang Flying Fish.  Ginaya ni Xander ang paglangoy at paglipad ng mga Flying sa palibot nila.  Tuwang-tuwa ang kambal sa ginawang iyon ni Xander.  Hindi nila maubos maisip na mararanasan nila ang ganitong klase ng pamamasyal.  Patuloy na ginaya ni Xander ang pagtalon at pagsisid muli ng mga Flying Fish habang hawak-hawak ang dalawang kambal.  Nakakamakhang pagmasdan ang napakalaki at napakalawak na grupo ng mga Flying Fish na sabay-sabay lumilipad at sabay-sabay na bumabagsak sa palibot nina Xander.  Ilang sandali lang ay iniwan na rin sila ng maraming Flying Fish at nawala sa malayo.  Kaya agad nang inilipad pabalik sa himpapawid ang kambal.  Mula dito nakita nila ang kaibigan nilang Dolphin na lumalangoy sa tabi ng babaeng Dolphin na parang nanliligaw.  Tawa ng tawa ang tatlo sa ginagawang panunuyo ng lalakeng Dolphin sa magandang babaeng Dolphin.  Hanggang sa mapagod na rin ang tatlo sa kakatawa sa lalakeng Dolphin kaya nagpasya nang iuwi ni Xander ang kambal.  Lumipad paitaas si Xander at mabilis na inilipad papauwi ang kambal.  Pagkarating nila sa bahay, agad niya itong ibinaba sa may pintuan at agad na nagpaalam.   Lumipad agad si Xander paitaas.
             "Salamat Super Xander, salamat!" malakas na sigaw ng kambal habang pinagmamasdan ang napakabilis na paglipad ni Xander papalayo.
              "Oy Rap-rap, Ron-ron andito na pala kayo, saan ba kayo galing na dalawa at kanina pa namin kayo hinahanap ng mama nyo, may dala pa naman kaming Selecta Ice Cream at Shakeys?" mabilis na tanong ni Eric.
                "Ipinasyal po kami ni Super Xander, papa at ang saya-saya talaga naming dalawa ni Rap-rap," masayang-masayang sagot ni Ron-ron.
               Ngumiti lang si Eric sa narinig niya sa kanyang kambal.